[34th CHAPTER]: Reconcile

58 3 0
                                    

Hindi na ako nakapag-almusal dahil wala akong gana kumain. Pumasok na ako sa school na medyo namamaga ang mata at pansin kong pinagtitinginan ako habang naglalakad ako. Dire-diretso lang akong pumasok sa classroom at iniwasan ko ang mga tinginan nila. Tumabi kaagad ako kay Kai na halatang may gustong sabihin sa akin.


"Uy, baliktad yung blazer ng uniform mo,"bulong sa akin ni Kai at kaagad kong hinubad ang blazer para suotin ito nang tama. Kaya naman pala ako pinagtitinginan akala ko tuloy hinuhusgahan nila ang pagmumukha ko.


Nagsimula ang klase at nagkaroon ng biglaang recitation sa isang subject. Hindi pa man din ako nakapag-basa at isa-isang natatawag ang mga kaklase kong nabubunot sa 1/8 na index card na may pangalan at picture namin. Maski si Kai at Axel ay parehong nakasagot ng tama. Pinapatayo naman sa harapan ang mga hindi nakakasagot. Mas lalo akong kinabahan dahil sa dami ng nangyayari, mukhang napapabayaan ko na ang pag-aaral, wala akong masasagot nito!


"Mr. Montanilla!"napatayo ako nang mabunot na ang index card ko.


"Can you tell us the summary of Schindler's ark?"tanong ni Sir. Oo nga pala, pinaaalahanan niya kaming magbasa tungkol doon at sa iba pang novels.


Umiling ako sa kanya para sabihing wala akong maisasagot.


"Hindi ka nag-advanced reading?"halata ang disappointment sa mukha niya.


"Hindi po, sorry,"napayuko na lang ako nang mapansing nakatingin din sa akin ang mga kaklase ko.


"Yan ang napapala ng mga hindi nagbabasa. Sige, tumayo ka dito sa harapan!"humilera na kaagad ako sa mga 5 kong kaklase na nakatayo din sa harapan.


Nanatili lang akong nakatitig sa sahig hanggang sa matapos ang klase ni Sir Rodriguez.


"Kayong anim, kailangan niyong sumama sa akin dahil may ipapagawa ako sa inyo para hindi ko malagyan ng 75 ang mga index card niyo. I-eexcuse ko na lang kayo sa mga susunod na teachers niyo dahil matatagalan kayo sa ipapagawa ko sa inyo,"sabi niya sa amin.


"Ikaw na lang muna ang bahala sa bag ko Kai, mauna ka na ring kumain ng tanghalian. Hindi ko pa alam kung anong oras ako makakabalik,"mabilis kong sabi kay Kai nang mapadaan ako sa kanya.


"Sige, see you later"


Umalis na kaming anim at sumunod kay Sir hanggang sa tapat ng English department ng SHS faculty. Hinintay namin siyang ilapag ang mga gamit niya sa lamesa bago niya kami kausapin.


"Madali lang naman ang ipapagawa ko sa inyo, ipapalinis ko sa inyo ang storage room ng department namin. Kumuha na kayo ng mga cleaning materials sa likod nitong pintuan,"kumilos kami para kuhanin ang mga basahan, walis, dustpan, bunot, at floor wax.


Dalawa kaming lalaki at apat naman ang babae. Kami na ni Hans ang nagbitbit ng mga walis at dustpan para hindi mabigat ang bibitbitin ng mga babae. Binuksan ni Sir Rodriguez ang storage room na nasa tapat mismo ng parking lot 1.


"Babalikan ko kayo ng mga 2pm, kailangan niyo ng permission ko bago ko kayo payagang umalis. Ayusin niyo yung pagkaka-organize ng mga nagkalat na papel. Naiintindihan niyo ba?"

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon