Chapter 26

2.3K 115 20
                                    


PAGKASAKAY namin ni Froilan sa kaniyang sasakyan ay napatingin siya sa kaniyang wrist watch. Napatingin din tuloy ako sa akin. 9:45 na ng gabi. Ihahatid pa ako ni Froilan sa apartment ko. Pagkatapos no'n ay babiyahe pa siya pauwi sa condo niya. Gabing-gabi na siya makakauwi.

I brought my gaze back to him when he yawned while starting the engine. I pouted.

"Tired?" I asked.

Minaniobra niya na ang sasakyan hanggang sa makalabas kami ng mansyon.

"A bit."

Mabagal akong tumango at nag-isip. Wala naman akong planong gawin bukas. Wala na rin kaming pasok dahil Christmas break na.

"Sa condo mo na lang ako matutulog," I uttered.

Tumaas ang kilay niya at napatingin sa akin.

"Hmm? Why?" Ibinalik din agad niya ang tingin sa daan.

I shrugged. "You're already tired. Bukas ng umaga mo na lang ako ihatid sa apartment."

His lips twisted. Mukha pa siyang nag-isip ngunit tumango rin kalaunan.

"Okay."

Tumango ako at ibabaling na sana ang paningin sa labas ngunit muli siyang napatingin sa akin. Bumaba ang mga mata niya sa suot ko.

"But... what about your clothes?" he asked like it was one hell of a big problem.

"Pahiramin mo na lang ako ng t-shirt mo."

I saw him smirked playfully. "Sure."

Isang oras ang naging biyahe patungo sa condo na tinutuluyan niya. Pagkapasok namin sa kaniyang unit ay agad kong iginala ang mga mata ko sa kabuuan nito. Hindi naman ito kalakihan pero hindi rin naman maliit. The colors I was only seeing were white, black, and gray. One look and you'd immediately know that it's owned by a bachelor.

"You can use the guest room, baby."

Mula sa mga pictures na naka-display sa sala ay lumipat ang tingin ko kay Froilan. He was seating on the couch while taking his shoes off. I pouted.

"Uh... hindi tayo magtatabi?" wala sa sarili kong tanong.

Gulat siyang napatingin sa akin. Nakaawang pa ang bibig niya ngunit matapos ng ilang sandali ay unti-unting pumorma ang mapang-asar na ngisi sa kaniyang labi. Nanatili akong walang reaksyon.

"Uy... gusto mo nang magtabi tayo sa kama?" his teasing tone sounded so annoying!

I rolled my eyes and turned my back on him. My cheeks started heating up! Why did he have to tease me like that?

At saka... may mali ba sa sinabi ko? Hindi pa naman kami nagtatabing matulog pero there's always a first time for everything, right? And based on my research, some couples really cuddle and sleep together. Iyon ang sabi...

"E 'di huwag!" halos nagmamaktol kong saad.

Tiningnan ko na lamang ulit ang mga pictures na naka-display sa isang mahabang side table. May mga family pictures nila, picture nilang magkakapatid, solo picture niya noong bata siya at ngayong malaki na siya, at pati picture nilang dalawa ni Reenon.

Nawala lamang ang tingin ko sa mga iyon nang maramdaman kong pagyakap niya sa akin mula sa likod. I moved my head to the side to take a glance of him.

"Let's sleep beside each other." He kissed my cheek.

Sumimangot ako. "Huwag na!"

Natawa siya na mabilis kong ikinairap. Humigpit lalo ang yakap niya sa akin.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon