Chapter 17

2.1K 104 27
                                    

TINANGGAL ko ang seatbelt ko nang marating na namin ang apartment. Froilan held my chin to move my face near him and gave me a sweet kiss. Pagkatapos ng mahabang segundo ay bumibitaw na ako ngunit humahabol pa siya.

“Enough.” I chuckled.

“Hmm?” He couldn’t stop kissing me!

I half-heartedly pushed him. He was forced to break the kiss and gave me a frowning look.

“Umuwi ka na.” I gathered my things. “See you tomorrow.”

Malungkot siyang bumuntong hininga na parang ayaw pa akong pakawalan. Humalik ako sa pisngi niya bago binuksan ang pinto.

“Reply to my texts, please,” pahabol pa niya.

I almost rolled my eyes. “Okay.”

Nasasanay na rin naman ako. Kaysa pagtalunan pa ulit namin ay nagre-reply na nga lang ako palagi sa mga texts niya. Hindi naman mabigat gawin kaya ayos lang.

Pagkarating ko sa apartment unit ko ay nagpahinga lang ako saglit sa sofa bago ako naligo. Nang matapos akong maligo ay doon ko pa lamang nabasa ang mga texts ni Froilan.

Froilan:
I’m home.

Froilan:
Don’t forget to lock your door.

Froilan:
Di ka na naman nagre-reply!

Froilan:
AmooOooOorrrrr grrr!

Natawa ako at nagpasya nang mag-reply.

Ako:
Naligo ako. Ngayon ko lang nabasa.

Wala pang ilang segundo nang mag-reply siya. Wala ba siyang ibang ginagawa bukod sa makipaglandian sa akin?

Froilan:
Akala ko tinotopak ka na naman eh.

Umirap ako ngunit may sumilip na maliit na ngiti sa labi.

Ako:
Magbabasa ako ng libro. Can we text later?

Froilan:
No prob. *blows flying kiss*

Muli kumawala ang tawa sa bibig ko. Nahinto lamang iyon nang makarinig ako ng katok sa pinto ng unit ko.

Ako:
*catches flying kiss*

Iniwan ko na ang cellphone ko sa dresser bago ako lumabas ng kwarto upang tingnan kung sino ang kumakatok sa labas. Nang makita ko sa peephole si Tita Rosanna ay agad kong binuksan ang pinto.

“Tita—“

“Ano ka ba, kanina pa ako kumakatok!” singhal agad niya.

Tipid lang akong ngumiti at tumabi nang dire-diretso siyang pumasok. Sinuri niyang mabuti ang buong unit ko nang naahalukipkip. Tita Rosanna looked so stern with her resting bitch face. She had a short curly hair. She was also almost paper white — a very common thing to the Carbonels.

“Ang daming agiw sa dingding, o! Bakit hindi ka mag-general cleaning?”

Napatingala ako sa itinuturo niya. Oo nga, ang daming agiw.

“Sige po, bukas.”

“Bukas,” she echoed. “Ikaw na bata ka, ang tanda-tanda mo na kaya dapat ay nasasanay ka na sa mga gawaing bahay! At mag-isa ka lang dito! Sinong aasahan mong maglinis dito, multo?”

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Sinundan ko siya ng tingin nang lapitan niya ang dining table. Binusisi niyang maigi iyon. Napasimangot siya nang bahagya itong itulak at umuga-uga.

“Naku, ano ba ito! Mukhang isang sipa na lang ay bibigay na ito, a! Bakit hindi mo sinasabi sa akin na sira na ‘to?!”

“Ayos pa naman ‘yan. Tita. Meydo umuuga lang.”

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon