Chapter 8

2K 106 29
                                    


DUMIRETSO ako sa SAC kung saan namin napagkasunduan ni Froilan na magkita. Alas tres natapos ang klase ko para sa araw na ito. Si Froilan ay 3:30 pa ang tapos kaya kailangan ko pa siyang hintayin. Tsk. Bakit kasi pumayag-payag pa ako na sumama siya sa akin sa apartment ko?

Umupo ako sa isa sa mga lamesa roon. Malaking parte ng CEU ang School Activity Center kaya rito madalas tumatambay ang karamihan. Ang iba ay rito pa nag-eensayo ng sayaw, o kung ano-ano pang activities.

Papalapit na ang USC week kaya hindi na ako nagulat kung bakit may isang grupo na nagpa-practice ng sayaw sa may gitna.

"Let's go, Streetworx!" may narinig akong nag-cheer doon sa dance group na nagte-training.

Humalukipkip ako at nanood na lang muna sa grupo ng nagsasayaw habang hinihintay si Froilan. Nakailang ulit na sa routine nila ang dance troupe hanggang sa sumapit ang 3:30. Manggagaling pa ng LAH si Froilan kaya maglalakad pa 'yon patungo rito.

"Kung sinuswerte nga naman."

My lips pursed when I heard a familiar voice. I almost jumped from my seat when Braxton harshly put his bag on my table that caused a loud tud. Isang beses ko lang siyang tiningnan bago ko ibinalik ang tingin ko sa harap.

"Tsk, tsk, suplada talaga."

I repeatedly reminded myself to stay calm. As long as he wasn't being violent yet, I wouldn't be triggered.

"Sa tingin mo ba palalagpasin ko na lang 'yong ginawa mo sa 'kin, ha?" naging mariin ang tono ng boses niya.

I remained looking at the dance group. Aside from I would just get stressed, he wasn't worth my attention. Ngayon, kung mainis siya at maging bayolente na naman, pasensyahan na lang dahil hindi ko makokontrol kung sakaling may ma-trigger sa akin.

"You should be punished, Amor." Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "I would love to handcuff you on my bed, naked."

Nanayo ang balahibo ko sa pandidiri sa kabastusan na naman niya. Hindi ko napigilang tingnan siya sa pagkakataong ito. Matalim ang ipinukol kong tingin sa kaniya na nginisian lamang niya.

"Go to hell," mariing usal ko. "Lumayo ka sa 'kin dahil kung hindi, itong lamesa naman ang ihahampas ko sa 'yo."

Napakurap-kurap siya at napalayo nang kaunti. May sasabihin pa sana siya ngunit hindi naituloy nang dumating si Froilan.

"Is there a problem here?" he asked in a hard tone.

Tuluyang napalayo sa akin si Braxton. Tumayo na ako upang makaalis na kami. Nakita kong kasama pa ni Froilan iyong kaibigan niya rito sa CEU.

"Let's go, Froilan," yaya ko.

Hindi siya gumalaw at mariin lamang na nakatingin kay Braxton na para bang ano mang oras ay susuntukin ito. Sinamaan din siya ng tingin ni Braxton bago nito padarag na kinuha ang bag mula sa lamesa at naglakad palayo.

Nakahinga ako nang maluwag. Sinundan pa ito ng matalim na tingin ni Froilan bago nagsalita ang kaibigan niya.

"Whoo! Akala ko babanatan mo, e!" Humagalpak ito ng tawa.

Napailing si Froilan at saka ako binalingan at sinuri ng tingin.

"Ayos ka lang? May ginawa na naman ba sa 'yo 'yong gagong 'yon?"

"Wala. Ayos lang ako," simpleng sagot ko. "Tara na. Mag-aaral pa ako."

Tumango siya. Binalingan niya ang kaibigan niya na may nanunukso nang tingin sa kaniya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin.

"Una na kami, Jex," paalam ni Froilan.

Tumango ito at ngumisi sa kaibigan. "Sige! Enjoy your date!"

Sinimangutan ko ito. Natawa si Froilan at hinawakan na ang siko ko para hilahin paalis.

*****

"Amor, sasabog na yata ulo ko," reklamo ni Froilan habang pareho kaming nagre-review sa hapag kainan ng unit ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa ng notes ko.

"Amor, anong ulam natin mamaya?"

Hindi ko siya tiningnan pero bahagyang kumunot ang noo ko habang nagbabasa.

"Amor, anong paborito mong pagkain?"

Ang kulit!

"Amor--"

"Sshh!"

Natigilan siya. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa. Inirapan ko siya at padabog na tumayo.

"Where are you going, Amor?" parang batang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso ako sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pinto bago ako sumalampak sa kama. Napapikit ako at marahas na napabuntong hininga.

Ang bwisit na 'yon! Akala ko ba ay hindi niya ako gugulihin sa pagre-review? E bakit ang kulit-kulit niya?! Sana pala ay hindi na lang ako pumayag na sumama siya! He was stressing me out! He was so annoying! Ugh!

Hinintay ko kung magkukulit ulit siya pero ilang minuto na ay tahimik pa rin sa labas ng kwarto ko. Hindi niya na ako tinawag. Mukhang natahimik na siya nang tuluyan kaya naman bumalik na ako sa pagre-review.

Isang oras ang nakalipas ay nagbabasa pa rin ako ng notes sa kwarto. Hindi ko na narinig ang tawag ni Froilan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa sala o kung umalis na ba siya. Wala naman akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, gusto ko lang namang mag-aral.

I was in the middle of memorizing a topic when I suddenly heard Froilan's repeated knocks on my door. I tightly closed my eyes because of irritation.

"Amor, open up!"

"What the fuck do you need! I'm busy! Umuwi ka na lang kung guguluhin mo 'ko!"

"Buksan mo na 'to, please!" parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

I groaned. I almost pulled my hair out of irritation before I went down from my bed. Marahas kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang hindi maipintang mukha ni Froilan. He looked constipated.

"What?!" singhal ko.

Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya. Napalunok pa siya bago nakapagsalita.

"Uhm... n-natatae ako."

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang sinaraduhan ng pinto. Narinig ko ang malakas na paghagalpak niya ng tawa.

"Gross! Umuwi ka na nga!" I shouted.

This asshole! Akala ko naman kung anong urgent ang sasabihin! Gusto niya lang talaga akong inisin, e 'no?!

Tumatawa pa rin siya nang sumagot.

"Sorry na, Amor! Pero seryoso, I need to take shit! Can I use your bathroom?" Muli kong narinig ang tawa niya.

I groaned again. "Tumae ka sa sasakyan mo kung gusto mo!"

Tumawa ulit siya bago ko narinig ang papalayo niyang mga yapak, malamang ay nagtutungo na sa banyo. Mariin akong napapikit at napahilot sa aking sentido.

This man would surely give me a lot of headaches!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon