NANATILI ang mga mata sa akin ni Froilan matapos kong ipagtapat sa kaniya ang pinakatatago-tago kong sikreto. Nasaksihan ko ang unti-unting paglalapit ng mga kilay niya sa isa't-isa. My chest was still hammering as if reminding me of the possible consequences of speaking the truth."W-What?" it seemed more like a whisper.
My tears were continuously wetting my cheeks. I couldn't even see better because of the thick proof of fright lingering inside me.
"I was diagnosed with DID when I was fifteen. People sometimes call it multiple personality or split personality. And s-sometimes... they're calling us crazy--"
Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hinila at niyakap. He hugged me so tight I could almost feel the beating of his heart against mine.
"I'm sorry. I'm sorry, I didn't know," he gently said.
I pouted a bit and buried my face on his shoulder.
"N-Naniniwala ka sa 'kin?"
"Yes, I do, Amor."
Nakaramdam ako ng kakulangan nang bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. It was like I was still craving for his warmth.
"I..." panimula niya bago humugot ng malalim na hininga. "I saw signs. Some of your actions are like telling me that... there's something in you."
Nanlaki ang mga mata ko at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Tumigil na sa pagbuhos ang mga luha ko. Ang basa kong pisngi ay marahan niya nang pinupunasan habang nagsasalita.
"I already had a hunch, but... I'm just really not entertaining it because I don't want to conclude. At saka sa 'yo ko gusto manggaling kung sakaling handa ka nang ibahagi iyon sa akin."
Magsasalita sana ako kaya lang ay may dumaang isang pamilya sa gilid namin na patungo sa nakaparada nilang sasakyan.
"Let's just talk in your apartment." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na akong hinila sa sasakyan niya.
Nang makarating kami sa apartment ko ay hindi niya na ako hinayaan pa munang makapagbihis ng pambahay. Gusto niya nang mag-usap kami kaya agad niya akong hinila sa sofa. Magkatabi kami habang nakapulupot ang isa niyang braso sa akin.
"It's okay if you're not yet ready to tell me about it, but I just want to know if there's something I could do to..." Naglikot ang mga mata niya, tila nag-iisip. "Treat you better? Is there any adjustment that I need to--"
He stopped when I chuckled. My lips reached for his jaw to steal a kiss.
"The fact that you're not scared of me is already enough. You don't have to do anything. And thank you..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Kasi pinaniwalaan mo ako. Isa kasi sa mga dahilan kung bakit sinisikreto ko na lang 'to ay dahil 'yong iba, hindi naman naniniwala. Sinasabi nila na gawa-gawa lang daw namin 'yong ganitong karamdaman. Na nababaliw lang daw kami."
"Sshh, that's not true." He squeezed my hand. "At hindi ako katulad ng mga makikitid na taong 'yon. Mukhang nakakalimutan mo yata na Psychology student ako. My mom is a psychiatrist, too, so bata pa lang ako, alam kong seryoso 'yong mga ganiyang karamdaman at hindi dapat balewalain."
Mataman ko siyang tinitigan. Ganoon din siya sa akin. Parang hinahaplos ang puso ko dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-intindi at labis na adorasyon. Nababahiran pa rin ng gulat at mga tanong pero nangingibabaw ang pang-unawa roon.
"So... alam mo na kung bakit nade-develop ang DID sa isang tao?" tanong ko.
"Mm-hmm." Tumango siya at pinaglaruan ang kamay ko. "It develops to protect the child from the knowledge of the trauma that they've experienced."
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...