Chapter 47

2.3K 100 28
                                    


MAHIGPIT kong niyakap ang unan habang nakahiga ako nang patagilid sa kama. Dumampi ang mga labi ni Froilan sa aking sentido at tinulungan akong punasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Stop crying, mon amour. Ate will be fine."

Mariin akong napapikit at mas lalong napayakap sa unan. He thought that I was just worried for Ate Rizza that's why I was acting like this. What he didn't know was that I felt guilty for what happened. I kept blaming myself again.

Wala pa mang patunay, malakas ang hinala ko na kagagawan ng mga Salvatorre ang pagkakabaril kay Ate Rizza. Una, si Marinel. Ngayon naman ay si Ate Rizza. Sino pa bang kailangang malagay sa peligro nang dahil sa paghahanap sa akin?

Ang dami nang nadadamay. Ako lang dapat 'to, e. Ako lang dapat. Hindi dapat nadadamay ang mga taong malalapit sa akin.

"I'll be back immediately, alright? Maiiwan sina Mommy sa ospital hanggang bukas pero ako, uuwi lang din mamaya," paalam ni Froilan.

Napatingin ako sa kaniya at naabutan ko siyang malambot na nakatingin sa akin. I wondered if he was seeing the guilt in my eyes.

"Take care," I uttered. "Ilang bodyguards ang kasama mo?"

"Five."

Lumikot ang mga mata ko at in-imagine siyang naglalakad habang pinagigitnaan ng limang bodyguards.

"H-Hindi ba kulang 'yon? Saka baka puro payatot ang mga 'yon."

He chuckled and planted a kiss on my cheek.

"I'll make it ten, then. And don't worry, they're all fit."

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano pero hindi ko pa rin maiwasang ma-paranoid.

"Uwi ka kaagad, a?" pahabol ko pa.

"Uh-huh." He grabbed my hand and kissed my knuckles tenderly. "Hindi ko kayang magtagal do'n kasi hindi ko kayang malayo nang matagal sa 'yo."

Napangiwi ako na tinawanan lamang niya. "Clingy na nga, corny pa," saad ko.

Mas lalong lumakas ang tawa niya at pinanggigilan ng kurot ang pisngi ko. Natatawa akong napatili. Mahina niyang kinagat ang baba ko kaya halos mahambalos ko siya.

"Aw!" daing ko.

Nang matapos siyang makipagharutan sa akin ay nagbilin ulit siya ng kung ano-ano bago tuluyang umalis. Naiwan akong may ngiti sa mga labi ngunit nang maalala ko ang kalagayan ni Ate Rizza ay unti-unti na namang bumalik ang paninibugho ko.

*****

Lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin nagigising si Ate Rizza. Sina Tita Claudia at Tito Enrico ay halos doon na natutulog sa ospital. Hanggang isang hapon, nakita ko na lamang sa TV si Tito Enrico sa isang press conference habang binabanggit ang pangalan ng mga Salvatorre.

"My daughter is still in the hospital. She's still fighting for her life. Hindi pa man napapatunayan, malakas ang paniniwala ng aming pamilya na ang mga Salvatorre ang nasa likod ng pangyayaring ito. Kung totoong sila ang may kagagawan nito, talaga palang ganoon sila kahayop. My daughter doesn't have anything to do with your mess! She's never associated to Amor. Bakit n'yo siya kailangang idamay?"

Napapikit ako at napahilamos sa aking mukha. Nagbabadya ang luha sa mga mata ko habang pinakikinggan ko si Tito Enrico. Parang tinutusok ang puso ko habang pinakikinggan ang nasasaktan niyang boses.

Ate Rizza didn't deserve this. They all didn't deserve this.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na akong sisihin ang sarili ko pero iyon at iyon lang naman ang tangi kong nararamdaman. Para tuloy gusto ko na lang magpakita sa mga Salvatorre. Tutal, ako lang naman ang habol nila. Kung may gagawin silang masama, sa akin na lang dapat. Huwag na nilang idamay ang mga taong malalapit sa akin.

