Chapter 33

2.3K 127 80
                                    


NAGTAGAL si Katelyn ng mahigit anim na oras ng araw na iyon ayon kay Froilan. So far, isa iyon sa pinakamatatagal na pag-o-overtake ng isang alter ko. Sa ilang taon kong may DID, ang pinakamatagal pa lamang na nag-front ay si Norms. Inabot iyon ng dalawang araw na kailangan ko pang lumiban sa eskwela. Bukod doon ay puro hanggang minuto o oras lang ang itinatagal.

I remembered how Froilan hugged me so tight when I got back. It was as if he missed me. He told me that he played with Katelyn for hours and I couldn't help but imagine him being playful and soft towards a little kid. Tinawanan ko siya noon at tinukso.

Nahinto lamang ang pang-aasar ko nang mapansin ko ang bahagyang pamumula ng mga mata niya. Nanatili siyang nakayakap sa akin at ayaw akong bitawan. He was also repeatedly saying how he loves me. I didn't have any idea why he was a bit emotional.

A week after meeting Katelyn, he met Eson. Then days just before his graduation, he finally met Kevin.

"I'll see you on lunch time." Froilan kissed me before he went to the North Quad.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa humalo siya sa mga ka-block niyang nakapila na roon. Simula na ng pag-eensayo nila para sa kanilang graduation this March. Maiintindihan ko kung magiging mas abala siya sa mga susunod pang araw.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad upang pumunta sa susunod kong klase. Paakyat ako sa magarang hagdan ng LAH nang makasalubong ko si Braxton na pababa naman.

Agad na lumitaw ang mala-demonyong ngisi sa labi niya nang makita ako. I continued going up, but as expected, he blocked my way to annoy me again. Inis kong naibaba ang mga mata ko sa kamay niyang humawak sa aking braso.

"You're alone, huh? Where's your stupid boyfriend?"

Tamad ko siyang tiningnan, gaya ng madalas kong pagtingin sa mga bagay na walang kakuwenta-kuwenta.

"You're the one who's stupid," sagot ko. "Huwag mo siyang igaya sa 'yo."

Like a trigger, his eyes darkened evilly. An inexplicable wrath spread all over his face as his hand gripped my arm tightly.

"May araw ka rin sa 'kin," his voice sounded cruel and nasty it brought disgust and danger to my system. "Kayong dalawa ng syota mo. Tandaan mo 'yan."

Sa kabila ng pinaghalong muhi at takot, nagawa ko pa ring ngumisi ng sarkastiko. I didn't really know what's with this guy. I couldn't remember a time where I did something wrong to him for him to be this angry towards me. Sa pagkakaalala ko, siya ang naunang mameste sa akin. Naging kaklase ko siya noong nakaraang taon sa isang minor subject.

He found me weird because I was always silent and always sporting a poker face. He started annoying me to the point that he was also throwing worldly jokes on me which I found very, very disrespectful and disgusting. I'm a girl and having a guy joking around me about lusty stuff was disturbing and rude on my part.

Hindi ako sanay na nababastos ng ganoon. Hindi ko deserve 'yon. Kahit sinong babae, hindi deserve iyon. Kaya naman isang araw, napuno ako ng tuluyan. Unang beses kong makasampal ng tao at manuhod ng pagkalalaki. Matapos no'n ay tila yata mas lalo siyang ginanahan na pestehin ako. Hindi ko alam kung nate-turn on siya sa ginagawa kong paglaban o talagang nagalit siya sa akin ng tuluyan dahil ako pa lamang yata ang nag-iisang babae na kumalaban sa kaniya.

"Puro ka salita. Nasaan ang gawa?" hamon ko upang asarin lamang siya.

Nagtagis ang bangang niya at mas lalong sumama ang tingin sa akin. Hindi na ako magugulat kung sasaktan niya ako ngayon dahil sa nakikita kong matindi niyang galit. Mabuti na lang ay namataan niya ang isang papaakyat na propesor kung kaya't padarag na lamang niya akong binitawan.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon