(A.N: Malapit nang matapos itong story huhuhu kaya isa-isa na lang ang pag-update huhu d ako makapaniwalang mga 2 months lang ang tinagal ko sa paggawa nito huhu ang hirap ding i-let go ng characters nila kapag natapos na T.T )
------------
Kinabukasan, hindi na naman siya pumasok at kinabahan ako nang magsabi ang ibang teachers ng paalala dahil marami na siyang blangko sa class record. Baka madrop-out pa siya at mapatawag ang magulang kapag dinagdagan pa niya ang absent niya desidido na akong puntahan siya ngayong Friday sa bahay niya.
"Gusto mo bang samahan kita?"sabi ni Kai habang naglalakad kami palabas.
"Wag na, babalitaan na lang kita pagkatapos,"baka mas mahirapan akong kausapin siya kung may kasama akong iba.
"Sige mag-iingat ka doon,"tinanguan ko siya.
Hindi ko maiwasang mairita nang marinig ko ang tawanan at masayang kuwentuhan nila Paulyn kasama ng mga tukmol na parang isang ordinaryong araw ito. May konsensiya pa ba sila matapos ng ginawa nila kay Axel na ilang taon din nilang pinaniwalaang kaibigan ang turing nila kay Axel.
Hinintay ko munang makasakay si Kai bago ako sumakay sa jeep na sasakyan ko. Hindi ko maiwasang kabahan nang makarating na ako sa loob ng subdivision. Huminga ako nang malalim at pinindot ang door bell sa gate nila Axel.
"Magandang gabi po tita, nandiyan po ba si Axel?"ang mama ni Axel ang sumalubong sa akin.
"Oo nagkulong siya sa kwarto niya at mahigpit niyang ibinilin sa aking hayaan ko lang siyang mapag-isa,"halata ang lungkot sa kanya. Pumunta kami sa sala at doon niya piniling makipag-usap sa akin.
"Alam niyo na po ba tita?"wala akong ideya kung nagsabi ba si Axel sa mama niya o hindi.
"Oo, sinabi niya sa akin ang lahat noong mismong araw na nangyari iyon. Umuwi siyang lasing at sobrang gulo ng uniform niya kaya sobra akong nag-aalala sa kanya. Hindi rin siya masyadong kumakain nang maayos at kahit anong pakikipag-usap namin ng papa niya, wala pa ring nagbabago. Alam ko na rin ang side mo, pero ayaw niya kayong paniwalaan ni Kai. Alam kong mabuti kang kaibigan Abed, tulungan mo akong maibalik sa dati ang anak ko,"halatang pinipigilan ng mama niya na maiyak sa harapan ko.
"Opo tita, kaya po ako nandito kasi tutulungan ko po siya kahit na paulit-ulit niya akong itaboy. Ang totoo po niyan narinig namin ni Kai ang tungkol sa pagpaplano ng mga kaibigan niya sa kanya pero hindi po namin alam kung ano pong plano iyon. Hindi rin po namin akalaing kasangkot si Paulyn. Patawarin niyo po ako tita, kung wala po kaming nagawa para iligtas si Axel,"pag-amin ko sa kanya.
"Alam kong maganda ang hangarin mo sa anak ko kaya wala kang kasalanan. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya hindi maganda ang kutob ko sa babaeng iyon pati sa mga kabarkada ni Axel na madalas niyang dalhin dito. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos nang makita kayo at makilala ng anak ko, ramdam kong hindi niyo siya iiwan at tatraydorin,"hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Handa po akong gawin ang lahat para mailigtas si Axel,"handa akong ibigay ang lahat para sa taong mahal ko.
"Maraming salamat nak, tara sisilipin natin kung pwede mo na bang makausap ang anak ko,"inanyayahan niya akong umakyat papunta sa kwarto ni Axel.
Kinatok ito ng mama niya nang ilang beses, pero walang sumasagot. Halos ilang minuto na ang pagkatok pero wala pa ring nasagot at naka-lock ang pinto. Kumuha ng spare key si tita, at nang mabuksan namin iyon ay kinabahan ako nang makitang wala siya doon.
"Jusko saan siya pumunta?"nataranta ang mama niya at kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya. Siguro ay sa bintana siya dumaan, dahil pansin kong nakabukas iyon.
Napatingin kami sa isang drawer dahil doon nagmumula ang tunog nang I-dial ni tita si Axel. Binuksan ko kaagad ang drawer na iyon at bumungad sa amin ang cellphone niyang nagriring. Pero hindi ko inaasahang makita doon ang isang papel na nakatupi, maging ang kwintas na regalo ko sa kanya ay nakaiwan din doon. Anong binabalak niya? Bakit iniwan niya lahat ng mahalagang gamit niya? Binuklat ko ang nakatupi ng papel at binasa iyon kasama si Tita.
Mahal kong ina at ama,
Hindi ko na po kaya, kahit anong gawin ko hindi ko na kakayanin pang mabuhay sa mundong ito. I can't stand to live in this world, full of monsters and I'm going to die slowly if makikita ko lang sila nang paulit-ulit sa school. Hindi ko sila kayang alisin sa isip ko, ang lahat ng sakit na ginawa nila. Hindi ko kayo pwedeng idamay sa lahat ng magiging kamalasan ko sa buhay.
Please forgive me if I'm not a good son, a role model, an achiever, and a perfect son just like you both noong bata pa kayo. I love you mama, papa, at kahit na wala na ako sana maging masaya lang kayo at isipin niyo na lang na naninirahan na ako sa malayong lugar na walang balikan.
I'm sorry if you will never see me dancing. I will jump to the place where no one can see me, and I will be free. I am sorry and thank you very much.
PS: Pakibigay na lang po kay Abed ng letter ko para sa kanya.
-Axel
---
To my utopia, Abed
Siguradong wala na ako kapag nabasa mo na ito. I'm sorry if I am not able to wear this wonderful gift from you. Pakisabi na rin kay Kai na humihingi ako ng kapatawaran sa pakikipag-away ko sa kanya. I don't deserve you. Patawarin mo ako sa lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sayo at sa pananakit ko sayo. I'm too broken to the point na nasaktan na pala kita.
I'm sorry if I'm not able to witness your success and growth, if I'm not able to say kung ano ang gusto kong sabihin sayo dahil panigurado akong masasaktan lang kita kung aamin ko iyon. I know nasa process ka na ng paghilom sa sakit na naranasan mo and I'm really sorry if I'm not there para samahan ka sa laban mo. I can't fight for myself anymore because I'm a coward.
Kung bibigyan man ako ng pagkakataong humiling, I wanted to turn into the moon so I can watch you all night. The time will come when people will appreciate you and I will be up there, shining brightly and smiling for you. I love you, goodbye.
Hindi ko mapigilang manginig sa nabasa kong suicide letter ni Axel. Hindi ito pwede, kailangan ko siyang hanapin bago mahuli ang lahat! Hindi ko matatanggap itong desisyon niyang magpakamatay!
.
.
.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfic"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...