NAPAIRAP ako nang makasalubong ko sa Friendship Area si Braxton. Magtutuloy-tuloy na sana ako sa paglalakad ngunit katulad ng inaasahan, humarang siya sa dinaraanan ko. Sinubukan ko pang umiwas ngunit patuloy siya sa pagharang sa akin.Huminga ako nang malalim at walang ekspresyon siyang tiningnan. He smirked creepily at me.
"I heard the rumors. Mukhang hindi na nga dumidikit sa 'yo 'yong epal mong prince charming, ah?"
"May klase pa 'ko. Tumabi ka."
Tumawa siya at napailing-iling. Iniwas ko ang mukha ko nang haplusin niya ang pisngi ko.
"Amor, Amor, Amor..." I almost throw up by the way he uttered my name. "Kapag ba niligawan kita, babastedin mo rin ako?"
Muli akong nagtangkang dumaan sa gilid ngunit matigas talaga ang mukha niya. Mariin akong napapikit at tahimik na kinalma ang nagwawala at nagpipilit kumawala sa sistema ko.
"I hope you won't. Sigurado namang hindi ko patatagalin ang relasyon natin. Matikman lang kita, ayos na--"
Hindi na napigilan ng kamay kong dumapo sa pisngi niya. Napasinghap siya kasabay ng iilang reaksyon ng mga kapwa naming estudyante na nakasaksi no'n.
"You keep on disrespecting me, but when I fight back, ikaw pa ang galit? Ayusin mo nga 'yang pag-iisip mo!" sambit ko, hindi na napigilan.
Lalagpasan ko na sana siya ngunit mariin niyang nahawakan ang braso ko. I was still trying to remain calm and be myself, but if he still keep on pushing me to my limits, hindi ko na kasalanan kung mananakit na naman ang katawan niya.
Mariin niya akong tiningnan kasabay ng mas dumidiin niyang paghawak sa braso ko.
"Slap me again and I swear. I swear, Amor, you'll beg for your life."
Tinapatan ko ang mariing tingin niya. I chuckled a bit.
"Huwag mo 'kong takutin. Nag-iisa ka lang," makahulugan kong saad sabay ngisi.
Kumunot ang noo niya, halatang hindi naintindihan ang sinabi ko.
"What are you doing again, Mr. Salvatorre?"
Doon niya lamang ako pinakawalan. Mariin ang tingin sa aming pareho ng isang prof. I just slightly bowed my head to give respect before I started walking. Nagdalawang tingin ako sa kinaroroonan ni Froilan na naroon pala sa isang tabi at nanonood lang sa mga nangyayari rito sa FA.
Our eyes met and I almost froze with the way he stared at me. Seconds later, he avoided my gaze and just resumed reading on his notes. Napayuko ako at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
It wasn't like I wanted him to come between Braxton and I, but I kinda expected that he would actually be there to somehow help me. He was there... and... he was just watching.
Nakita niya na ginugulo na naman ako ni Braxton pero wala siyang ginawa. Hinayaan niya lang.
But... how dare I blame him? I was the one who rejected him. I hurt his feelings. Kaya bakit ba nagrereklamo pa ako? Ako naman ang may gusto nito kaya dapat, ayos lang kung wala na siyang pakialam sa akin!
*****
My classes ended well. We had a long quiz on two of my majors and it felt draining. My brain was already tired and so was my body. Gusto ko na lang umuwi at humiga sa kama hanggang sa sumapit ang kinabukasan.
Nagpunta muna ako sa locker ko upang ilagay ang iilang mga libro ko roon. Isasara ko na sana ang pinto nito ngunit natigilan ako nang makita ko sa isang gilid sina Froilan at Ingrid. Mukha silang may pinag-uusapan. Seryoso lang ang mukha ni Froilan habang si Ingrid ay salita nang salita.
BINABASA MO ANG
For You, Amor
Beletrie"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...