Chapter 28

2.3K 107 36
                                    


NIYAKAP ko ang isa ko pang unan habang nagtitipa ng reply kay Froilan. Gusto niya sanang dito na matulog sa apartment ko kaso ay may aasikasuhin pa siya para sa flight namin bukas. Mabuti na rin ngang nakapunta kami kina Tita Rosanna kanina dahil kailangan ko pa talagang magpaalam.

He wanted to spend the New Year in Greece... with me. Hindi ako agad nakasagot sa kaniya noong sinabi niya iyon sa akin noong unang beses na may nangyari sa amin. I wasn't expecting it. I knew that he came from a wealthy family, but travelling abroad would cost him a lot.

Plus, he wouldn't be with his family on New Year? What would they say? They might get upset with us and I didn't want that. Lalo na't pakiramdam ko ay hindi pa naman ako ganoong kagusto ng mommy niya.

But he assured me that his family would understand. He just really wanted to spend the New Year with me in another country. He wanted to be with only me.

Hindi ko lang alam kung ginagawa niya ito dahil nabanggit ko sa kaniya noon na mag-isa lang akong nagse-celebrate ng Pasko at New Year magmula nang mamatay ang mga magulang ko. Akala niya siguro ay malungkot akong nagse-celebrate dahil nga mag-isa.

Hindi naman ako malungkot, hindi rin naman masaya. I just really learned how to treat it as a normal day. In that way, I wouldn't be reminded of the lovely memories of my parents whenever we're celebrating before. Ayokong maalala 'yon dahil mas malulungkot lang ako. Kaya pinipili ko na lamang na ituring normal ang Pasko at bagong taon.

Ako:
Matulog ka na. Flight na natin bukas.

Sa paulit-ulit niyang pagungumbinsi sa akin ay napapayag niya rin ako ilang araw ang nakaraan. Agad siyang nag-book ng ticket namin. Ang tutuluyan naming hotel doon ay handa na rin daw. Hindi halatang excited siya.

Froilan:
Can't sleep. Parang kailangan yata na katabi kita.

Napaikot ako ng mga mata ngunit mabilis na lumitaw ang ngiti sa aking mukha.

Ako:
We need to sleep now. Baka ma-late pa tayo sa flight bukas.

Froilan:
Send nudes muna :D

Nalaglag ang panga ko. Aba't ang tarantadong 'to! Mukhang na-adik na at parang gusto lagi akong makitang hubad!

Mumurahin ko na sana siya kaya lang ay mabilis nasundan ang text niyang iyon.

Froilan:
Joke! Hahahahahaha

I bit my lower lip to suppress my laugh. I didn't reply immediately. I received another text again from him because of that.

Froilan:
Huy, Amor! Joke lang! Baka mamaya nakahubad ka na diyan at nagpi-picture ah!

Hindi ko na napigilian ang kumawalang tawa sa bibig ko. Seriously, he was really thinking that I'd do that? Over my dead body! Manigas siya!

Froilan:
You're not replying anymore. Don't send me your naked pictures oy! Baka mamaya mawala 'tong cellphone ko o kaya ma-hack!

Natatawa akong napailing. Para mas asarin siya, in-open ko ang camera ng cellphone ko. Wala na akong suot na bra at manipis na sando lang ang suot. Ibinaba ko ang isang strap ng sando hanggang sa lumantad ang cleavage ko. I captured a photo from my neck up to my chest. My cleavage was waving.

Pigil ang tawa ko nang i-send ko ito kay Froilan. Na-seen niya na ito ngunit hindi pa siya nagre-reply. Mukhang izinoom pa ang picture upang matingnan nang mabuti kung ako nga 'yon!

Ilang sandali ay nag-reply na rin siya. Muli akong natawa nang mabasa ko ang sinabi niya.

Froilan:
AMOOOOOR! Ano yan! Putsa, burahin mo yan!

Ako:
Hindi naman kita ang mukha ko.

Froilan:
KAHIT NA! DELETE IT! ISA!

Aba! Binibilangan mo na ako ngayon, ah?

Ako:
Oo na! Ide-delete ko mamaya. Matulog ka na muna.

Ide-delete ko naman na ngayon pero mas gusto ko muna siyang asarin.

Froilan:
NGAYON NA! WAG MO KONG GALITIN.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Paulit-ulit niya akong kinulit tungkol doon at tawa lang ako nang tawa. Nang tuluyan akong dalawin ng antok ay sumuko na ako sa pang-aasar at idinelete na ang picture. Doon lang siya kumalma at hindi na caps lock ang mga text.

Froilan:
Don't take pictures like that again. And don't send it to me or to anyone!

Natawa na lang ulit ako at ipinikit na ang mga mata upang matulog.

*****

Hindi maiwan-iwan ng mga mata ko ang mga ulap na nadadaanan namin. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang ganda ng mga tanawin ngayong nakasakay ako sa eroplano kasama si Froilan. Hawak niya ang kamay ko habang siya'y nahihimbing sa pagtulog sa tabi ko.

Mula sa bintana ay inilipat ko ang tingin sa kaniya. A smile automatically appeared on my lips when I saw his sleeping face up close. He was such a baby. He looked very calm when he's asleep.

I moved closer to him. I let my head rest on his chest. I could feel his peaceful heartbeat. Ang kapayapaan ng bawat pagtibok nito ay nagdudulot din ng kapayapaan sa aking pakiramdam. Para bang ang sarap na lamang manatili sa kaniyang mga bisig kung ganito kapayapa ang parati kong mararamdaman.

Sinubukan kong matulog sa buong biyahe. Kung nakatulog man ako ay idlip lang siguro. First time ko kasing mag-travel ng ganito. Gusto kong sulitin. Gusto kong damahin nang mabuti. Gusto kong mulat ang mga mata ko sa napakagandang karanasang ito.

Froilan woke up when we were about to land. I immediately welcomed him with a smile. Hindi pa siya makatugon dahil namumungay pa ang mga mata at mukhang hindi pa tuluyang gising ang diwa.

"I'm excited!" I exclaimed using a small voice.

Doon siya nangiti. He pulled me into a hug and planted a long kiss on my cheek. I giggled.

Nang makalabas kami ng airport ay agad kaming nagtungo sa Santorini. I couldn't hide my bewilderment when we arrived there. Everything was white. Everywhere I looked at, all I could see were white houses, very clean surrounding, and some people strolling around. And the volcano! It looked so majestic!

"It's so beautiful here!" nakangiting saad ko habang inililibot pa rin ang mga mata.

Magkahawak kami ng kamay ni Froilan habang naglalakad. Papunta kami sa Lilium Santorini Villa na siyang tutuluyan namin. Pagkarating namin doon ay agad kong nilibot ang magandang kwarto na ibinook ni Froilan para sa amin. It was a suite, so it was really big and looked very luxurious.

Nang makita ko ang malaki at puting-puting kama, parang doon ko pa lang naramdaman ang pagod. Ibinagsak ko ang katawan ko roon. Ang plano ko'y mahihiga lamang sandali dahil gusto ko nang mag-ikot-ikot ngunit unti-unti nang bumagsak ang mga talukap ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon