Chapter 50

3.4K 147 75
                                    


May Epilogue pa po after this :>

TINANGGAL ko ang tuwalyang nakapulupot sa baywang ko nang mabuksan ko ang closet ko. Tinuyo ko muna ang basa kong buhok bago namili ng susuotin. I picked dark jeans and a white button down shirt.

Habang nagsusuot ako ng pantalon, nahagip ko ng tingin ang iilang mga damit na nakahalo sa mga damit ko. Some of Amor's clothes were still here.  I stood straight and looked at those carefully.

Hahaplusin ko pa sana isa-isa ang mga iyon kung hindi ko lang narinig ang pagkatok ni Mommy sa pinto.

"Froilan! You done? Bilisan mo na!"

Bumuntong hininga ako at napakamot na lamang sa aking ulo. Ipinagpatuloy ko na ang pagbibihis. Naka-tuck in ang white button down shirt ko sa pantalon at saka ako nagsuot ng sinturon. Nang maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto.

Ala-una ng hapon ang oras ng libing. Sa chapel pa lang ay may mga media na sa labas kaya medyo maingay noong inilalabas na namin ang kabaong. Tumulong ako sa mga memorial staff sa pagbubuhat at ang mga gagong reporter, panay ang tutok sa akin ng camera.

"Get the fuck out of my face," I rudely said to a cameraman.

Muntik ko nang masuntok ang camera niya sa sobrang pagkakalapit nito sa mukha ko. Buti na lang din at naka-shades ako kaya hindi ako masyadong nasilaw sa flash.

Tanginang 'yan, akala yata ng mga 'to artista ako dahil sa sobrang pogi ko.

"Froilan, anong masasabi mo sa pagkamatay ni Amor Carbonel?"

Napailing na lamang ako hanggang sa maisakay na namin ang kabaong sa hearse.

"Froilan, sa tingin mo ba may nagawa ka pa sana para isalba si Amor sa mga suicidal thoughts niya?"

Huli na nang mapigilan ako ng mga bodyguards namin. Lumipad na ang kamao ko sa nguso ng reporter na iyon bago ako nahila palayo. Bahagyang nagkagulo lalo na't dinampot na ng mga security ang tarantadong 'yon.

Daddy almost pushed me inside our car. When I got in, I forced myself to calm down. Mommy went in and sat beside me. Hinawakan niya ang nakakuyom ko pa ring kamao at hinaplos-haplos ang balikat ko hanggang sa unti-unti akong kumalma.

Nakasunod ang mga lintek na reporters hanggang sa memorial park. Mukhang alam na nga yata ng halos lahat ng tao sa Pilipinas ang nangyaring pagpapakamatay ni Amor dahil sa pagbabalita ng mga reporter na 'to, e.

Last week, a body was found in an abandoned lot in Marikina. The body had a slash on the wrist and the neck was slit. Hawak pa nito ang kutsilyong ginamit sa pagpapakamatay. Hindi na rin masyadong makilala ang mukha dahil siguro sa tagal na nitong naroon ay kung ano-anong hayop na ang lumapit.

The body matched Amor's DNA based on the investigation. Everything the media, the authorities, and the Salvatorres needed to know was covered in the news. Lahat ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Amor ay naibalita. Magmula sa pagkakadiskubre ng mga awtoridad sa katawan nito hanggang sa burol at hindi ko akalaing magpahanggang dito sa libing.

Lumakas ang iyakan sa paligid nang simulan nang ibaba sa lupa ang kabaong. Tita Rosanna looked like she was on the verge of fainting. Her son Jayzzer was holding her while also crying.

"Amor, we love you..." naiiyak na usal ni Nicole habang nakatingin sa pagbaba ng kabaong.

Hindi ko maatim na pagmasdan ang pagbaba ng kabaong sa lupa. Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil maiiyak lang din lalo ako kung panonoorin ko pang mag-iyakan ang mga Carbonel. Hindi ko kaya.

Parang tinutusok ang dibdib ko. Para akong pinarurusahan.

Nahagip ko ng tingin ang isang reporter na nakatutok ang camera sa akin. Lihim akong napasimangot at nagbaba na lamang ng tingin. Mommy stood beside me and caressed my back. She was also crying. She glanced at the Carbonels then back at me again.

Malungkot akong napangiti hanggang sa hindi ko na nakayanan pang pigilan ang aking mga luha. Napayuko ako at pinunasan ang mga mata ngunit hirap na akong pahintuin ang mga luha.

"It's okay, sweetie." Mommy kept on caressing my back. "It's okay."

I hugged her and just cried like a baby on her shoulder. She didn't dare to stop me from crying anymore because she knew that crying is the best way to release everything a person feels.

Nang matapos ang libing, unti-unti nang nag-alisan ang mga nakiramay na kaibigan at malayong kamag-anak nila Amor. Nagpaiwan pa ang mga Carbonel at nanatili rin kami ng ilang minuto pa.

"Una na 'ko, Froilan." Malungkot na ngumiti iyong bading na kaibigan ni Amor na katrabaho niya sa convenience store. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Cjay ang pangalan nito. "Sa ganitong pagkakataon pa talaga tayo nagkita ulit."

Bumuntong hininga siya at nilingon ang bagong nakabaon sa lupa. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at napababa na lamang ng tingin.

"Sige, Froilan. Palagi mong tatandaan na mahal ka ni Amor, ha?"

Napaangat muli ako ng tingin sa kaniya. Tipid akong ngumiti at tumango.

Kalaunan, nagpaalam na rin ang pamilya namin sa mga Carbonel. Tita Rosanna hugged me and I did the same. Hindi umabot sa tainga ko ang ngiti ko habang marahang hinahagod ang likod niya.

"T-Thank you for loving my niece, hijo."

Tumango-tango ako at muling pingilan ang pagbugso ng emosyon.

"Mag-iingat po kayo palagi, Tita. Amor loves you. Pasensya na po..."

Pumikit ako at mahigpit pa siyang niyakap bago bumitaw. Nagpaalam na rin ako sa mga anak niya bago kami tuluyang umalis. Nagtungo kami nila Mommy sa mga nakaparada naming sasakyan.

Bago ako sumakay sa sasakyang para sa akin ay nagkatinginan kami nina Mommy't Daddy. Bumuntong hininga ako at dinukot ang cellphone ko.

"I'll call," I said.

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Pumasok na ako sa backseat. Nauna nang pinaandar ng driver ko ang sinsakyan namin bago sumunod sila Mommy. Lumiko sa subdivision ang sasakyan nila Mommy habang ang sinasakyan ko ay nagdire-diretso.

Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Sir? Sir..."

Kumunot ang noo ko at dahan-dahang nagdilat ng mga mata.

"Nandito na po tayo, Sir."

Kinusot ko ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Napasuklay ako sa buhok ko bago bumaba ng sasakyan.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa lupa, tiningala ko ang Spanish style rest house namin na ilang taon ko nang hindi napupuntahan. Bago ako humakbang papasok sa double doors ay nagbilin ako sa pinaka-head ng mga bodyguards.

"Be sure to secure the whole place this night. Scatter around."

"Yes, Sir." Tango nito.

Pumasok na ako sa loob at agad naman akong binati ng mga kasambahay. Hindi na ako tumugon at mabilis na akong pumanhik sa ikalawang palapag. Nang naroon naman na'y saka bumagal ang hakbang ko.

Huminto ako sa isang pinto at pinihit ang seradura. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa makapasok ako sa loob.

"Amor," I called.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon