Chapter 3

2.9K 176 57
                                    


TITIG na titig ako sa aking sarili habang itinatali ko ang hanggang dibdib kong buhok. Huminga ako nang malalim matapos itong maitali at mas tinitigan ang sarili sa harap ng salamin. Muli akong nakaramdam ng panliliit sa sarili.

My skin color looked so pale. It was almost paper white and I never liked it because I looked like I have a Leukemia or something. Karamihan sa school ay tinutukso akong white lady dahil sa kaputlaan ko. I was tall, but I was a bit thin. My butt was round and big, that's why I always thought that it didn't fit my thin arms and legs. Maganda sana kung may laman ako nang kaunti para man lang bumagay sa pang-upo ko. Kaso, kahit palagi naman akong kumakain ng marami ay hindi pa rin ako tumataba.

I stared at my eyes. I had a pair of wide and round eyes. Para bang laging bagong gising at namamangha. Ito lang yata ang pinakagusto ko sa panlabas kong anyo. Ang ilong ko kasi ay maliit kaya hindi ito sobrang matangos. Ang mga labi ko naman ay may kakapalan. Kaya isa rin ito sa mga tinutukso sa akin ng mga tao. Nakanguso raw ako palagi kahit na hindi naman.

I was already used to the teasing. I already learned how to live with the hurtful judgments. I already long accepted that people would always embarrass me. I wasn't perfect and never would I be. I accepted myself for who I was. I knew that I wasn't that pretty just like any other girls. I knew that I was lacking of almost everything that most people have.

Tanggap ko. Wala naman akong magagawa dahil ganito ako. Kung hindi ko tatanggapin nang buo ang sarili ko, sino na lang ang tatanggap sa akin?

Napatingin ako sa litrato ng mga magulang ko na nakapatong sa tukador. Napabuntong hininga ako at parang kinurot na naman ang puso. My parents died in a car accident three years ago. My aunt who was a sister of my father used to take care of me when my parents died, but eventually let me live alone.

Sabi niya'y hindi niya raw kaya kung pati ako ay aalagaan niya habang buhay. Lima ang anak niya at isa roon ay may kapansanan. Pinaalis niya ako sa kanilang bahay pero rito naman ako sa apartment pinatira. Binigyan niya ako ng pera at hinayaang magtrabaho bilang kahera sa convenience store na pag-mamay-ari niya.

Ilang dekada na ring nakatayo ang negosyo niyang iyon. 23 pa lang siya nang itayo niya 'yon at ang Mayor pa nila ay 'yong si Isko Moreno na crush na crush daw niya noon.

"You should now learn how to be independent, Amor. Hindi ka na bata at wala ka nang magulang na aasahan. Magsimula ka sa pagtatrabaho rito para naman nakakapagtabi ka na rin ng sariling pera. Aba, hindi naman buwan-buwan ay malaki ang maipapadala ko sa 'yo," sabi pa ni Tita Rosanna sa unang araw ko noon sa pagtatrabaho sa convenience store niya.

Tama naman siya. Ako na lang ang mag-isa at kailangan kong matuto kung paano buhayin ang sarili ko. Maswerte nga ako at nahanapan niya ako ng apartment at binigyan pa ng trabaho. Paminsan-minsan din ay nagpapadala siya ng pera sa akin para pandagdag sa mga gastusin ko sa eskwela.

"Naku, buti na lang at nandito ka na!" sabi sa akin ni Cjay pagpasok ko ng convenience store.

It was a Saturday morning, so I didn't have any classes. Tuwing Sabado at Linggo lang ang pagtatrabaho ko sa store gaya na rin ng gusto ni Tita. I even suggested if I could also work during weekdays after school, but she refused.

"Hindi na! Kaya nga malaki ang ipapasweldo ko sa 'yo kahit dalawang beses ka lang sa isang linggo magtrabaho! At binibigyan naman kita ng pera buwan-buwan kaya hindi ka magigipit! Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo!"

Tinandaan ko ang sinabing iyon ni Tita Rosanna. Ayaw niyang maging hadlang ang pagtatrabaho sa pag-aaral ko. Kahit naman minsan ay masungit siya sa akin, hindi maitatanggi na may malasakit talaga siya para sa akin.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon