Kinabukasan, nagising ako nang wala na si Axel sa tabi ko. Naghilamos ako at nagsipilyo bago lumabas ng kwarto para hanapin siya.
"Tita, nakita niyo po ba si Axel?"bungad ko habang nagluluto siya.
"Wala ba siya sa kwarto niyo? Hindi ko naman siya nakitang umalis at hindi rin naman tumunog yung gate,"sagot niya habang naghahalo sa kawali. Bigla na naman akong nakaramdaman ng kaba, baka palihim naman siyang umalis.
"Dito lang po kayo, hahanapin ko po siya,"bago pa magpanic si tita ay naglibot ako sa bahay nila.
Wala siya sa loob ng bahay kaya sa labas ako maghahanap. Hindi na ako nakapagsuot ng tsinelas sa sobrang kakamadali.
"Axel nasaan ka?!"malakas kong sigaw. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Lalabas na sana ako sa gate ng bahay nila, kaso may narinig ako.
"Abed!"napalingon ako sa likuran ko at natanaw ko siya na nasa bubong ng bahay nila. May balak ba siyang tumalon galing doon?
"Anong ginagawa mo diyan? Wag mo nang ituloy ang binabalak mo please mag-usap tayo!"sigaw ko pa at tumayo sa tapat ng kinaroroonan niya para kung sakaling tumalon siya ay sasaluhin ko siya.
"Ano ka ba, wala na akong balak na magpakamatay ulit dahil sayo!"sabi pa niya at umupo sa bubong.
"Aakyat ako diyan! Wag kang malikot kundi susunod talaga ako sayo sa kabilang-buhay!"nakita ko sa gilid ng bahay ang pinaggamitan niyang ladder sa ikalawang palapag para makaakyat. Kaagad naman akong nakarating sa bubong nila at umupo ako sa tabi niya.
"Sanay ka ba sa akyatan?"tanong pa niya.
"Oo, kung alam mo lang,"kahit sa puno kaya kong umakyat lalo na noong pinanood kitang sumasayaw.
"Wag ka nang mag-alala ulit nang ganun, tumatambay lang talaga ako dito sa bubong minsan,"kitang-kita ko sa mataas nilang bubong ang bundok sa may kalayuan at ang bubong pa ng ibang bahay.
Buti na lang at hindi maaraw kaya hindi kami naiinitan.
"Nga pala, uuwi na ako mamaya sa amin,"sabi ko pa sa kanya.
"Mamimiss kita,"yumuko siya at sumimangot.
"Araw-araw naman tayong magkikita at pupuntahan pa kita dito tuwing umaga para kasabay mo akong pumasok sa school,"kailangan ko siyang mabantayan kaya gusto ko siyang makasabay. Halos dito na nga ako tumira sa kanila ngayong weekend at kailangan ko na ring linisan ang bahay kong naiwan.
"Bakit wala kang suot na tsinelas?"napadako tuloy ang tingin ko sa paa kong may buhangin at lupa pa.
"Nataranta ako nang magising ako na wala ka sa tabi ko eh, akala ko naglayas ka ulit,"sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfic"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...