"Aray dahan-dahan lang huhu,"hindi ko maiwasang mapangiwi nang humapdi ang likod ko na may latay nang pahiran ito ni Kai ng gamot pagkatapos kong maligo.
"Yari ka kapag naging peklat yan, makikita yan ng kuya mo. Paniguradong kakatayin niya sila Ren at Daniel!"naalala ko na naman tuloy yung mukha ni kuya kapag nagagalit.
"Kaya sisiguraduhin kong hindi ako maghuhubad kapag nandiyan siya para hindi niya ako mahuli,"sabi ko pa. Sinuot ko na ang damit nang matapos na siya sa pagpahid ng gamot at kumuha ng ice cream sa ref nila.
"Nga pala, sinabi sa akin ni ate na bawal na daw akong maiwan dito nang mag-isa. Hindi naman sila pwedeng magsakripisyo ni mama para samahan lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko,"halatang namomroblema siya, lalo na at hindi biro ang nangyari sa kanya kagabi.
"Ganito, ako ang pupunta dito sa bahay niyo para samahan ka, at minsan naman ay pwede kang makitulog sa amin para sa ganun lagi mo akong kasama,"sinabi ko kaagad sa kanya ang naisip kong ideya.
"Sigurado ka ha, parang dinaig ko pa yung magiging jowa mo sa pagiging demanding ko sorry talaga!"nag-pout siya at pinisil ko lang ang ilong niya.
"Ano ka ba, diba nga ang sabi ko para na kitang kapatid kaya masanay ka na,"sumubo akong muli ng ice cream.
"Salamat hehehe, ibang klase ka talaga kumakain tayo ng ice cream kahit umuulan,"sabi pa niya. Oo nga naman, kaso mahilig kasi ako sa ice cream kaya wala akong pinipiling panahon sa paglamon nito.
Nag-movie marathon kami maghapon at wala ring pasok mamayang gabi si ate Lea kaya umuwi na ako. Kulang na lang ilipat ko yung bahay ko dito sa tabi ng bahay nila dahil madalas naman akong nandito. Sana pala magkapitbahay na lang kami hahahaha.
Pumara ako sa jeep nang makarating na sa binababaan ko. Lalakarin ko na sana papasok sa barangay namin kaso nagulat ako nang makitang nag-aabang sina Cedric at Aiden sa kanto. Hindi ko tuloy maiwasang isiping may trip na namang gawin itong dalawa sa akin dahil sila ang bullies ko simula Grade 8.
"Kailangan nating mag-usap kuya,"si Cedric na ang bumasag sa awkwardness.
"Sige, sumunod kayo sa akin,"napagpasiyahan kong dito kami mag-uusap sa 7/11 na malapit lang sa aming barangay.
Magkatabi silang dalawa na parang bati na ulit sila, at nakaupo naman ako sa tapat nila. Umorder na rin si Aiden ng tatlong cup noodles, natatawa ako dahil first time akong ilibre ng pasimuno sa pambubully sa akin noon.
"Nabalitaan naming nagpapagaling sa ospital sina Ren at Daniel at galing daw sila sa Sunny Crest subdivision kagabi. Didiretsuhin na kita, alam kong doon nakatira sa subdivision na yon si Kai Jung at ikaw ang naisip kong may kagagawan nun sa kanila,"tumingin pa siya sa kamay ko na medyo halata pa ring namamaga.
"Oo ako yun, sinamahan ko si Kai sa bahay nila nang marinig niyang may yabag ng tao sa bubungan nila. Nalaman siguro nilang nag-iisa si Kai tuwing gabi kaya pinasok nila ang bahay kagabi,"hindi na ako tumanggi pa.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fiksi Penggemar"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...