Chapter 37

1.9K 99 20
                                    


Thank you for still being here. I appreciate you.

BUMALIK kami ng Maynila. Ayaw ni Froilan na bumalik pa ako ng apartment ko. Siguro'y natatakot din siya na baka matunton ako ng mga awtoridad. Ayaw rin niya sa condo niya dahil maraming pupuwedeng makakita sa amin doon na magkasama. May mga CCTV doon.

"Let's stay in our house for the mean time," he said while driving.

Gusto kong tumutol dahil ayokong madamay pa pati ang pamilya niya. Kaya lang ay wala rin naman akong maisip na puntahan. Wala akong solusyon. I admit that I was really weak in handling life and death situations. I wasn't really that tough.

Kaya hinahayaan ko na lamang si Froilan na magdesisyon. Sa aming dalawa, siya ang mas nakakapag-isip ng solusyon. Nagpapasalamat ako na narito siya sa tabi ko ngunit hindi ko rin maiwasang mangamba para sa kaniya. I couldn't help but to think that I was dragging him down together with me. I couldn't really help but to blame myself.

"I don't have my things," sabi ko.

"Don't worry about it."

We arrived at their house at exactly 10 PM. Their mansion was heavily guarded, as expected. Maraming bodyguards ang sumalubong sa amin sa gate pa lamang. Ang mga magulang niya ay nasa bulwagan na rin upang salubungin kami. Naalerto na siguro na dumating kami ng dis oras ng gabi.

"We're safe here, Amor. Don't worry. Marami kaming mga tauhan dito at hindi basta-basta makakapasok ang... kung sino," aniya pa bago kami bumaba ng sasakyan.

Agad lumapit si Claudia. Bahagyang nagtagal ang tingin nito sa akin bago bumaling kay Froilan.

"What's with the sudden visit, son?"

Froilan sighed. Hinawakan niya ang kamay ko. Napalunok ako nang mariin kaming suriin ng tingin ng mommy niya na tila may ginawa kaming hindi maganda.

"We're... gonna stay here for a while, Mom."

Kumunot ang noo nito. Sinundan kami nito ng tingin nang magsimula nang maglakad si Froilan papasok ng mansyon. Pumasok na rin ang dalawa kasunod namin.

"Anak, is there a problem? Anong meron sa condo mo o sa tinutuluyan ni Amor? Bakit bigla niyong naisipang tumuloy rito?" sunod-sunod na tanong ni Claudia.

Si Tito Enrico ay mataman lang na nakatingin sa anak na tila naghihintay rin ng paliwanag. Tumigil sa paglalakad si Froilan upang harapin ang mga magulang.

"Ihahatid ko po muna si Amor sa kwarto. She's tired. I'll be back immediately to explain some things."

Bahagya akong napasinghap. Napahawak ako sa braso ni Froilan. Nagkatinginan kami. Our eyes seemed talking to each other -- whispering things that only us knew. Natatakot ako. Nag-aalala ako. Sasabihin niya ba sa pamilya niya ang nagawa ko? Ano na lang ang magiging opinyon ng mga ito tungkol sa akin kapag nagkataon?

Marahan siyang kumurap at malamyos na hinimas ang aking braso.

"It's okay," marahang wika niya. "We need to tell them. I trust them, I know that they will help us."

Kalagitnaan pa lamang ng sinasabi niya ay umiiling na ako. Namuo rin ang luha sa mga mata ko. Ayaw ko. Baka kamuhian ako ng pamilya niya kapag nalaman nila. Baka hindi nila maintindihan.

Nakita ng mga magulang niya ang reaksyon ko kaya mas lalong dumoble ang pagtatanong sa kanilang mukha.

"Amor, what's wrong, hija?" marahang tanong ni Claudia.

"Iaakyat ko na po muna siya sa kwarto. Bababa rin ako."

Napatango na lamang ang dalawa kahit litong-lito ang mga itsura. Dinala ako ni Froilan sa kaniyang kwarto. Agad na sumalakay sa pang-amoy ko ang pamilyar niyang panlalaking pabango. Mas malaki ang kwartong ito kaysa sa nasa condo niya. Hindi ko na masyadong na-appreciate kung gaano ito kaganda dahil sa nararamdaman ko ngayon. Dumiretso na lamang ako sa couch na naroon at naupo.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon