SINUNDO ako ni Froilan sa apartment ko gaya ng palagi niyang ginagawa. We've been together for almost two months now. So far, so good. Everything between us just felt so light and wonderful. Parang biglang nagkaroon ng rainbow sa madalim na langit.I was happy. Very happy.
Should I say I now that it was worth the risk?
But... magda-dalawang buwan pa lang naman kami. Marami pang puwedeng mangyari.
"Where do you want to eat lunch later?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Sa malapit na lang. May tatapusin pa akong assignment, e."
Tumango siya. Nanatili lang ang mga mata ko sa dinadaanan namin.
"Anyway, baka hindi kita mahatid mamaya. Si Mommy kasi gusto akong isama sa isang ospital at may ipapakilala raw siyang psychiatrist sa akin. She said that he's one of best psychiatrists in the country and I will learn a lot of things that I can apply to my field."
"O, sige," sagot ko.
"Okay lang? Baka nagtatampo ka?"
Halos matawa ako. He was always like that. It seemed like he was always cautious about how I feel. Gusto niya palaging akong may say sa mga bagay-bagay. Palaging niyang kinokonsidera ang iniisip at mararamdaman ko.
He was just so... sweet. So caring. So gentleman. And very funny, too.
"Of course not. Bakit ako magtatampo?"
"Wala lang. E palagi kitang hatid sundo. It's like a routine already for me and I love doing it. First time 'to na hindi kita maihahatid pauwi."
I chuckled. "Froilan, before you, I was already used to commute. Wala namang naghahatid sundo sa akin noon. Ako lang palagi. Kaya okay lang, sanay naman din ako umuwing mag-isa."
He sighed and smiled at me.
"Alright. How dare I forget that you're one hell of an independent woman?"
I laughed and just shook my head.
Pagkarating namin sa school ay may mga tumitingin pa rin sa amin ngunit iilan na lang. Ewan ko, siguro nasanay na sila o natanggap na ng tuluyan na kami na nga ni Froilan. Wala na rin naman silang magagawa. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nag-aaksaya ng panahon sa pagtsi-tsismisan.
There's a lot of things that they could do with their lives! Why waste their time for something that doesn't even concern them? They could just study hard, watch movies, always listen to their parents, or provide for the community if they can. I just couldn't see the sense of being nosy about people that doesn't even included in your life.
Naghiwalay na kami ng daan ni Froilan para um-attend sa mga klase namin. Major ang first subject niya ngayon habang ako ay minor lang. Dalawa na nga lang yata ang minor subject niya, e, dahil graduating na siya. Puro majors na lang tapos 'yong practicum pa niya. Hindi ko talaga alam kung paano pa siya nagkakaroon ng time sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin nang makasalubong ko si Ingrid. As usual, her eyes were giving me daggers. But unlike before, she wasn't saying any rude comments to me anymore. Palaging masamang tingin na lang at malakas na pambabangga sa akin sa tuwing magkakasalubong kami. Minsan ay pagpaparinig, but she wasn't that aggressive now.
Tulad na lang ngayon. I sighed and shook my head when my books fell when she bumped my shoulder.
"Pakalat-kalat sa daan, e! Basura ka ba, ha?" She rolled her eyes before walking away.
Umirap din ako at pinulot na lamang ang mga libro ko.
Hay naku, ang Ingrid na 'yon. Bitter na nga, mas lalo pang naging bitter nang malamang kami na ni Froilan.

BINABASA MO ANG
For You, Amor
قصص عامة"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...