Chapter 31

2.1K 112 20
                                    


TUMULALA ako sa kisame habang parang sirang plakang nagpapaulit-ulit sa akin ang mga salitang binitawan ni Ingrid. Days have passed, but it was still lingering inside my head, making me over think a lot.

I wanted to hope that she didn't have a knowledge about my condition, but I couldn't just ignore her tone that time. It was as if she really knew something.

Kung tama ako na may alam siya sa sakit ko, paano niya nalaman? Sina Tita Rosanna lamang ang nakakaalam nito at napakaimposible namang ipaaalam nila ito sa isang taong hindi naman nila kilala.

I thought of Froilan. Aside from my family, he also learned about it because I told him. Pero... sa kasuloksulukan ng isip ko, pilit kong isinasantabi ang paghihinala sa kaniya. Bakit naman niya sasabihin sa iba nang walang pahintulot ko? Alam niyang sinisikreto ko ang sakit ko dahil takot akong mahusgahan. He wouldn't just announce to people about my condition just like that! He knew how private it was for me!

Hati ang mga naiisip ko. May parte sa aking naniniwala na hindi niya magagawang sabihin iyon kay Ingrid ngunit may parte ring nag-iisip na posible niyang magawa iyon.

Gaya ng ilang araw na nagdaan, nakatulugan kong muli ang pag-iisip. Alas sais ng umaga nang magising ako kinabukasan upang maghanda sa pagpasok. Balik eskwela na kami matapos ang mahaba-habang Holiday break.

"Do you have plans after school?" tanong ni Froilan habang nagmamaneho. Papunta na kaming school.

"None," tipid kong sagot habang ang mga mata'y nasa bintana.

Sa gilid ng mga mata ko'y nakita ko ang pagsulyap niya sa akin. Bumuntong hininga ako. Ilang araw na ang lumipas mula noong bumalik kami galing Greece. Simula nang marinig ko ang sinabi ni Ingrid, palagi na lamang tipid ang mga sagot ko kay Froilan. Paano'y hindi ko maiwasang isipin na baka ikinuwento niya ang tungkol sa sakit ko.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng CEU at huminto na ang sasakyan. Tinanggal ko ang seatbelt ko. Lalabas na sana ako ngunit natigilan nang hinuli ng kamay niya ang aking  braso. When I looked at him, I was welcomed by his cold, dark eyes trying to understand the chaos in my eyes.

"May problema ba tayo?" his voice was laced with worry.

Kahit maraming gumugulo sa isipan ko ay napapayag ko ang sariling umiling bilang tugon. His eyes remained on me, though. His stare was getting darker and a bit angrier every second passed.

"Ilang araw ka nang ganiyan. You suddenly went cold to me after our stay in my family's house. Akala mo hindi ko napapansin?"

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. His steel-like hand pulled my arm more, causing me to move closer to him. Kumunot ang noo ko sa iritasyon at mas lalong nag-iwas ng tingin.

"Baby..." his tone was gentler. "What's wrong?"

Nakikiliti ako sa pagtama ng hininga niya sa aking pisngi ngunit nanatili akong walang reaksyon. I could feel his face so close to mine as I was getting burned by his menacing eyes.

"Male-late na ako," I tried to escape. "I need to go. Magkita na lang tayo--"

"No one will leave this car unless you tell me what's bothering you," parang tuluyang sumabog ang pagtitimpi niya sa lamig at diin ng naging tono niya.

Sa pagkakataong ito ay tiningnan ko na siya ngunit halos mapaiwas ulit nang salubingin ako ng mariin niyang pagtitig. His brows were now furrowed. The sharpness in his eyes told me that he was serious about what he said.

"I said, I'll be late!" sinubukan kong mangatwiran.

"Really? Seems like you forgot that I have a copy of your sched, huh?"

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon