Chapter 32

2.2K 124 50
                                    


SINAKOP ng matitigas na braso ni Froilan ang aking baywang. Unti-unti kong naidilat ang mga mata ko mula sa pagkakaidlip. It's a Saturday afternoon in my apartment. I didn't go to my work in Tita Rosanna's store because I wasn't feeling well early in the morning. Pumayag naman siya nang tumawag ako at sinabi pang huwag na lang din akong pumasok bukas.

Gumalaw ako upang lingunin si Froilan. Hindi niya ako hinayaan dahil mas humigpit lamang ang yakap niya sa mula likod ko. Pareho kaming nakahiga sa maliit kong kama.

"What are you doing here?" I asked.

"I miss you," his voice was husky.

I smirked a bit. Marahan kong pinaglandas ang malalambot kong mga daliri sa tila bakal niyang braso na nakayakap sa akin. My fingers looked so fragile against his hard rock arms.

"Kahapon lang ay magkasama tayo. Nagkikita tayo sa school at hatid-sundo mo ako."

"I miss you every second." He chuckled before planting a kiss on my neck.

Ngumuso ako at inismiran siya. Ang cheesy ng lalaking ito.

"Ikaw, hindi mo ba ako na-miss?"

"Nagkikita tayo araw-araw," simpleng sagot ko.

Pagilid ko siyang tiningnan at halos malusaw ako sa mariin niyang tingin.

"Tss," he hissed. "Dapat miss mo rin ako lagi!"

I intentionally show him how I cringed. Mas dumilim ang ekspresyon niya.

"I'm not as clingy as you," I spat.

He grunted. He buried his face on my neck and just hugged me tighter. Bumuntong hininga ako nang may ngisi sa labi.

Hindi ko na itinanong kung paano siya nakapasok gayong tulog ako at hindi ko naman siya narinig na kumatok. He duplicated my key. He already had his own key of my apartment.

We're now okay. I wasn't cold to him anymore because we already cleared things up. Sa kaniya na mismo nanggaling na wala siyang pinagsabihan kahit kanino ng tungkol sa sakit ko. Naniniwala ako. Halos gusto ko ngang pagalitan ang sarili ko ngayon dahil paano ko nagawang pagdudahan siya nang ganoon? Para tuloy ang dating sa kaniya ay hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

He got also bothered by it. He wondered how that Ingrid knew about my condition. Pagkatapos ng klase namin ng araw na iyon ay agad niyang tinawagan si Ingrid upang kausapin. Doon niya nalaman na ang mommy niya ang nagsabi rito tungkol sa kung anong napansin nito sa akin.

"So your mom knows that I have DID?" I asked him then.

"I still don't know. Kakausapin ko pa lang siya."

"And if she knows, the question is, how did she know?"

Bumuntong hininga siya at magaang inabot ang mga siko ko. His eyes were sorrowful and patient at the same time.

"She's been a psychiatrist for decades, Amor. Maybe... maybe she saw something special in you just by the way you move and talk." He smiled gently.

Napakurap ako at bahagyang napaisip.

"She immediately felt that I'm crazy, is that it?"

Napapikit siya at mabilis na umiling-iling, tila nagpapantig ang tainga sa tuwing naririnig ang ganoong salita. Marahan niyang hinaplos ang aking mga braso.

"No. You're not crazy, stop thinking that way."

"But she told Ingrid! And that girl said right in my face that I'm insane!"

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Niyakap niya ako at agad na hinagod ang likod, pinakakalma ako.

"You're not, baby. You're not. Maybe Ingrid misinterpreted what Mommy noticed in you." He wiped my tears off. "Sshh... calm down."

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon