RAMDAM ko ang hindi maalis na titig sa akin ni Froilan. Nanatili akong nakayuko at nakatingin lang sa pagkaing binili namin sa drive-tru na nasa kandungan ko. Nakaparada sa isang tabi ang sasakyan ni Froilan na siyang kinaroroonan namin ngayon."Come on, Amor, you need to eat," marahang aniya.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Pakiramdam ko ay nasa paligid ko pa rin ang mga taong nasa cafeteria kanina. Until now, I still felt uncomfortable and scared with all their attentions.
Braxton just really pissed me off again. His violent action towards me, his tight grip on my arm -- that led him to his own embarrassment and physical pain.
Hindi ko naman sinasasdya na nahampas ko siya pero... kasalanan niya naman. Hindi ko rin naman basta-basta mapipigilan na...
Bumuntong hininga ako at napailing. Nagbaling ako ng tingin kay Froilan na hanggang ngayon ay malambot ang ekspresyon na nakatingin sa akin. He smiled at me when I looked at him. He smiled like he didn't just witness how the people in our school talked about how weird I was.
"S-Sa apartment ko na lang ito kakainin."
Nagbaba siya ng tingin sa pagkaing binili niya sa akin.
"O, sige. Ihahatid na kita sa inyo. Pero baka malayo pa at magutom ka sa biyahe?"
Umiling ako. "Malapit lang."
Nagsimula na ulit siyang mag-drive at itinuro ko naman ang daan papunta sa apartment ko. Hindi ko alam kung paano ko napapayag ang sarili ko na magpahatid sa kaniya. Kanina, noong sinabi ko sa kaniyang gusto ko nang umuwi ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako paalis ng cafeteria.
Walang ni isang nagsalita habang dumadaan kami. Para bang takot na ang lahat na magsalita pa dahil sa madilim na aura ni Froilan. Nang makarating kami sa kaniyang sasakyan at napag-isa, unti-unti na rin siyang kumalma.
"Diyan na lang sa tabi." Itininuro ko ang apartment building na tinutuluyan ko.
Ipinarada niya sa harap nito ang sinasakyan namin. I unbuckled my seatbelt as I looked at him. He was surveying the building as if he wanted to make sure of something. I cleared my throat that was why he turned his eyes on me again.
"Uh... d-do you want to have coffee or s-something?" I stuttered.
Of course, as a courtesy and appreciation for bringing me hone, I should at least offer him a drink. Nagmagandang loob lang naman siya.
His lips parted at my offer. His stare at me lingered as if he was still trying to make sure if he heard me right.
"Are you sure? Baka hindi ka komportable?"
Napangiti ako. I didn't know if my prejudices of him were actually right, but as days gone by, I have seen that he was a lot nicer than most people in our school. Napangungunahan kasi ako palagi ng takot kaya palagi kong naiisip na baka pinagti-trip-an niya lang ako.
"Baka kasi pagod ka sa... pagmamaneho at... gusto mo munang magpahinga nang kaunti," I reasoned out.
Napatango-tango siya at ngumiti ulit.
"Yeah, I'm a bit tired."
Nasa ika-apat na palapag ng building ang apartment unit na tinutuluyan ko. Kung ako lang mag-isa ay mas gugustuhin kong mag-hagdan na lang pero dahil nahihiya ako kay Froilan ay nag-elevator kami.
Nang makapasok kami sa unit ko ay bigla akong nakaramdam ng ilang. Paano'y ngayon ko lamang napagtanto na wala pa akong kahit sinong pinapapasok dito maliban kay Tita Rosanna at ilang mga anak niya.
"U-Uhm, upo ka muna." Itinuro ko ang sofa na nakaharap sa TV.
Maliit lang ang unit na napili para sa akin ni Tita. May sapat na espaayo para sa sala. Ilang hakbang lang mula rito ay ang four seater na dining table tapos ay lababo na at pinaglulutuan. Sa kanan ay ang banyo at ilang hakbang mula rito ay ang maliit kong kwarto.
Nilibot ni Froilan ang tingin niya sa kabuoan ng tinutuluyan ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagpasya na lamang na magtungo sa kusina upang ipagtimpla siya ng maiinom.
"Where are your parents?"
Nilingon ko siya nang tanungin niya iyon. Nakaupo na siya sa hapag kainan at pinagmamasdan ako gamit pa rin ang malambot niyang ekspresyon. Hinalo ko ang kape at naglakad sa kinaroroonan niya. Tipid akong ngumiti.
"They're dead." Inabot ko sa kaniya ang tasa.
Umawang ang bibig niya at naging mabagal tuloy ang pagkuha sa akin ng tasa. Umupo ako sa kaharap niyang upuan.
"Sorry," he said.
"It's okay." Bumuntong hininga ako. "They died in a car accident three years ago."
Bahagya siyang napanguso. "So... you're living here alone?"
"Oo. Dito ako pinatira ng tita ko. Buwan-buwan niya naman akong binibigyan ng pera para sa mga gastusin ko kaya kahit papaano, nakakaya ko."
Sumimsim siya sa kaniyang tasa. Nang ibinaba niya ito ay mas tinitigan niya ako. Para bang madami pa siyang mga tanong tungkol sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na mas gusto niya pa akong makilala.
"Good to hear that, then. Medyo magastos pa naman ang Tourism." He chuckled. "Why did you take Tourism, anyway? You wanna be a Flight Attendant or you have other reasons?"
Pumangalumbaba ako sa lamesa at nakipagtitigan sa kaniya.
"I want to be a Flight Attendant. I want to follow my mom's footsteps. She's my inspiration." Napangiti ako nang maalala ko si Mama.
Since I was a kid, I've been dreaming to become like my mom. Even though she was always away because of her work, she still never failed to educate me that she was working so hard just to give me a better future. I admired her for that. Her passion got me inspired.
"Also, I wanted to go to different places. Travelling abroad was my first and biggest dream," dagdag ko.
Mapang-asar siyang ngumisi sa akin. Bahagya akong sumimangot dahil alam ko nang kalokohan na naman ang sasabihin niya.
"Kapag sinagot mo 'ko, dadalhin kita sa kahit saan mo gusto. Sagutin mo 'ko ngayon at bukas na bukas, nasa ibang bansa na tayo. Saan mo gusto?"
Natatawa akong napairap. Natawa rin siya at muling uminom sa kaniyang kape.
"How about your father? Don't tell me he was a pilot? Bagay na bagay naman pala sila kung ganoon!"
I chuckled. "No. He was an OFW."
Bahagyang lumungkot ang mukha niya. Ipinagtaka ko iyon. Naningkit pa ang mga mata niya na tila may napagtanto.
"Your parents are always away from you," he stated.
I shrugged and sighed.
"Yeah. Iniiwan ako ni Mama sa kapatid niya no'ng bata ako sa tuwing may lipad siya. Si Papa... isang beses lang umuwi sa isang taon. Isang buwan lang ang itinatagal niya sa amin."
Mabagal siyang tumango at uminom ulit sa kape niya. I stared at him. I just now realized that I wasn't that grumpy towards him unlike before. It seemed like I was getting comfortable around him already. Or maybe, he was just really a light person to talk to. He would make you feel comfortable.
He would make a person smile by his funny personality. He would always make a person feel important.
Kaya siguro ang daming nagkakagusto sa kaniya. Ang dali niyang magpahulog. His words and actions were always on the right places.
"How about you? Why Psychology?"
It was now my turn to get to know him better.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hope you're enjoying so far! :>
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...