Chapter 1

6.6K 201 61
                                    


KINUHA ko na ang bag ko na namamahinga sa sofa nang matapos akong magbihis. Binitbit ko ang dalawang libro ko at nagdire-diretso na sa pinto upang makalabas.

I looked up and immediately noticed that the sky was a bit gloomy today. I smiled. I loved it when darkness was always around me. Some people don’t like living in the dark, but I would die just to have a glimpse of it.

Darkness may not be ideal for everyone, but for me, it was my comfort.

When light was there, I always felt exposed. I always felt scared to be seen. That was why darkness always felt better for me. It felt like it was always protecting me from being exposed. I never wanted to be noticed, anyway.

Tinahak ko na ang daan patungo sa sakayan ng jeep nang makalabas ako ng village namin. Wala pang kinse minutos nang marating ng jeep ang Mendiola na bababaan ko. Marami akong mga nakakasabay sa paglalakad na mga estudyante ng iba’t-ibang unibersidad sa U-belt.

Huminga ako nang malalim, nilalanghap ang hangin ng ka-Maynilaan. Bahagya kong pinagmasdan ang maaliwalas na paligid. Maluwag daloy ng trapiko at walang gaanong tambay. Malinis din ang buong kapaligiran.

Sabi ng mga matatanda’y malaki na raw ang ipinagbago ng Maynila. Ilang dekada na rin ang lumipas. Ilang mayor na ang namuno. Naririnig ko sa mga matatanda na marami na raw talagang nagbago sa paglipas ng panahon. Naging payapa na raw ngayon at wala nang mga nagra-rally.

Naiisip ko tuloy lagi kung paano ba ang buhay ng mga tao noon.

Nilagpasan ko ang Mendiola Peace Arch. Nahinto ako sa paglalakad nang may bumangga sa aking taga-San Beda.

“Oops, sorry!” paumanhin ng babae bago nagmamadaling nagpatuloy sa paglalakad.

Nagdire-diretso na ako sa kahabaan ng kulay pink na unibersidad namin. Sa north gate ako pumasok katulad ng nakagawian ko na sa ilang taon ko sa kolehiyo.

Dire-diretso ang lakad ko at walang emosyon ang mukha. Naiinis ako kapag tinitingnan ako. Naiinis ako kapag may lumalapit sa akin.

“Ooh, not so fast, Amor.” Ngumisi sa akin ang kaklase ko sa isa sa mga minor subjects ko.

Tamad ko siyang tiningnan. Maglalakad na sana ako ngunit hinawakan niya nang mariin ang braso ko. Kinalma ko ang aking sarili.

“Pakopya naman ng assignment natin sa Soc. Sci,” makapal ang mukha nitong saad.

“Sorry, hindi ako nagpapakopya,” iyon lang ang sinabi ko at agad na siyang nilagpasan.

“Aba, akala mo kung sino kang nerd ka!”

Napahinto ako sa paglalakad nang hinila niya ang buhok ko ngunit binitawan din naman agad. Inis ko siyang nilingon. Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya at ang iilang estudyanteng nakasaksi no’n ay natawa rin.

“Loser!” natatawang pang-aasar nito bago sila naglakad palayo ng kaniyang mga kaibigan.

Bumuntong hininga ako at hinayaan na lamang iyon. Umakyat na ako sa CDL Building para sa unang subject ko na Comm. Skills.

Pagpasok ko sa room ay naroon na ang iilang mga kaklase ko. Karamihan ay inignora lamang ang presensya ko. May ibang nagbubulungan habang nakatingin sa akin at natatawa.

Dumiretso na ako sa upuan ko. Nagkatinginan kami no’ng lalaking nakaupo sa likod ng upuan ko. Magaan niya akong nginitian ngunit hindi ko siya pinansin. Umupo ako at tahimik na naghintay sa aming prof.

“Pst.”

Nanatili akong nakatingin sa board habang nakahalukipkip.

“Pst!”

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon