Chapter 2

3.7K 173 92
                                    


BINAWI ko ang kamay ko mula kay Froilan. Nginitian niya lang ako sa kabila ng matalim kong tingin sa kaniya. Bumuntong hininga ako at umirap bago naglakad palayo.

"Amorette Lavin Carbonel, liligawan kita!"

Nanlaki ang mga mata ko at parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. Sa sobrang lakas ng isinigaw niya ay nagtinginan sa kaniya ang mga kapwa namin estudyante. Ang iba ay nahinto pa sa paglalakad.

Napalunok ako at kinuyom ang mga kamao. Mabilis akong naglakad at lalong yumuyuko sa tuwing sinusundan nila ako ng tingin.

Nang makarating ako sa sumunod kong klase ay pabagsak akong umupo sa upuan ko at natulala. Bwisit na Froilan 'yon! Bakit niya sinabi 'yon? At talagang ipinangalandakan pa? Mas lalo lang akong pag-iinitan ng mga tao rito, e! Ayoko nga ng pinapansin ako! Gusto ko mag-isa lang ako! Ayoko nang may kumakausap sa akin!

"Iyong isa riyan... akala mo ang ganda na porket ipinagsigawan na liligawan siya." Narinig kong sabi ng isa sa mga babaeng kaklase ko. "For sure naman pinagti-trip-an lang siya ni Froilan. Because seriously, it seems impossible for him to like an ugly weirdo!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Nanatili akong nakahalukipkip at nakatingin lang sa harapan, hindi sila pinapansin. My attention was so precious. They didn't deserve it.

Maya-maya ay may lumapit sa gilid ko at ginalaw ang buhok ko. Umiwas ako at walang reaksyon siyang tiningala. It was Ingrid the flirt. I heard so many gossips about her. Not that it mattered to me, but the issues about her were everywhere. And just like other girls in this university, she was obviously salivating over Froilan, too.

Tss. Pathetic.

"Hoy! Ano, feel na feel mo 'yong sinabi ni Froilan?" Tumawa siya. "Don't be assuming, girl. He's just probably playing with you. Iyong mga katulad mo kasi ang masarap pag-trip-an."

Hindi ko siya pinansin at muli lang tumingin sa harap, hinihintay ang prof. Nagulat na lang ako nang malakas niyang hilahin ang buhok ko. Dahil doon ay napabalik ang tingin ko sa kaniya, iritado na ngayon.

"I'm talking to you, weirdo! Tumingin ka sa 'kin!"

She tried to pull my hair again, but I harshly shove her hand away. Inis akong tumayo at mariin siyang tiningnan. Tumingala siya sa akin. Sa liit niyang 'yan, baka kapag binatukan ko siya ay lampaso agad siya sa sahig.

"What you're saying is so senseless. And you are not worth the time to even look at," I calmly said.

"Whoa!" hiyawan ng iilang mga kaklase ko. I silently cringed.

Napakurap-kurap si Ingrid at mas lalong sumama ang tingin sa akin.

"You fucking bitch!" She was about to push me when our prof suddenly went in.

*****

Nang dumating ang lunch ko ay nagpunta na ako sa cafeteria. Habang nakapila ako at namimili ng uulamin sa gilid ay narinig ko ang pangalan ni Froilan. Napairap ako.

"Pupunta ka ba sa party ni Serene, Froilan?"

"Huh? Sinong Serene?"

"'Yong kapatid ni Connor Velleres!"

Umandar ang pila kaya mas natingnan ko ang mga ulam na pagpipilian.

"Ah, depende. Kapag walang masyadong gagawin."

Itinuro ko sa baklang nagtitinda ang Sinigang na Hipon.

"Magkano po?" tanong ko.

"Seventy with rice, sismars!"

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon