NAKARINIG ako ng pagbusina ng sasakyan habang magkausap pa rin kami ni Reenon sa gitna ng daan. Pareho naming nilingon ang paparating na sasakyan. Kinabahan pa nga ako na baka makilala ako ng kung sinong naroon at isumbong sa mga pulis."See? Don't even try to leave." Reenon smirked at me.
Napahugot ako ng malalim na hininga kasabay ng pagbaba ni Froilan mula sa sasakyan niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso. His dark and menacing eyes darted on me as his jaw clenched.
"What were you thinking?!" mariing tanong niya. "Paano kung may nakakita sa 'yong ibang tao?"
I couldn't answer immediately. Something tugged my heart while looking at him.
"Amor naman! Alam mo naman ang sitwasyon ngayon. Why are you running away just like that? I got worried!"
Bahagya akong na-guilty sa nakikita kong nag-aalala niyang ekspresyon. Basang-basa rin ang buhok niya, tanda na katatapos niya lamang maligo at mukhang hindi na napunasang maigi ang buhok dahil sa pagmamadaling mahabol ako.
"I... I w-want to leave," naisual ko kahit hindi na ako sigurado ngayon kung iyon pa ba ang gusto ko.
Now that I was seeing him looking so worried and hurt, I wasn't sure anymore if I could leave him just like that. Parang hindi ko kaya.
"What?" Dumiin ang pagtitig niya sa akin. "What the hell are you talking about?"
Napaiwas ako ng tingin at napalunok. "Masyado na akong nagdadala ng gulo sa pamilya niyo, Froilan. This has to stop. I need to leave--"
"No! Stop thinking that way, Amor. Ikaw lang ang nag-iisip niyan."
"Pare, nabigla lang siguro siya. Si Ingrid kasi, biglang dumating," sabat ni Reenon. "Kaya nga ako pupunta sa inyo, e. I tried stopping Ingrid from coming here when she called me, but she didn't listen."
Mas lalong umigting ang panga ni Froilan at matalim na nilingon ito.
"Napaka-mapapel talaga niyang kaibigan mo. She always keeps on sticking herself to something that doesn't even concern her!"
Napabuntong hininga si Reenon sa sinabi ni Froilan at tumango.
"Don't worry, I'll talk to her. Pagsasabihan ko."
"E kahit naman pagsabihan 'yon, hindi rin nakikinig. Close minded amputa."
Hinampas ko sa tiyan si Froilan sa pagmumura niya. Muli tuloy nabaling sa akin ang kaniyang atensyon. Muling dumilim ang ekspresyon niya at bahagyang humigpit ang hawak sa palapulsuhan ko.
"Let's go home." Mabilis niya na akong tinangay.
Hindi naman na ako umalma at nagpadala na lang. Ang kagustuhan ko kanina na umalis ay tila nilipad na ng hangin. Mukhang hindi ko yata talaga siya kayang iwan. Siya na lang ang meron ako at mahal na mahal ko siya.
Nilingon ko si Reenon na pabalik na rin sa kaniyang sasakyan. He smiled at me and signalled that he'd follow behind.
Nang makabalik kami sa mansyon ay naging alerto ang mga tauhan. Mabilis pa sa alas kuwatro silang pumosisyon sa bawat sulok at ang iilan ay nagtungo sa gate upang magbantay. Nakasunod naman sa amin si Reenon papasok sa loob ng mansyon.
Tita Claudia and Chaz both stood up when we entered. She immediately walked towards me, but Froilan was walking fast while holding me that's why she wasn't able to come near me. I could see worry surrounding her face.
Si Ingrid ay nasa tabi ni Tita Claudia at nakataas ang kilay sa akin ngunit mukhang kalmado na siya.
"Pagbaba namin mamaya, dapat wala na 'yang babaeng 'yan. Make her leave and tell her that she's not welcome here anymore. Kapag nagpumilit pa ulit pumasok, ipahabol sa mga guard dog," mahinahon ngunit may diing saad ni Froilan.
BINABASA MO ANG
For You, Amor
Aktuelle Literatur"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...