Chapter 44

2.3K 110 25
                                    


MALALAKAS na katok sa pinto ng kwarto ni Froilan ang nagpagising sa amin. Naramdaman ko ang pagbangon ni Froilan habang ako ay hindi pa halos maidilat ang mga mata dahil sa pagod.

"Amor..." rinig kong tawag niya. "Mamaya na lang tayo matulog ulit. Hindi pa tayo naghahapunan."

Mas lumakas ang mga katok sa pinto. Tuluyan na rin akong nagising. Dahan-dahan akong bumangon at nakitang nagsusuot ng boxers si Froilan. Inis siyang napakamot sa kaniyang ulo dahil sa sunod-sunod na katok.

"Tangina," he whispered. "Sandali!"

Habang nagsusuot siya ng t-shirt ay nilapitan niya na ang pinto. Hindi kita mula sa pinto itong kama kaya hindi ako masyadong kinabahan na baka makita ako noong kumakatok. Tahimik akong bumangon habang nakatakip pa rin ang kumot sa katawan ko.

"Ano ba 'yon?" rinig kong tanong ni Froilan nang mabuksan ang pinto, medyo inis ang tono.

"Pinabababa kayo nila Mommy, Kuya. Y-You need to watch the news," I heard Chaz.

Kumunot ang noo ko. May kung ano sa tono ni Chaz. I knew him for being a bit aloof, almost didn't have a care about what was happening lately. Hearing him now with nervousness in his voice made me worry.

Ilang sandali, nasa baba na kami ni Froilan. Hindi ko na napagtuunan ng pansin na narito na rin pala sina Tito Enrico at Ate Rizza dahil agad nang natuon sa balita ang aking atensyon.

"Nagpahayag ng labis na galit ang tiyahin ni Amorette Carbonel matapos mabaril ang isa sa mga anak niya na nagngangalang Marinel. Ayon sa mga nakasaksi ay galing sa simbahan ang dalagita nang may lumapit ditong lalaki na nakasumbrero. Kinakausap umano ng lalaki si Marinel ngunit panay ang pag-iwas ng dalaga. Maya-maya'y bumunot na ng baril ang lalaki at pinaputukan ito ng baril. Narito ang pahayag ni Mrs. Rosanna Magtalas."

Nakaawang ang bibig ko habang pinakikinggan ang reporter. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at tila natulala. My mind started flashing memories with my cousin, Marinel. She was the eldest of Tita Rosanna and her husband, Tito Dilmar Magtalas. Among their five children, Marinel was the smarter one and the kindest.

Hindi man kami ganoong kalapit sa isa't-isa katulad nina Ajah, Nicole, at Jayzzer, ngunit sa tuwing ngumingiti siya ay para bang gumagaan ang paligid. Isa siya sa pinakamababait na taong nakilala ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari ito sa kaniya? Bakit sa lahat ng tao, siya pa?!

"My daughter is in a critical condition all because of the selfishness of those Salvatorres! Ilang araw nang nagsusumbong sa akin 'yang anak ko na 'yan na palaging may sumusunod sa kaniya at pinilipit daw siyang sabihin kung saan nagtatago si Amor. Hindi ko alam kung hindi marunong umintindi itong mga Salvatorre na 'to o sadyang mga bobo lang. Sinabi nang hindi namin alam kung nasaan si Amor! Bakit ipinipilit pa? Kapag may nangyaring masama kay Marinel, mananagot talaga ang mga hayop na 'yan!"

Kumuyom ang mga kamao ko. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Tita at para pa ngang naa-absorb ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangang mandamay ng mga Salvatorre na 'yon! Pati inosenteng tao at walang kinalaman ay hindi nila pinalagpas.

"We'll make them pay, Amor," Froilan said beside me while caressing my back.

Kuyom pa rin ang mga kamao ko dahil sa nararamdamang galit. Bumaba ang kamay ni Froilan doon at masuyong hinawakan.

"Wala talaga silang pinapalampas," si Tita Claudia. "It's as if they don't care who to drag down as long as they get an answer."

"I think we should do something now. Sobra na itong ginagawa nila," ani naman ni Tito Enrico.

Napahinga nang malalim si Froilan bago nagsalita. "We have something that can possibly prove Amor's innocence. That will surely ruin the Salvatorres, too."

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon