Chapter 4

2.5K 136 25
                                    


NAPALUNOK ako at biglang lumakas ang kabog ng dibdib sa sinabi ni Froilan. Ganoon pa man ay nagawa ko pa rin siyang samaan ng tingin. Sanay na sanay siyang magsabi ng mga mabubulaklak na salita, e 'no? Ilang babae na kaya ang nahulog sa kalandian niya?

Wala pa man akong karanasan sa pakikipagrelasyon, nakakapanood at nakakabasa naman ako ng mga tungkol sa gano'n kaya kahit papaano'y nagkakaroon ako ng ideya.

"Playboy," I said.

He acted like he got hurt, but the amusement on his face was very visible.

"Grabe ka talaga manghusga sa akin, Amor! Gusto lang naman kitang makita palagi," pinalungkot niya pa ang kaniyang boses.

I let out an irritated sigh. Patuloy pa sana siya sa pambubwisit sa akin kung hindi lang siya tinawag ng kaniyang kaibigan.

"Bye, Amor. I'll be here again tomorrow." Magaan niya akong nginitian.

Inirapan ko lamang siya at natatawa siyang lumabas ng store. Tinotoo niya nga ang sinabi niya. Kinabuksan ay sumimamgot ako nang makita ko ang pagpasok niya sa store. He waved at me and was about to come near, but a customer was able to come first to pay.

"Pst. Kilala mo ba 'yon?" Siniko ako ni Cjay nang makapagbayad na ang customer. Nakita kong nakatingin siya kay Froilan na pumipili ng bibilhin  at panay ang sulyap sa akin. "Kanina pa tingin nang tingin sa 'yo, sis!"

Sinaway ko siya nang paimpit siyang tumili. Nang papalapit si Froilan upang bayaran ang mga napili niya ay pasimple akong hinampas ng bading na Cjay.

"Ang guwapo, shutangina!" bulong niya sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at sinamaan na ng tingin si Froilan. Matamis siyang ngumiti sa akin at nakipag-usap na naman.

"O, ayan, ah. May mga binili ako. Baka sabihin mo wala akong karapatang pumunta rito, e." He chuckled.

I rolled my eyes. Cjay was already looking at us curiously. Nagsimula na akong balutin ang mga pinamili niya at panay naman ang daldal niya sa akin. Nang ibigay ko na ang supot ng nga pinamili niya ay nagulat ako nang pisilin niya ang baba ko. Mas lalo ko siyang tinaliman ng tingin.

"Ang cute cute mo talaga! See you tomorrow at school and on the next weekends here," nakangiting aniya bago umalis.

I could say Froilan was a man of his words. For the past few weeks, he never missed a weekened of visiting me at the store. He was always there to buy anything and to strike a conversation with me. It has always been like that until I already got used to it.

Sa school naman, tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon na makita at makausap ako ay palagi niyang sinusulit. Naiirita pa rin ako sa kaniya ngunit unti-unti nang nasasanay sa kaniyang presensya.

"Do you have plans later after school?" Froilan asked while we were walking together at the campus.

Nagkasalubong kami sa North Gate kaya agad siyang sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa first subject naming Comm. Skills. Pinagtitinginan nga kami ng mga estusyante lalo na ng mga babae. Tss. Kairita.

"Wala. Huwag ka ngang sumasabay sa akin sa paglalakad. Pinagtitinginan tayo," masungit kong saad.

Tinawan niya lang iyon. "Don't mind them. Inggit lang ang mga iyan dahil ikaw ang nililigawan ko at hindi sila."

Hindi ko na alam kung pang-ilang irap na ang ginawa ko.

"Guwapong-guwapo ka sa sarili mo, 'no?"

"Syempre! E, guwapo naman talaga ako, bakit ko itatanggi?"

My lips twisted. Hindi ko napigilan ang pagsilip ng naaaliw na ngiti.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon