NAPAHILOT si Froilan sa kaniyang sentido habang hindi rin malaman ang gagawin. Nakakakita ako ng galit sa kaniyang mga mata, lalo na sa tuwing mapapatingin sa itsura ko. Ang nakahandusay na katawan ni Braxton ay pinagigitnaan namin."Bakit ganiyan ang itsura mo?" Muling bumaba ang tingin niya sa aking katawan.
Ang blouse ko ay napunit dahil naalala kong marahas itong kinalas ni Braxton nang pagtangkaan niya ako. Wala na rin akong suot na pants, marahil ay nahubad na ng walang hiya kanina noong hindi pa ako nagkakamalay.
"H-He..." Muling namuo ang luha sa mga mata ko. "He tried to rape me."
Mabilis na kumalat ang matinding galit sa kaniyang mukha. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kaniyang kamao.
"What the fuck--"
"Froilan, please!" pagpuputol ko dahil hindi ko na malaman ang gagawin ko. "I don't have time to explain right now! Kailangan na nating umalis dito! I-I... I don't know what happened. I lost control. M-Maybe one of my alters was the one who did this to him. I don't know!"
Muli akong napaupo dahil sa frustration. Muli akong napaiyak. Hindi ko akalain na may mangyayaring ganito! Hindi ko inasahan ito! Hindi ako mamamatay tao pero kung tama ang naiisip kong isa sa mga alters ko ang gumawa nito, ako pa rin ang lalabas na pumatay!
Anong gagawin ko? Ayokong makulong! Natatakot ako!
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Froilan. Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang hinubad niya ang kulay abong jacket na suot. Lumapit siya sa akin.
"Stand up. We need to clean this mess before we leave."
Napanganga ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi na ako nakapagsalita pa. Sumunod na lamang ako.
"Wear this." Iniabot niya ang jacket niya. "And find where the hell your pants or skirt is."
Agad ko siyang sinunod. Hinubad ko na nang tuluyan ang blouse kong punit-punit dahil wala naman nang silbi iyon. Isinuot ko ang jacket niya at izinipper iyon hanggang leeg ko. Bago ako tumalikod upang hanapin ang pants ko ay nakita ko siyang dinampot ang blouse ko at ibinalot iyon sa kaniyang mga kamay.
Kumunot ang noo ko ngunit nagpatuloy na lang ako sa paghahanap. Wala sa sala ng unit na iyon ang pants ko kaya nagtungo ako sa nakabukas na kwarto. Isang magulong kama at sira-sirang lampshade sa sahig ang sumalubong sa akin. Sa isang sulok ay naroon ang pants ko na tila inihagis na lang doon basta.
Nagtagis ang bagang ko. Hindi ako masaya sa nangyari kay Braxton pero putangina niya. Napaka-walang hiya niya para pagtangkaan akong gahasain! Kung hindi ako nagkaroon ng kaunting malay, baka nagtagumpay na nga siya sa kahayupan niya.
Mabilis ko nang sinuot ang pants ko at nang matapos ay doon ko lamang napansin ang isang camera na nakapatong sa bedside table. Nilapitan ko iyon at tiningnan. Nakita kong nakatapat iyon sa kama at tumatakbo pa rin ang minuto roon. It was still filming.
Mas lalong sumiklab ang galit at panlulumo sa aking dibdib sa napagtanto. Ang putanginang Braxton na 'yon. Ivi-video pa pala ako habang pinagsasamantalahan niya?! Kung hindi pa baboy ang tawag sa kaniya, hindi ko na alam!
"Amor, may kumot ba riyan? Magdala ka rito!"
Kinuha ko ang camera at pinatay na muna ito. Sinikop ko rin ang magulo at nakalaylay na kumot sa kama bago ito binitbit. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Froilan na ipinapasok sa loob ng isang bag ang kutsilyong may dugo na siyang hawak ko kanina. Ang mga kamay niya ay may balot nang tela.
Lumuhod ako sa harap niya upang magpantay kami. Napatingin siya sa camera na hawak ko. Nagtataka niya akong tiningnan.
"He even tried to film me," I said.
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...