Dumiretso na ang lahat ng kaklase namin sa bahat ni Axel, rich kid kasi kaya keri ng parents na magpapunta ng isang batallion. Kasya pa ata isang barangay sa bahay nila, at hindi naman madamot si Axel kaya pumayag siya sa desisyon ng mama niya na papuntahin lahat. Ito na rin naman daw ang huling year namin sa high school kaya imbitado lahat.
Magkasama naman kami ni Kai na pumunta sa bahay niya. Alam naman namin ang papunta doon kaya nagpahuli na lang kami. Nagpalit kami ni Kai ng casual wear bago umalis ng school. Matapos ang 20 minutes at nakarating na kami doon. Nandoon na ang lahat ng kaklase namin sa labas kung saan naliligo na ang iba sa pool samantalang nagkakantahan ang iba, ang mga kabarkada din pala ni Axel ay nandito at nag-iihaw naman sila sa gilid.
Ang daming pagkain na nakahanda sa kabilang gilid sa isang napakahabang lamesa. Dinaig pa ata boodle fight sa dami ng pagkain, siguradong kasya naman ito sa lahat ng bisita, kahit mag eat all you can pa.
"Salamat at nakapunta rin kayong dalawa,"lumapit sa amin ang mama ni Axel.
Nakakaintimidate ang mama niya pero ang saya ko kasi kapag nakikipag-usap siya sa amin, ay malumanay ang boses niya kaya pakiramdam ko napakalambing at supportive siyang ina.
"Salamat din po sa pag-imbita hehe,"napakamot na lang ako sa batok sa hiya.
"Walang anuman, sana mag-enjoy kayo dito,"ngumiti ang mama niya.
"Sigurado po kaming mag-eenjoy po kami,"sagot ni Kai at sinabayan ang pagngiti ng mama ni Axel.
"Kung kailangan niyo po ng tulong, willing po kami,"pag-offer ko sa mama niya, sa dami ba naman ng tao paniguradong mahirap mag-asikaso.
"Hindi na, may mga trabahador at caterer akong pinapunta dito para hindi mabigat ang gawain. Sige mauuna na ako,"tinuro niya ang mga taong magkakapareho halos ang damit at disenyo na suot.
Iba talaga kapag rich kid, buti hindi matapobre ang mama niya. Bumalik siya sa terrace ng bahay, kung saan nandoon sina Axel at si Paulyn na kinakausap si Tita. Botong-boto siguro ang mama niya kay Paulyn dahil hindi basta-bastang babae si Pau.
Kung hindi man si Axel ang makatuluyan ko, sana yung kamag-anak na lang niya. Wala kasi siyang kapatid sayang. O di kaya sana ipangalan nila yung anak nila sa akin. Joke lang nakakahiya noh, papangalanan ko na lang na Axel Lars ang aso ko kapag nanganak na ang aso ng kumare ni mama. Para feel na feel ko at makikiss ko pa yung aso nang walang angal, loyal pa sa akin. Ayan kung anu-ano na naman pinag-iisip ko.
Bumalik ulit ako sa huwisyo nang marinig kong kumakanta na si Kai sa videoke at pinagtitinginan siya ng mga tao. Sana lahat malakas ang loob na kumanta sa birthday ng kaibigan. Maraming talent kaya itong best friend ko, mana sa akin charot.
Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo Ako'y gigising na sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...