"Patuloy ang pag-iimbestiga sa nangyari sa aking anak. Kapag napatunayan namin na may kinalaman si Ysmael Salvatorre rito, I will file a case against him. I don't care how powerful you are, Salvatorre. You hurt my family, you will get what you goddamn deserve."

Hindi ako kumain ng hapunan. Wala akong gana. Dumating si Froilan galing ospital at nalaman sa mga kasambahay na hindi ako kumain. Sandamakmak na sermon tuloy ang inabot ko galing sa kaniya.

"Amor naman. Hindi porket wala kang gana, e hindi ka na kakain."

Tamad akong napabuntong hininga at tumagilid ng higa upang talikuran siya.

"Ano na naman bang problema?" tanong pa niya.

"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga!"

"Just fucking tell me! I won't even ask if I don't feel something wrong—"

"Ako! Ako 'yong problema!" sigaw ko pabalik at napabangon na sa pagkakahiga. "Okay na?"

Natahimik siya. Nanatili siyang nakatayo roon at nakapamaywang habang bahagyang nakakunot ang noo. Sinamaan ko siya ng tingin at sumabay naman ang pamumuo ng luha ko. Inis kong pinunasan ang mga mata ko sabay iwas ng tingin.

Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga. Kita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang unti-unti niyang paglapit sa kama. Mas lalo akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"You're blaming yourself again, aren't you?" he carefully asked.

Hindi na ako sumagot. Alam niya naman, e. Ramdam niya.

"Amor..." He sighed. "How many times do I have to tell you that none of this was your fault?"

"You don't understand! And can you please stop babying me? You keep on telling that I should not blame myself because you just want to console me. Stop consoling me! Wala nang kahit anong salita ang magpapawala ng guilt ko. Hindi mo naiintindihan 'yong nararamdaman ko dahil wala ka naman sa posisyon ko!"

Hindi muli siya nakapagsalita. Nanatili lamang ang malungkot niyang tingin sa akin.

"Gulo ko 'to, e. Ako lang dapat 'yong tumatanggap ng galit ng mga Salvatorre pero ang daming nadadamay." I sobbed. "S-Sinong susunod? Mga magulang mo? Si Tita Rosanna? I-Ikaw? Hindi ko kaya... hindi ko kakayanin."

Lumakas ang pag-iyak ko kaya agad na hinagod ng kamay niya ang likod ko. He started whispering sweet words to me again, but as I've said, no words would ever comfort me anymore.

Everything was just already fucked up.

"C-Can I..." I sobbed again. He helped me wiping my tears away. "Can I just surrender myself? Magpapakita na lang ako sa mga pulis para... p-para matapos na 'to."

Agad na huminto ang mga kamay niya sa pagpupunas ng luha ko. Seryoso niya akong tinitigan. Malalim. Mapanganib. May halong galit at sakit.

"No," he immediately answered.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napayuko. "I just want this mess to finally end, Froilan. P-Please?"

"No, Amor. Ano ka ba?" tumaas na ang boses niya at kunot-noo na naman.

"It's for the better! Ang tanging gusto lang naman ng mga Salvatorre ay mahuli ako. Hindi na sila makakapandamay ng iba kapag nakuha nila ako. And we can hire a good lawyer to defend me. There's still a big possibility that we'll win."

Mariing napapikit si Froilan at umiling-iling. Inis siyang napahilamos sa kaniyang mukha.

"You really think that the Salvatorres will let that happen? Amor, ang dami nang dinaya ng pamilyang 'yan. Lahat ng kumalaban sa kanila sa politika man o negosyo, kung hindi ipinapapatay, ipinakukulong naman nang walang basehan. Sa galit ng mga 'yon sa pagkamatay ni Braxton, baka hindi lang presinto ang kalagyan mo. You don't know how monstrous that family is!"

I hugged my knees tightly and buried my crying face there.

"We don't know what they could possibly do to you if you finally fall in their hands. I can't risk it, Amor." I heard him breathed heavily. "So no. I will not let them have a hold of you. Never."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon