NAHINTO ang mga hayop na tauhan ni Ysmael Salvatorre sa pagpapaulan ng bala sa mansyon. Bukod sa bilang ng mga kasalukuyang tauhan ng mga Vallescas at Marqueza, dumating na rin ang sa mga Velleres. Nasindak yata ang mga tauhan ni Salvatorre kaya kumaripas na paalis.Thankfully, no one from us got hurt. The Marquezas left that night after making sure that everyone's already secured. We were already heavily guarded and their worries lessened bit. Hindi na umulit pa sa pananakot ang mga Salvatorre kaya medyo napanatag na ang mga magulang ni Froilan.
Kahit na ganoon, hindi ko pa rin maawat ang sarili na mangamba nang lubos. Hindi na ako halos nakakatulog dahil sa takot na baka bulabugin na naman kami ng mga Salvatorre. Hindi yata naniniwala ang mga ito na hindi ako itinatago ng mga Vallescas.
"Patuloy pa rin ang paghahanap sa suspek na si Amorette Carbonel na siyang responsable sa pagkamatay ng anak ni Manila Mayor Ysmael Salvatorre. Umabot na sa kalahating milyon ang pabuya sa taong makakapagsabi kung nasaan ito."
Napabuga ako ng malalim na hininga nang marinig ko na naman ang balita. Nag-iwas ng tingin sa akin si Chaz na siyang may hawak ng remote bago inilipat sa ibang channel ang pinapanood. Kaming dalawa ang narito sa living room. Froilan was taking a shower. Tita Claudia was in the kitchen. Tito Enrico was probably at work, as well as Ate Rizza.
Magmula noong mangyari ang pamamaril, hindi na sila puwedeng lumabas nang walang kasamang bodyguards. Kailangan nila iyon dahil baka mamaya ay may bigla na namang gawing kahayupan ang mga Salvatorre.
Ilang sandaling nakatutok si Chaz sa pinanonood na English film bago ako muling nilingon. Tamad ko siyang tiningnan pabalik. Bumuka ang bibig niya upang magsalita.
"Magfo-fourth year college ka na, 'di ba? Do you still have plans to go back to school this coming school year?"
Sandali akong napaisip. Ang bilis ng panahon. Hindi ko namamalayan na sa isang buwan pala ay pasukan na ulit.
"I don't know..." I answered in a small voice.
He stared at me for a while as if still absorbing the mystery in my personality until we both got interrupted by someone who just barged in the double doors.
"Ma'am, hindi po kayo puwedeng pumasok basta-basta--"
"And why not, huh? Nakakapasok naman ako rito dati nang walang pumipigil sa akin! Where is Tita Claudia?"
Napatayo ako nang makita ko si Ingrid. Napaatras ako dahil sa biglaang naramdamang kaba. Hindi ko alam kung kakaripas ba ako ng takbo upang magtago o manatili na lang sa kinatatayuan. I was getting anxious by her presence because only the Vallescases and the Marquezas knew that I was here!
What the was she doing here? Did she know that I was here?
"Ma'am, umalis na po kayo. Hindi na po talaga puwede ang mga bisita--"
"Shut up! Pupunta ako rito kahit kailan ko gus--"
Natigilan siya sa kaniyang sinasabi nang magawi ang paningin niya sa kinaroroonan ko. Mabilis na kumalat sa kaniyang ekspresyon ang matinding galit. Walang ano-ano'y lumapit siya sa akin at hindi ko napaghandaan ang paglagapak ng palad niya sa aking pisngi.
"So totoo ngang nandito ka! How dare you drag Froilan into your fucking mess, you crazy lunatic?!" sigaw niya sa mukha ko, nag-iigting ang mga ugat sa kaniyang leeg.
Hindi ako nakasagot sa kaniya at dinama lang mahapdi kong pisngi. Namuo ang luha sa mga mata ko hindi dahil sa sakit na naramdaman ko sa pagsampal niya, kundi dahil muli na namang ipinaalala sa akin kung gaano ako nagdadala ng gulo sa pamilyang ito, lalong-lalo na kay Froilan.

BINABASA MO ANG
For You, Amor
Fiksyen Umum"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...