Chapter 45

2.3K 104 44
                                    


PATULOY ang pagpanig sa akin ng publiko at patuloy pa rin naman ang pagtugis sa akin ng mga Salvatorre. Hindi sila natinag. Parang hindi nila ininda ang pambabatikos sa kanila ng mga tao. Sa kabila ng kahayupang ginawa ni Braxton, naniniwala pa rin sila na deserve nito ng hustisya.

"We don't care about the video. Our son died. He still deserves justice. Humihingi kami ng paumanhin kay Amor sa nagawa ni Braxton sa kaniya ngunit hindi ibig sabihin no'n ay malulusutan niya na ang batas."

Sarkastiko akong natawa at napailing habang pinanonood ang press conference ni Ysmael Salvatorre. Sorry? Ganoon na lang 'yon? Ang dali nga namang mag-sorry, pero 'yong sakit na idinulot, nananatili pa rin. Isa pa, kung hindi aksidenteng napatay ni Kevin si Braxton, ako ang mapapatay.

Hindi ba naiisip ng mga Salvatorre na ito na iyong magaling naman nilang anak ang puno't dulo ng lahat ng ito? Kung hindi dahil sa kahangalan ng lalaking 'yon, buhay pa sana siya at walang mangyayaring ganito. Nananahimik ako tapos bigla niya akong kikidnapin at pagtatangkaan pang halayin?

Baka naisip naman na iyon ng mga Salvatorre pero baka patuloy silang nagbubulag-bulagan. Sa tingin ko'y ayaw lang talaga nilang tanggapin na demonyo ang anak nila. O baka gustong-gusto talaga nilang ipakita sa lahat na sobra silang makapangyarihan at kung may tao silang gustong pagbayarin, mangyayari at mangyayari 'yon.

How fucking selfish.

"My son may have done a violation against her but it doesn't change the fact that she murdered him. Nagkamali man ang anak ko sa kaniya, dapat pa rin siyang maparusahan sa krimen na ginawa niya. Hustisya lamang ang aming papanigan."

I wondered if Braxton succeeded in raping me, but failed to kill me. If he was still alive and my family would scream for justice, would the Salvatorres be able to accept it and push their son to jail? Or they would only turn a blind eye just like what they always do?

Kagaya nga ng sinabi ni Ysmael na sa hustisya lamang sila tanging papanig, mapapanindigan kaya nila 'yon kung si Braxton ang tinutugis? Talaga bang sa hustisya sila papabor o magbubulag-bulagan pa rin?

Ang dali-daling magbitaw ng salita pero minsan ay hindi naman napapanindigan.

Narinig ko ang pagtawa ni Ate Rizza kasabay ng panlalaki ng mga mata ko habang nakatutok pa rin sa TV. May mga bumato ng itlog kay Ysmael habang nagsasalita siya. Mabilis na nagkagulo ang mga tao at ang media.

"Hayop! Kung hindi namatay ang anak mo, siya ang makukulong!"

"Rapist ang anak mo! Siya ang tunay na kriminal!"

"Wala kang awa! Dinipensahan lang ni Amor ang sarili niya!"

Iilan lamang iyon sa mga narinig kong sinasabi ng mga tao na kasalukuyang naroon. Nagkagulo na ang lahat. Agad na nilapitan si Ysmael ng kaniyang mga bodyguards at inilayo na roon. Kitang-kita ko ang paghabol ng mga reporters sa kanila.

Todo halakhak si Ate Rizza na kasama kong nanonood dito sa sala. Dumating si Froilan galing sa kusina at nagtataka sa katatawa ng ate niya. I chuckled and couldn't suppress my laughter, as well. I shook my head while laughing. Froilan sat beside me.

"Why are you two laughing?" tanong niya.

"Si Ysmael! Pinagbabato ng itlog!" Natatawang sagot ni Ate Rizza.

"What?" Froilan chuckled before looking at me.

"Oo!" si Ate Rizza ulit. "Kitang-kita sa TV 'yong pagkabasag ng itlog sa noo niya, e."

Hindi ko na napigilang matawa nang lubos nang maalala ko 'yon. Napahampas pa sa akin si Ate Rizza dahil sa lala ng kaniyang pagtawa. Lalo rin tuloy akong natawa.

"What is happening and you all look happy?" sabat ni Tita Claudia na kagagaling lamang din sa kusina at naabutan kaming ganoon.

Ate Rizza told what happened that's why Tita Claudia started laughing with us.

"Hay, naku, kayo talaga! Let's go have a merienda first. Tama na muna ang katatawa!"

*****

Ang kapal naman talaga ng mukha ng Ysmael na 'to. Talagang sinisisi si Amor!

Hoy, Ysmael! Ang anak mo ang may kasalanan ng lahat! Hindi mangyayari 'to kung hindi niya pinagtangkaan si Amor!

Lalong nagalit sa mga Salvatorre ang mga tao dahil sa mga pinagsasasabi ni Ysmael. The tables have really turned. The public's wrath was now directed at them.

In-off na ni Froilan ang cellphone niya kaya natigil na kami sa pagbabasa ng comments sa isang social media site. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at naghahanda na kami sa pagtulog.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya.

Umiling ako. "Kung inaantok ka na, matulog ka na."

"Ayaw ko pa."

"Okay. Anong gagawin natin?"

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya, sinalubong ako ng pilyo niyang ngisi at mapaglarong mga mata.

"Meron pa 'ko. Pangatlong araw na," pagpuputol ko sa linya ng iniisip niya.

Agad na napalitan ng simangot ang mukha niya at halos umusok ang ilong. Bahagya akong napangiti. Napatingin siya sa patay na TV tapos ay tumingin ulit sa akin. Kita ko ang itinatago niyang ngisi sa pagkibot ng mga labi niya.

"What?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Nood na lang tayo porn."

Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot siya sa tiyan. Napadaing siya at humalakhak.

"O, bakit? We can learn more positions--"

"Shut up!" pagpuputol ko at hinampas na siya. "Puro ka kalokohan."

Tumawa ulit siya at agad na ipinulupot ang mga braso sa akin. He kissed my shoulder blades and started sniffing on my neck. Suddenly, my eyes went down on the thing between his thighs. The bulge against his boxers was very noticeable.

I unconsciously bit my lower lip. My hand landed on his stomach until it slowly reached his bulge. Napabitaw siya ng yakap sa akin at madilim akong tiningnan. Sinimulan kong himasin iyon habang nakatingin sa mga mata niya.

"You can't do me tonight... but I think can do something about your hardness," I whispered sensually.

Mas lalong dumilim ang mga mata niya. Napababa siya ng tingin sa kamay ko nang ibaba ko ang boxers niya. Agad kong hinawakan ang dapat hawakan.

"Naughty ka..." he said in between his moans.

I just smiled before crawling and moving my head down.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

5 chapters more! Thank you for still being here :>

Will update again tomorrow morning.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon