TUMAYO na agad ako nang i-dismiss kami ng prof. Ito na ang huling subject ko para sa araw na ito at may plano kami ni Froilan na pumunta ng mall. Ganitong oras din ang tapos ng klase niya kaya magkikita na lang kami sa FA.Birthday raw ng mommy niya sa Linggo at may salo-salo sa kanila. Sakto dahil sa Biyernes na ang huling araw namin kaya wala na akong iisipin pa. Christmas break na namin at sa isang taon na ang balik.
"Hi." Froilan kissed my cheek when I reached him.
I smiled. I felt some stares darting on us, but instead of feeling shy and uncomfortable, I felt a bit confident beside Froilan. I didn't know, but since the day I talked to Froilan about my insecurities and how he managed to make me feel like I was so special and worthy, I gained a bit of self-esteem.
His words were just always on the right places.
I didn't know it's possible that someone could make me feel like I am the most beautiful girl in the world.
Dumiretso na kami sa mall upang mamili ng susuotin ko sa kaarawan ng mommy niya. Nabanggit niya kasi na formal dinner iyon. Nag-alinlangan pa nga ako kung sasama ako dahil nahihiya ako. Ngunit sabi niya naman ay walang gaanong bisita. Tanging pamilya lang nila at iilang kaibigan ng mommy't daddy niya.
At... ito na rin daw ang tamang panahon upang ipakilala niya ako sa kaniyang pamilya.
"O, ito, maganda 'to," si Froilan habang ipinapakita sa akin ang isang dress sa pinasukan naming boutique.
Inilapit niya pa ito sa katawan ko upang tingnan kung bagay ito sa akin. Napanguso ako at umiling.
"Ayoko. Masyado namang balot na balot 'yan."
Muli niya pa itong pinagmasdan bago tumango. Naghanap pa siya sa mga nakasabit doon. Ang sales lady na nakasunod sa amin ay panay ang ngisi at sulyap kay Froilan. Nakasimangot ko itong tiningnan hanggang sa maramdaman nito ang tingin ko.
Napalunok ito at kumurap-kurap bago nag-iwas ng tingin at hindi na rin makatingin kay Froilan.
"Babe, what do you really want? Sabi mo, ayaw mo ng revealing. Tapos ayaw mo rin ng balot na balot?"
I sighed. I seriously didn't know what to wear. The celebration would going to be a formal dinner, so I needed to look presentable. Ipakikilala ako ni Froilan kaya dapat ay maayos naman akong tingnan kahit papaano.
"I just want a dress that is simple, but presentable enough," sagot ko habang nagtitingin na rin.
Biglang lumapit sa akin iyong sales lady na may natatakot na ngiti. Walang reaksyon ko siyang tiningnan habang ipinapakita niya sa akin ang isang dress.
"I-Ito po, Ma'am, t-try niyo. Bagay po ito sa kutis niyo. Simple lang din po siya pero elegante tingnan."
Nagtaas ako ng kilay at sinuri ang damit. Kulay dark blue ito na hanggang tuhod ang haba. V-neck shape at hapit ang sukat hanggang sa tiyan at pabuhaghag naman ang sa dulo.
"Why don't you try fitting this, Amor? Mukhang bagay nga sa 'yo."
Nakumbisi ako nang si Froilan na ang nagsabi. Kinuha ko ito mula sa sales lady at agad nang isinukat sa fitting room. Hindi ko napigilang mamangha habang pinagmamasdan ito sa aking katawan. It fitted me so well. The dark blue color of it was complimenting my skin.
My cleavage was showing a bit, but I think it was fine. It wasn't that revealing, though. It just looked so simple and elegant.
Mahina akong napahagikgik nang umikot ako at kitang-kita ko sa salamin kung paano sumayaw ang laylayan ng dress. Ang ganda! Dumadalo naman ako sa mga selebrasyon dati kasama sina Tita pero hindi ganito kaganda ang mga naisusuot ko. Wala kasi akong gana noon na mag-ayos kaya kung ano na lang ang maisuot.
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...