"Ano?"bakit parang gulat na gulat naman siya? Naglakad siya palapit sa amin at lalo tuloy uminit ang pakiramdam ko.
"Inabot yan sa kanya ni Ren kanina, yung tropa mo eh hindi naman namin alam kung ano yan,"sabi pa ni Kai.
"Nakakalasing ito, kaya nga hindi ako nagpa-inom ng cocktail o ng kahit anong alcoholic kasi may pasok pa bukas. Dinamay mo ba si Ren dito ha Aiden?"galit ba si Axel? Ganito pala ang pakiramdam ng lasing, kaya pala nahihilo ako at ang init ng pakiramdam ko. Pero bawal akong umuwi nang lasing, yari ako kay mama lalo na kay kuya.
"Inutusan ko lang siya,"teka, himala at umamin si Aiden sa kanya. Umahon na sa pool si Aiden at magkatapat na sila ngayon ni Axel.
"Ano bang gusto mong mangyari? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman pinapakialaman ni Abed,"mahinahon, pero halata ang diin sa boses niya.
"Wala kang alam noh, kung alam mo lang kung ano talaga ang pagkatao niya, sigurado akong magugulat ka,"balak ba niyang sabihin ngayon na bakla ako?
Napatingin ako kay Kai at bigla naman niya akong hinawakan sa braso.
"Anong alam mo? Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan kay Abed, tanggap ko siya sa kung sino siya kaya tumigil ka na,"kulang na lang ay may maglabasang laser sa mata ni Axel dahil sa tingin niya.
"Sige, hahayaan ko munang ikaw ang makaalam ng totoo. Wag mo akong sisihin dahil pinagsabihan na kitang mag-ingat sa kanya,"nagwalk-out si Aiden at pumunta sa isang pintuan kung saan nagbihis rin yung mga naligo kanina dito.
"Tara na, bawal magbabad sa pool ang lasing baka kung ano pang mangyari sayo,"sabi pa ni Kai habang hawak pa rin ako.
"Magpalit na rin kayong dalawa, ihahatid ko kayo pauwi,"this time, hindi na mukhang mangangain ang tingin ni Axel.
"Wag na, hindi mo naman kami babae para ipahatid pa, ayos lang kami pramis,"diretso kong wika. Anong meron sa bibig ko ngayon at parang hindi ko ata makontrol ang mga sinasabi ko.
"Bilin ni mama sa akin, at tsaka delikadong mag-commute lalo na at lasing ka Abed,"seryosong sagot ni Axel.
Tumango lang kami ni Kai, at hinintay na lumabas si Aiden para hindi na namin siya makasabay pa sa loob, baka magkagulo pa dito nakakahiya naman nakikibrithday na nga lang kami. Nakabihis na si Aiden at umuwi na rin siya kaagad. Mabilis lang kaming nagbihis at inalalayan ako ni Kai, dahil pageywang-geywang na pala ang lakad ko. Nakasuot lang ako ng plain black t-shirt at pantalon.
"Aalis na po kami Tita, maraming salamat po,"magiliw na wika ni Kai.
"Maraming salamat po sa lahat hehe,"dagdag ko naman.
"Sige, mag-ingat kayo,"kinawayan kami ng mama ni Axel, at kumaway din ako gamit ang dalawa ko pang kamay na nakangiti.
"Uy wag ka nang malikot!"hinatak pa ako ni Kai at isinakay kaagad sa kotse.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...