Chapter 30

2.6K 112 50
                                    


SINIMULAN ko nang ayusin ang mga gamit namin ni Froilan habang siya ay naliligo pa sa banyo. Tanghali na kaming nagising pareho. Ayaw ko pa nga sanang bumangon dahil sa pagod at pananakit ng katawan kaso ay mas ayaw ko namang mahuli kami sa flight.

Ngayon na ang pagbalik namin sa Pilipinas matapos ang halos tatlong araw na pananatili rito sa Greece. Everything about our stay here will be forever kept in my heart. This was my first out of the country travel and my first travel with Froilan. It felt so memorable for me.

Bahagya akong napanguso sa pagpipigil ng ngiti nang maalala ang nangyari kagabi. I shook my head and just continued packing.

"We'll take our lunch here first before we head to the airport," si Froilan nang matapos sa banyo.

"Okay."

Iyon nga ang nangyari. Mabilis lang kaming kumain ng tanghalian sa isang restaurant na hindi pa namin nakainan sa ilang araw ng pamamalagi namin dito. Hindi na kami nagtagal dahil baka hindi kami makaabot sa flight. Alas dos ng hapon nang tumulak kami patungong airport.

"Don't you wanna sleep, amour?" Froilan gently asked nang nakasakay na kami sa eroplano.

Galing sa bintana ay inilipat ko ang mga mata ko sa kaniya. Umiling lamang ako bilang sagot. His brow arched and stared at me intently.

"But you're tired..." he said meaningfully.

"I am, but I want to appreciate the view more." Turo ko sa bintana.

He sighed lightly. He reached for my hand and intertwined it to his. He remained looking at me through his dark, but gentle eyes.

"Hindi ka ba matutulog?" tanong ko dahil parang panonoorin niya lang ako sa buong biyahe namin.

"Hindi pa ako inaantok." Itinaas niya ang mga kamay naming magkahawak bago dinampian ng halik ang kamay ko.

Ngumiti ako at hinayaan na lamang siya. Muling kong ibinaling ang atensyon ko sa bintana. Nanatili ang hawak niya sa kamay ko pati na rin ang mga mata.

Ilang oras din akong nakatanaw lang sa himpapawid hanggang sa dinalaw rin ng antok. Ayaw ko mang matulog ay hindi na kinaya ng mga mata ko. Nagising ako nang marinig ang boses ng piloto na nag-aanunsyo. Froilan was gently caressing my cheek. I slowly opened my eyes and realized that my head was resting on his shoulder.

Unti-unti na akong nagising lalo na nang dumami ang sinasabi ng piloto. Naramdaman ko ang paghalik ni Froilan sa tuktok ng ulo ko.

"We're about to land," he informed.

Kinusot ko ang mga mata ko. Nakatingin na siya sa akin at tila nag-aabang na tumingin ako sa kaniya. Doon ko lang din napansin na hawak pa rin pala niya ang kamay ko.

"Did you sleep?" I asked.

"Just a bit."

Nang sa wakas ay makababa kami ng eroplano ay abala na si Froilan sa kaniyang cellphone. Kausap niya kanina iyong susundo sa amin. Mukhang naroon na sa labas ng airport. Ngayon naman, habang naglalakad kami palabas ay mommy naman niya ang kausap.

"Yes, Mom, we just landed." Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko at mas inilapit ako sa kaniya nang may makasalubong kaming grupo ng mga foreigners. "We will go straight directly to my condo. Nasabi ko na sa 'yo, hindi ba? Doon po muna kami tutuloy ngayong gabi at bukas ko na ihahatid si Amor sa kanila."

Napatingin ako sa kaniya nang mahimigan ko ang medyo inis niyang tono. He groaned at halos mapaikot ng mga mata.

"Fine. We'll stay there for tonight." Ibinaba niya na ang cellphone.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon