Hindi ako nakatulog nang maayos simula noong Sabado ng gabi nang dahil sa natuklasan ko kay papa. Hindi naman ako makapagtanong kay mama kasi baka mapunta lang sa hindi magandang usapan o di kaya ay masaktan ko siya nang sobra.
Kaya heto ako ngayon, inaantok sa biyahe papuntang school. Mabuti na lang ay inagahan ko ang pag-alis dahil ayaw ni Sir Rodriguez na late nadating. Nakaidlip ako at mabuti na lang at nagising ako nang malapit na sa school. Mabilis akong naglakad at nang makapasok ako sa classroom, hindi na ako nag-abala pang tumingin pa sa mga kaklase ko. Pinatong ko sa mesa ang bag ko at sinubsob ang mukha ko.
Kulang na lang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin nang may magdikit ng napakalamig na bagay sa mukha ko.
"May sakit ka ba?"bumungad si Axel na may hawak na iced coffee.
Iniiwasan ko nga siya, naman bakit pa nandito siya sa gilid ko. Nakaupo siya sa lamesa ng seat mate ko na si Kai.
"Wala,"sagot ko habang nakahawak sa pisngi ko.
"Di ko malilimutan yung pagtawag mo saking tuta. Heto, para magising ka baka mamaya makatulog ka sa klase lagot ka,"inilapag niya sa lamesa ang iced coffee.
Gustuhin ko mang igrab yung chance pero kailangan kong panindigan.
"Wag na,"monotone kong sagot at inabot ulit sa kanya yung iced coffee.
"Ayoko nga, libre ko na sayo yan kaya tanggapin mo na lang,"sinuksok pa niya sa gilid ng bag ko yung bote ng iced coffee.
"Ang kulit mo naman sabi ngang wa---"
"Shhhh! Wag mainit ang ulo sige ka lalaki yang bibig mo,"inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko.
Gising na ang diwa ko nang dahil sa naramdaman kong kilig. Naku paano pa kung ibang parte pa ng katawan niya ng dumikit sa labi ko edi namatay na ako sa kili-- erase erase!
Sinamaan ko siya nang onti ng tingin at inalis na rin niya ang daliri. Napatayo siya at mabilis na bumalik sa upuan niya nang pumasok si Sir. Nagkatinginan lang kami ni Kai at nagtaas-baba ang kilay niya.
~~~
Lunch break na at dinamihan ko pa ang paglamon ng tinapay na matatamis para sumigla naman ako. Nabanggit ko na kay Kai kung ano ang bumabagabag sa akin.
"Nagegets kong nahihirapan kang magdesisyon kung sasabihin mo ba sa mama mo o hindi, kasi paniguradong babalik ang sakit na nararamdaman niya. Masakit talagang makitang malungkot ang nanay natin,"sabi ni Kai habang kumakain ng yogurt.
"Malakas ang pakiramdam ko na nakita ko na ang pagmumukha ng batang ito dito sa school,"tinititigan ko yung larawan nila ni papa sa cellphone ko.
"Oo pamilyar nga, basta sigurado akong wala siya sa HUMSS,"pagsang-ayon ni Kai.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...