Author's Note 💛

84 8 25
                                    

Hello sa lahat ng nagbasa nitong ff! Maraming salamat sa pagbabasa nito, silent reader ka man o hindi. Espesyal ang ff na ito sa akin dahil naging distraction ko ito sa lahat ng pinagdadaaanan ko kasi ang daming nangyayari, simula sa pandemic. Naiiyak ako kasi mahihirapan akong i-let go yung attachment ko sa mga characters, lalo na kay Abednego 💙😭😭kasi POV niya sinusulat ko palagi at sa lahat ng ginawa kong characters sa kanya lang ako na-attach nang sobra. Challenging din sa akin na magsulat ng POV ng lalaki dahil babae ako at tsaka wala akong close friend na lalaki kaya sorry hehehe if ever man na na-feel niyong parang babae yung nagkukwento.  


Aaminin kong karamihan ng mga scenarios dito ay halos similar sa mga naranasan ko at ng ibang tao na kakilala ko. Gusto ko kasi sanang gawing mas realistic, nilagyan ko lang ng onting kemerut (anu daw hahaha). Sorry din sa lahat ng wrong grammar, English man o Filipino grammar, sorry kung nahilo kayo onti sa mga typos at wrong grammar. I will do my best para mag-improve pa. Sorry din kung naging madrama yung ibang eksena, kung nasobrahan man yung kadramahan hahahaha madrama akong tao kaya hindi ko mapigilang ilagay lahat ng gusto ko. 


Special thanks to deiko_ dahil sa votes at sa mga comments, ang saya ko sobra sa tuwing nakikita ko lahat yun. Plano ko dapat na tapusin ito for 2 months pero napaikli dahil naging motivation ko yung votes at comments mo huhuhu 😭😭😭 maraming salamat talaga huhuhu. 


Thank you ulit sa lahat ng readers, MOAs, yeheeeeey luvluts TXT, wooohooo tomorrow by together! Sana makapunta ako sa concert ng TXT sa future basta yung makikita sila sa personal (kaso ang hirap kaya, sa local artists pa nga lang hirap na paano pa K-pop idol hahahaha)! 😍😍💙💙


Basta wag kakalimutang alagaan ang kalusugan, pati yung mental health niyo ingatan niyo. God bless sa inyong lahat, paalam :)


-cornelia_rei



Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon