Chapter 16

2.1K 109 29
                                    


MARAHAN kong ibinaba ang mga kubyertos sa pinggan ko sa kabila ng bahagyang panginginig ng mga kamay ko. Nananatili pa rin siyang nakatingin sa akin kaya hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

"P-Pupunta lang akong CR," malumanay kong saad. Nginitian ko siya.

Isang beses lamang siyang tumango at sinundan pa rin ako ng tingin nang tumayo ako. Mabilis kong isinarado ang pinto ng CR nang makapasok ako.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin at mahinang sinampal-sampal ang mga pisngi.

"Amor..." Nagpatuloy ako sa pagtapik sa pisngi.

Mariin akong napapikit sa nagkakagulong sistema ko. Napahilot ako sa aking noo dahil sa pananakit ng ulo. Masakit sa ulo kapag ang tagal. Napahinga ako nang malalim at muling dumilat.

Tumingin ako sa ibang direksyon at natulala habang nararamdaman ko ang pagtakas ng kung ano sa akin. Para akong lumulutang. Muli akong napapikit nang mariin dahil sa hirap na nararamdaman. Muli kong naigalaw ang ulo ko sa ibang direksyon at natulala na naman.

Marahan akong napakurap-kurap. Kumunot ang noo ko at inalog ang ulo. Nilibot ko ng tingin ang banyo bago ko tiningnan ang sarili sa salamin. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at medyo nakaramdam ng inis.

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng banyo. I saw Froilan seating on the dining. He was seriously looking at me. When I came closer, he was still wearing that serious expression with a bit of curiosity.

Tumaas ang kilay ko at walang reaksyon siyang tiningnan.

"What?" I asked.

"Hindi ka pa tapos kumain." Tinuro niya ang pinggan.

"Uh, o-oo nga."

Agad na akong umupo sa harap niya at kumain. Napatango-tango ako sa lasa ng niluto niya. Puwede na.

Nang matapos akong kumain ay nakatitig pa rin sa akin si Froilan. Kinabahan tuloy ako nang kaunti dahil baka...

"Ako na ang maghuhugas." I shooed my thoughts away and just stood up.

Tumingala siya sa akin. "Parang kanina ang bait mo."

Natigilan ako. Agad din naman akong nakabawi at pabiro siyang sinimangutan.

"Parang sinasabi mo naman na hindi ako mabait."

He chuckled. "That's not what I mean. I'm already used to your cold and stiff voice. Your tone earlier sounded too... gentle."

Nag-iwas ako ng tingin at nagtungo na sa lababo.

"Ewan ko sa 'yo. Guni-guni mo lang 'yon."

Hindi na siya nagsalita.

Nang matapos akong maghugas ay tinabihan ko si Froilan sa sofa na nanonood ng isang English movie. Agad niyang ipinulupot ang isang braso niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa katawan niya. Medyo bumaba ako ng upo upang maisandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Nag-text ako sa 'yo ng good morning kanina pero hindi ka nag-reply. Nakakatampo," biglang aniya.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ano naman kung hindi ako mag-reply? Is it necessary?"

Naramdaman ko ang pagbagsak ng dibdib niya.

"Amor, we're in a relationship. Hindi na lang ikaw 'yan. Iisipin mo rin dapat 'yong partner mo," rinig na rinig ko ang pagtatampo sa boses niya.

I almost rolled my eyes.

"Dapat bang palagi na lang may sagot sa mga text at call?"

"Well, if possible, yes."

Pinigilan kong ngumiwi. Akala ko ay sanay na ako sa relasyong ito ngunit hindi pa pala. Hindi ko naman kasi gawain ang mga ganoon. Ganoon ba dapat? But my phone's not always with me!

"Kung hindi naman kailangan, bakit pa?"

He groaned like I was frustrating him so much.

"Really, Amor? Pag-aawayan pa natin 'to?" napipikon niya tanong.

Umirap ako at umalis sa pagkakasandal sa dibdib niya. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.

"O, bakit parang kasalanan ko naman? Ikaw nga nag-bring up ng topic na 'to."

"Because I want you to understand what I feel." Kunot na ang noo niya na parang naiinis na talaga.

"Anong bang nararamdaman mo? Galit ka dahil lang hindi ako nag-reply?"

"Hindi ako galit." His jaw clenched. "Ipinapaintindi ko lang sa 'yo na hindi ka na single, Amor. Hindi ka na lang mag-isa ngayon, isipin mo naman sana ako kahit minsan."

Ibinalik niya ang tingin sa TV. Hindi ako nakasagot. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Tanging TV lang ang maingay.

"Sorry," he said after a while. "But I'm not mad, okay?"

Bumuntong hininga ako at sumandal sa tabi niya. Tutok ang mga mata ko sa TV ngunit nagmumuni-muni na ako.

"It's fine. Sorry din. Magre-reply na ako palagi," pagsuko ko nang may mapagtanto.

"Huwag mong gawin kung napipilitan ka lang."

Pinigilan kong huwag umirap. Malakas akong bumuntong hininga.

"Look. These are all new to me, okay? I am still adjusting. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay nang may ibang... nangangamusta sa 'kin, nag-aalala sa 'kin, nagtatanong kung nasaan ako, o kung kumain na ba ako. Kaya susubukan kong gawin 'yong mga bagay na ginagawa ng isang girlfriend hanggang sa masanay ako. Sasanayin ko na rin 'yong sarili ko na nandiyan ka."

Napababa ako ng tingin sa mga kamay namin nang pinagsalikop niya ang mga ito. Sinundan ko ito ng tingin nang dinala niya sa mga labi niya upang masuyong halikan.

"We will work this out. I promise you."

I nodded. He moved his face closer to kiss me. It was supposed to be just a smack, but it came passionate eventually like how he always do. A soft moan escaped from my mouth when he sucked my lower lip. Napahawak ako sa t-shirt niya at mas inilapit pa siya sa akin. Pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko.

Kissing him felt like I was being electrified. It felt hot. Like I was in the sea of fire, but instead of getting up from it, I chose to get drown. I would always choose to get burn by the fire he gives.

"Fuck. I love kissing your lips," aniya sa gitna ng halik.

"Makapal sila. Hindi maganda," sabi ko.

"Huh? Gustong-gusto ko kayang hinahalikan 'to." Binigyan niya ako ng mabababaw na halik. "Your lips look like Angelina Jolie's."

Hindi pa rin siya humihiwalay sa akin kahit nag-uusap na kami. Patuloy siya sa pagbibigay ng mga mabababaw na halik. Parang gusto niya lang talaga iyong paulit-ulit na pagdampi sa mga labi ko.

"Maganda 'yon. Ibang-iba itsura no'n sa 'kin."

"Ibang-iba naman talaga. Syempre, natatangi ka. No one could compare to you. You're Amor and I'm in love with you for being Amor."

I smiled and gave in more to his kisses.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon