NGITING-NGITI si Froilan habang nakatingin sa akin. Wala namang ekspresyon ang mukha ko habang nakatingin din sa kaniya. Niyakap ko ang mga libro ko at bahagyang nailang. Nilingon ko ang apartment building na tinutuluyan ko bago siya muling binalingan."S-Sige na, uwi ka na. Salamat sa paghatid," sabi ko.
He licked his lower lip and his smile turned sweeter. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan ito.
"Ang saya-saya ko," aniya na hindi pa rin nawawala ang ngiti.
"Halata nga."
He chuckled before he brought my hand on his lips. He kissed it tenderly. My heart suddenly pounded and my stomach felt like it was being tickled.
"You're now my girlfriend," he said for the nth time.
"Okay."
Kahit may bahagya pa ring pag-aalinlangan sa akin, pinili ko pa ring sumugal at magtiwala sa kaniya. He was right. Sometimes, there's no other choice but to take risks. I will never know how something will go if I wouldn't try. If things go well, then it's worth the risk. If not, then that's a lesson I should keep.
At least I tried. At least once in my life, I chose to be brave.
Sa ngayon, wala akong ibang gagawin kundi magtiwala. Bibigyan ko muna ng pagkakataon na sumaya ang sarili ko kasama si Froilan. Hindi ko na muna iisipin ang mga ikinakatakot ko. Gagalingan ko na lang muna siguro ang pagtatago ng sikreto ko.
At kung dumating man ang panahon na malaman niya, sana matanggap niya pa rin ako. Kung hindi... e 'di ako na ang lalayo. Ayos lang. Ibig sabihin lang no'n ay hindi siya ang tamang tao para sa akin.
"Hatid sundo na kita palagi," sabi pa niya.
"Okay."
"Araw-araw kitang ite-text at tatawagan."
"Okay."
"Magde-date na tayo nang madalas."
"Okay."
"Hahalikan na kita kahit kailan ko gusto."
"Ok--" natigilan ako kasabay ng pag-init ng mukha ko.
Pilyo siyang ngumisi sa akin at mas hinila ako papalapit sa kaniya. Amusement was all over his face while staring at me.
"O, bakit? Girlfriend na kita, boyfriend mo na ako. Kissing each other should now be normal for us, Amor. Okay?"
I pouted a bit and bowed my head because I suddenly felt shy. Hindi naman ako sanay sa ganito! First time kong magka-boyfriend! Ganoon ba dapat?
"O-Okay," sumang-ayon na lang ako.
Wala namang problema sa akin kung palagi na kaming maghahalikan. Kaya lang syempre, first time kong magka-boyfriend kaya nahihiya pa ako. Sana maintindihan niya.
"Ang cute cute mo talaga! Pa-kiss nga." Napakurap-kurap na lamang ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi.
Nagtagal iyon ng ilang segundo bago siya bumitaw. I didn't need to look in the mirror right now because for sure, my face looked so red already! I could feel my cheeks heating up!
"I'll see you tomorrow, amour."
He smiled and gave me one last kiss before leaving.
*****
Kinabukasan, kakabangon ko pa lamang sa kama ay naririnig ko na ang katok sa pinto ng unit ko. Kinusot ko ang mga mata ko at inaantok pang umalis mula sa kama. Lumabas ako ng kwarto at agad na nagtungo sa pinto.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad na namilog ang mga mata ko. Biglang nawala ang antok ko nang makita ko sa si Froilan na may dalang paper bag na galing sa isang kilalang coffee shop at isang bouquet ng flowers.
"Good morning, mon amour!" masiglang bati niya.
Hindi pa ako nakakapagsilta ay nakapasok na siya. Wala sa sarili akong napasuklay sa aking buhok at napapunas ng mukha. Bumaba rin ang mga mata ko sa suot kong t-shirt at maikling shorts. Fuck! I wasn't really ready when he came! I still look like a shit! I wasn't even wearing my bra!
Humalukipkip ako upang kahit papaano'y matakpan ang bumabakat kong dibdib. Nakita kong nilapag ni Froilan ang paper bag sa dining table bago siya muling tumingin sa akin. Malambing niya akong nginitian.
Parang paulit-ulit na hinampas ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagkabog nang lumapit siya sa akin. Nahanap ng matigas niyang braso ang baywang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. I bit my lower lip when I felt him kissed my forehead.
"I brought you breakfast," he said before handing me the bouquet. "And this."
I smiled shyly at him before accepting it.
"T-Thank you," nahihiyang saad ko. "Uhm, mag-aayos lang ako. Maupo ka muna."
He was smiling like I was amusing him so much. I sighed and withdrew from his hold. Mabilis na akong pumasok ng kwarto upang makapag-ayos na agad ng sarili.
God, I was never this self conscious!
Naligo ako at nagbihis na ng uniform. Sinigurado kong maayos na maayos na akong tingnan bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Froilan na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
His legs were widely parted as he was comfortably leaning his back on the sofa. His other arm was lazily resting at the top of the backrest. He looked very dominating and seious.
Nang lumapit ako ay mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ko.
"Let's eat breakfast," yaya ko.
He smiled and immediately turned off the television. I turned my back to proceed to the dining. He followed me. Nagulat na lang ako nang biglang sinakop ng mga braso niya ang tiyan ko. He was hugging me from the back and I felt him sniffing on my neck.
"Ang bango naman nito." I could feel the tip of his nose on my clavicle. "Girlfriend ko 'to."
I chuckled and shook my head. Mukhang matagal pang magsi-sink in sa kaniyang girlfriend niya na nga ako.
Pagkatapos naming kumain ng almusal na dala niya ay umalis na kami ng unit ko. Sumakay kami sa kulay pula niyang Lexus RC F. Hindi naman matagal ang biyahe kaya agad kaming nakarating ng CEU. Sa harap pa ng San Beda na nag-park si Froilan dahil puno na ang parking space sa harap ng CEU.
Paglabas pa lang namin ng sasakyan ay para na naman kaming mga artista. May iilang taga CEU ang kuryoso kaming tinitingnan. May mga nagbulungan pa. I couldn't help but to roll my eyes.
Well, what did I expect? Mukhang araw-araw akong mapapairap sa mga chismosang ito dahil boyfriend ko na si Froilan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/212840503-288-k547619.jpg)
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...