Chapter 12

2K 114 45
                                    


TUMAGILID ako sa pagkakahiga sa kama at tumulala sa pader. Froilan's cold actions toward me was repeatedly circulating in my head. I knew I deserved to be treated that way because of the things I've said to him, but I didn't expect that it would make me sad.

I didn't expect that it would affect me this way. All I wanted was to spare myself from the possible hurt that he might bring, but I didn't know that I was just actually hurting myself by distancing from him.

Hindi ko na alam. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Gusto ko na siya, pero gusto kong iligtas ang sarili ko. Sa paglayo ko naman sa kaniya, nalulungkot ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko, nagbabaka sakaling makatulog na. Ang radyo ay hinayaan kong bukas dahil minsan ay nakakatulog ako sa mga tugtugin.

So you're still thinking of me
Just like I know you should
I cannot give you everything
You know I wish I could

I'm so high at the moment
I'm so caught up in this
Yeah, we're just young, dumb, and broke
But we still got love to give

Muling akong napadilat. Namungay ang mga mata ko habang nakatitig sa pader.

Tsk.

"Huwag na. Inaantok na 'ko. Maaga pa ako sa store bukas," saway ko.

Mariin akong napapikit at pilit itong kinontrol hanggang sa nanakit ang ulo ko. Muli akong napadilat at napakurap-kurap.

I smirked.

Agad akong bumangon at nilibot ng tingin ang buong kwarto. Napalingon ako sa radyo na kasalukuyang pinatutugtog ang isa sa mga paborito kong kanta. I smiled and started to sing along with it energetically. I stood up and swayed my body like I was in the middle of a party.

"Young, dumb. Young, young, dumb, and broke..." pagkanta ko.

Lumabas ako ng kwarto at masiglang nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng beer doon habang iniikot ko sa daliri ko ang buhok ko. Sumimangot ako nang walang makitang alak doon.

My God, Amor! Hindi ba't sinabi ko sa 'yong mag-stock ka rito ng alak?!

"Whatever!" I flipped my hair and walked towards the sofa.

Wala sa sarili akong napatingin sa suot ko. A boring t-shirt again. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Naupo ako sa sofa at binuksan ang TV. Maarte akong dumekwatro habang naghahanap ng magandang palabas.

"OMG, ang guwapo!" I squealed upon seeing a hot actor in a movie.

Ipinagpatuloy ko ang panonood ng movie. Kinikilig ako sa dalawang bida! Sobrang guwapo pa no'ng guy! Sino kaya 'to? Parang bagong Hollywood actor lang, e.

"Oh, my gosh!" Uminit ang mukha ko sa bed scene.

Nang matapos ang movie ay ililipat ko na sana sa isang music channel 'cause you know... I love party music! I love partying also!

Kaya lang, nang mapatingin ako sa orasan ay gumulo na naman ang sistema ko. Ipinilig ko ang ulo ko at napahawak sa aking sintido. Namungay ang mga mata ko at natulala sa kawalan nang ilang sandali. Maya-maya ay napakurap-kurap ako.

I shook my head because I felt like it was spinning. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang TV. Nagbaba ako ng tingin sa remote control na hawak ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw!

"So fucking stubborn," I uttered.

Pinatay ko ang TV at walang reaksyong bumalik sa kwarto ko. Agad kong pinatay ang radyo dahil baka kung ano naman ang patugtuging kanta. Gusto ko lang namang matulog na!

*****

Kinabukasan sa store ni Tita ay panay ang tanong sa akin ni Cjay tungkol kay Froilan. Palagi niya itong hinahanap sa akin dahil hindi na raw nagpupunta rito.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit hindi na nagpupunta ang guwapong iyon dito?"

Bumuntong hininga ako at itinabi sa safe box ang nabilang na pera.

"Binasted ko na."

Mula sa pagpupunas ng lamesa ay agad na lumapit sa akin si Cjay. Nanlalaki ang mga mata niya na tila gulat na gulat.

"Ano?! Namputsa naman, girl! Okay ka lang? Sana okay ka pa," aniya na para bang hindi maintindihan kung anong sapak ang meron ako.

I chuckled and just shook my head. He looked at me weirdly.

"Seryoso ka? Binasted mo?"

"Oo."

Eksaherada siyang napahawak sa dibdib niya na akala mo'y inaatake sa puso.

"Ang ganda mo naman! Ikaw na!"

Natawa na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit kapag si Cjay ang nanunukso sa akin ay hindi ako naiinsulto. Siguro dahil pakiramdam ko ay lambing niya lang iyon sa akin. Hindi niya naman talaga ako hinuhusgahan.

Napatingin ako sa salaming pinto ng store nang may pumasok na customer. Naningkit ang mga mata ko dahil pamilyar ito sa akin.

"Ay, may pogi ulit!" rinig kong bulong ni Cjay.

Nakita ko itong kumuha ng malaking crackers at isang bote ng energy drink. Nang lumapit ito sa akin upang magbayad ay doon ko napagtanto kung sino ito.

Reenon. Iyong best friend ni Froilan.

Pilyo siyang ngumisi sa akin at bahagyang nagtagal ang titig. Nag-iwas ako ng tingin at in-scan na ang mga bilihin niya.

"I'm not with Froilan right now as you can see."

"Hindi ko naman siya hinahanap," diretsong sagot ko.

"Talaga?"

Nang mag-angat muli ako ng tingin sa kaniya ay mas lalong lumapad ang mapang-asar niyang ngiti. He chuckled and shrugged his shoulders.

"If you say so."

Iniabot ko na sa kaniya ang pinamili niya. Nakangiti niya itong tinanggap habang ako ay tamad na tingin lamang ang ipinupukol sa kaniya. Napataas ang kilay ko nang maglapag siya ng calling card sa harap ko.

"Kung miss mo na, tawagan mo. Pareho lang naman kayo pero minsan kasi, nababakla 'yon." Malakas itong tumawa.

Sinimangutan ko siya hanggang sa tuluyan siyang makaalis ng store. Nagbaba ako ng tingin sa calling card. Naroon ang pangalan ni Froilan, contact number at e-mail address. Umirap ako at agad itong itinago sa aking wallet.

"Sis, kung ayaw mo ro'n sa nanligaw sa 'yo, puwedeng iyong poging iyon na lang!" Tinuro ni Cjay ang pinto kung saan kalalabas lamang ni Reenon.

Sinimangutan ko siya at inilingan na lamang. Humagalpak siya ng tawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon