KINAUSAP ni Dra. Mampusti si Froilan nang matapos ang pag-uusap namin. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila dahil gusto ni Doctora na sila lang daw dalawa ang mag-usap. Dumiretso na ako sa kwarto ni Froilan at sinubukang umidlip. Mabuti na lang at nakatulog naman ako.Nagising ako na medyo madilim na sa labas. Wala si Froilan sa kwarto. Nang tumingin ako sa orasan ay nakita kong alas sais y treinta na ng gabi. Alas siyete pasado kumakain ng hapunan ang mga Vallescas pero hindi na ako magpapaimportante't magpapagising pa. Nagpasya na akong bumaba at naisip na tutulong na lang sa paghahanda ng hapunan.
I was going down the stairs when I heard the television. I stopped on my tracks when I heard a news. Hindi ako nakagalaw agad. Tila naipako ako sa aking kinatatayuan.
"Naliligo sa sariling dugo ang isa sa mga anak ni Manila Mayor Ysmael Salvatorre nang matagpuan ito sa sarili nitong apartment sa Manggahan, Pasig City. Ayon sa mga iilang nakatira sa apartment building, ilang araw na silang nakakaamoy ng hindi kaaya-ayang amoy mula sa unit ni Braxton Salvatorre kaya iminungkahi na nila ito sa mga awtoridad. Natagpuang laslas ang leeg ni Braxton Salvatorre at may iilang pasa sa katawan."
Nangatal ang mga labi ko. Naririnig ko rin ang pag-uusap nila Froilan habang pinanonood ang balita.
"The investigation will start immediately, for sure," si Tito Enrico.
"H-Hindi naman siguro maituturong suspect si Amor," ani Ate Rizza. "You said that there were no CCTVs in the building, right?"
"Wala nga. Wala rin namang nakakita sa amin noong umalis kami, e. 'Yong babae sa front desk, hindi naman nakita ang mga mukha namin."
Mabagal na ang mga naging hakbang ko pababa ng hagdan habang patuloy kong naririnig ang reporter sa TV.
"Ayon sa receptionist ng apartment building, nakita raw niyang may kasamang babae si Salvatorre nang umuwi ito ng tanghali noong Huwebes. Narito ang pahayag ng receptionist nang makapanayam namin."
Tuluyan akong nakababa. Hindi pa nila ako nakikita dahil lahat sila ay tutok sa telebisyon. Umawang ang bibig ko nang ipakita sa screen iyong babae sa front desk noon.
"May dala po siyang babae, e. Wala pong malay 'yong babae. Buhat-buhay niya. Napansin niya yatang nagtataka ako kaya sabi niya... girlfriend niya raw po 'yong babae at lasing daw po kaya ganoon."
Kumuyom ang mga kamao ko. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Froilan.
"Anong itsura no'ng babae?" tanong ng reporter.
"Maputi po. May itsura, gano'n. Matangkad din saka payat."
"Hindi mo siya nakitang umalis ng building noong araw na 'yon?"
"Hindi po, e."
Natapos ang interview sa babaeng iyon hanggang sa ang ipakita na lamang sa screen ay ang reporter.
"Kasalukuyang ipinapa-sketch ang itsura ng babaeng nakita ng receptionist na kasama ni Salvatore noong huli siyang makitang buhay. Sinusubukan din ng aming team na makapanayam si Mayor Ysmael Salvatorre upang alamin kung anong magiging aksyon ng kanilang pamilya sa imbestigasyon."
Natapos ang balita at wala ni isa sa pamilya ang agad na nakapagsalita. Humakbang ako palapit kung kaya't pare-pareho silang nagbaling ng tingin sa akin. Bakas ang gulat sa mga ekspresyon nila nang makita ako.
"A-Amor!" Agad na pinatay ni Froilan ang TV at tumayo.
"They're gonna find me!" palahaw ko. "Alam na nilang patay si Braxton tapos kapag nai-describe ako nang mabuti no'ng babae sa gagawa ng sketch, ako na ang magiging suspek!"
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...