NAPANGISI ako sa natanggap kong text mula kay Ajah. Nasa sasakyan na ako ni Froilan at sabi niya'y malapit na raw kami. Lalo tuloy dumoble ang kaba sa dibdib ko.Ajah:
Hoy! Marami kang ikukwento sa amin ah! Di pa rin kami sure kung boyfriend mo nga yan dahil ang gwapo niyan!Itinago ko na ang cellphone ko sa pouch na dala. Nakita kong pumasok kami sa isang eksklusibong subdivision. Pasimple akong napahawak sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok ng aking puso dahil sa kaba.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Gaya ng anong magiging reaksyon ng mga magulang ni Froilan kapag nakita ako? Magugustuhan kaya nila ako? Baka kagaya ng iba ay mawirdohan din sila sa akin?
"We're here."
Naputol ang linya ng iniisip ko nang magsalita si Froilan. Tiningnan ko ang malaking bahay na hinintuan namin. It looked very modern -- almost like a Western style.
Si Froilan na ang nagtanggal ng seatbelt ko dahil hindi maalis ang tingin ko sa kanilang bahay. Nang buksan niya ang pintuan ay doon lang ako nakagalaw. Nang lumabas ako ng sasakayan ay nakita kong ibinigay niya ang susi sa isa sa mga guard nila roon.
"Good evening, Ma'am," bati ng mga ito nang magbaling ng tingin sa akin.
Ngumiti ako. Pumulupot sa baywang ko ang braso ni Froilan at hinila na ako papasok. Mahaba pa muna ang nilakad namin bago narating ang malaking double doors.
It was widely opened and two maids were standing in front of it.
"Good evening, Ma'am and Sir!"
Tipid muli akong ngumiti. Nang tuluyan kaming makapasok ay agad na gumala ang mga mata ko. Sobrang moderno ng isitilo ng kanilang mansyon. Kombinasyon ng kulay puti, beige, at brown ang tanging nakikita kong mga kulay. Magmula sa mga naglalakihang sofa, chandelier, cabinets, lamesa, at iba pa.
"Oh, narito na pala sina Froilan!" I heard a baritone coming near us.
Sabay naming nilingon ni Froilan ang pinaggalingan ng isang lalaking may edad na ngunit makisig pa rin ang pangangatawan. His eyes were like Froilan's and also the shape of his face. They were just the same height, as well.
"Dad," ani Froilan.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Nginitian ako nito bago tumingin kay Froilan at ngumisi. Naramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Froilan upang ipagsalikop ang mga kamay namin.
"This is Amor, my girlfriend."
Muling bumalik sa akin ang tingin nito at naglahad ng kamay. Nahihiya akong ngumiti kasabay ng pagtanggap ko sa kamay niya.
"Good evening po, Sir," I said.
Lumaki ang ngiti nito. "Call me Tito, hija. Nice to finally meet you. Aba'y palagi kang kinukwento nitong anak ko, e." Muli nitong tiningnan si Froilan sa nang-aasar na tingin.
"Dad..." saway na Froilan.
Tumawa lang ang ama at nilingon ang mga taong papalapit. Namataan ko si Ingrid sa hindi kalayuan na masama ang tingin sa akin. Umirap siya at muling ibinaling ang tingin sa kausap na si Reenon na ngumiti sa akin at itinaas ang kaniyang baso ng wine. Ngumiti ako pabalik.
My eyes landed back to the people who stopped in front of us. Iyong isang babae ay hawig ni Froilan at mukhang mas matanda sa kaniya ng ilang taon. Ang mas batang lalaki ang kamukhang-kamukha niya. Ang isang ginang na nasa aking gilid ay may palakaibigang ngiti pati na ang lalaki sa tabi niya. The woman who was in the middle was resembling some of Froilan's features. It wasn't difficult to distinguish that she was Froilan's mother.

BINABASA MO ANG
For You, Amor
Fiksi Umum"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...