Prologue

9.4K 260 56
                                    


NANLALABO pa ang mga mata ko nang magising ako. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Kahit medyo nanghihina ay pinilit ko ang sarili kong bumangon. Pakiramdam ko ay namamasa ang mga kamay ko kung kaya’t napababa ako ng tingin sa mga iyon.

Kahit hindi ko pa masyadong naaaninag dahil sa panlalabo ng mga mata ay alam kong may bahid ng dugo ang aking mga kamay. Kumurap-kurap ako, nagbabaka sakaling umayos ang paningin.

When my vision started to get back to its normal state, my eyes widen when I saw that I was holding a knife. My hands were covered by blood. Sinuri ko pa ang aking sarili at nakitang pati ang suot ko’y may mga bahid ng dugo.

I scanned the whole place that I was currently in. This was like a condo unit based on the studio size it had. My forehead creased out of confusion. This place wasn’t familiar to me! And how come I didn’t remember that I went here?

Muli ko pang inilibot ang mga mata sa buong lugar hanggang sa tumama ang mga mata ko sa isang lalaki na nakahandusay sa sahig ilang hakbang lang mula sa akin. And to my horror, his body was covered by blood! His throat was slit!

Nanginig ang buong katawan ko at naluluha akong napababa muli ng tingin sa aking mga kamay. Kaagad kong inihagis ang kutsilyong hawak ko na para bang napaso. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay kinumbinsi ko ang sarili na tumayo.

Mabagal akong naglakad palapit sa katawan ng lalaki. Habang papalapit ay unti-unti kong naaaninag ang mukha nito. Nang makumpirma nga ay napasinghap ako upang pakawalan ang gulat at panlulumo.

“B-Braxton…” naiusal ko.

Ang mahihinang hikbi ay unti-unting lumakas dala ng pagkalito at paninibugho. Napasabunot ako sa aking sarili at impit na napasigaw.

“Hindi… hindi, hindi, hindi!” sigaw ko na tila tinatakasan na ng katinuan.

Bakit ako narito?

Ito ba ang tinitirhan ni Braxton?

Paano ako napunta rito?

Sino ang gumawa nito?!

Pabalik-balik ako sa paglalakad, hindi alam ang gagawin. Ang tuloy-tuloy kong pag-iyak ay hatid ng pagkalito, frustration, at galit! Nananayo ang mga balahibo ko sa tuwing mahahagip ko ang patay na katawan ni Braxton.

Ang takot ay unti-unting lumukob sa aking buong pagkatao. Kahit anong pilit ko sa sarili na alalahanin ang nangyari ay walang nagpapakitang alaala. Ang tanging naaalala ko ay nagpunta ako ng grocery kaninang umaga. Naglakad ako sa isang tahimik na eskinita at bigla na lamang may tumakip sa aking ilong.

Napabitaw ako sa pagkakasabunot sa aking buhok nang maalala ang parteng ‘yon. Natuliro ang mga mata ko at sinubukang alalahanin ang kasunod no’n.

I blinked repeatedly as I remembered a part wherein Braxton was unbuttoning my blouse and fondling my thighs. He was kissing my neck when I suddenly got awaken. Nagpumiglas ako at tinangkang bumaba ng kama. Nahablot ko ang lampshade sa bedside table at inihampas iyon sa ulo niya.

He pulled my feet and went on top of me. After that, I couldn’t remember anything anymore. Everything went black.

Kumunot ang noo ko at sandali pang natulala sa kawalan. Maya-maya’y umawang ang mga labi ko nang may unti-unting napagtanto. Dahan-dahan ko muling nilingon ang katawan ni Braxton. Muli akong pinamunoan ng mga luha sa posibilidad na naiisip.

Could it be?

Isa ba sa kanila ang gumawa nito?

Sila ba ang pumatay kay Braxton?

If yes, then who among them?

Muli akong napahawak sa aking ulo. Pakiramdam ko’y mababaliw ako nang wala sa oras. Umiling-iling ako.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon