Sabi ko morning ang update, e. Hahahaha!PAGLABAS ko ng banyo ay dilat na ang mga mata ni Froilan ngunit nakahiga pa rin siya sa kama. Agad akong nahanap ng mga mata niya at itinaas niya ang kamay upang maabot ako. Mabilis naman akong lumapit.
"Good morning," I flatly said.
Hinila niya ako paupo sa gilid ng kama at agad akong binalot ng mahigpit na yakap. Bumagsak tuloy ang itaas na bahagi ko sa ibabaw niya. He immediately buried his face on my neck.
"Morning, bibi ko..."
I almost cringed at his response. I just suppressed my smirk and hugged him back.
"Baba na tayo. It's already eight," sabi ko.
"Magsi-CR lang ako. Sabay na tayong bumaba."
Pinakawalan niya na ako nang bumangon siya. Nagtungo na siya sa banyo at ako naman ay naupo na muna sa couch. Manonood muna ako ng TV habang naghihintay sa kaniyang matapos sa morning rituals niya.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng TV ay balita agad ang bumungad sa akin. Akala ko pa ay tungkol na naman sa akin ngunit hindi. It was a showbiz news. My eyes got glued on the man being interviewed.
Shit!
I tried switching to another channel because of the thought that I could maybe prevent Theresse from fronting, but it was already too late. She was already so close.
Hay naku, ang babaeng 'to!
"OMG! Phyrus!" I exclaimed when I saw my idol once again.
Ngayon ko na lang siya ulit nakita at na-miss ko siya! Paano, hindi naman ako madalas lumabas kaya hindi ako nagkakaroon ng chance na makita siya or kahit mapanood man lang sa TV.
God, he's still freaking hot! Mas lalo pa nga yata siyang gumwapo.
"So you're telling us that these women are only lying?" tanong ng reporter kay Phyrus.
Kumunot ang noo ko. Ano bang pinag-uusapan nila? Huli na ako sa mga balita tungkol sa kaniya kasi hindi naman ako palaging nagfo-front. May alam kaya si Amor?
"Yes. Definitely," Phyrus answered confidently, no trace of doubt in his voice.
Halos himatayin naman ako sa lalim at kaseryosohan ng kaniyang boses. My gosh, kahit nga wala siyang gawin o sabihin, mangingisay pa rin ang mga tao sa kilig.
"These allegations they're throwing at me doesn't even make sense. The media likes to make stories up just to ruin my name. It's ridiculous."
Napanguso ako. Ano bang meron? Anong mga allegations 'yon? Kawawa naman si Phyrus. He looked stressed and tired.
Bago pa magliwaliw ang isip ko sa mga posibleng issues ni Phyrus ay may narinig na akong bumukas na pinto. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip dito sabay tili.
"Hala! Ba't ka nakahubad!" tili ko nang makita ko ang boyfriend ni Amor na tanging tuwalya lamang sa ibabang bahagi ang saplot.
"Sus! Para namang hindi mo pa nakita 'to. Nahawakan at nahalik-halikan mo na nga rin--"
"I'm Theresse!"
Hindi agad siya nakapagsalita. Maya-maya'y narinig ko siya na mahinang napamura hanggang sa hindi ko na siya narinig. Ibinaba ko na ang kamay ko na nakatakip sa mga mata ko. Hindi ko nakita si Froilan na ipinagkibit-balikat ko na lamang. Baka nagbibihis na.
Muli ko na lamang itinutok ang paningin ko sa TV. Patuloy ang pag-i-interview kay Phyrus hanggang sa muling bumungad sa akin si Froilan na ngayon ay may damit na. Nakahinga ako nang maluwag. I smiled cutely and waived at him.
"Hi! Long time no see!" I laughed.
He smiled and looked at the television. Then he looked at me and back to the TV again. When he brought his eyes on me again, he nodded like he just understood something.
"Nabanggit sa akin ni Amor na fan ka ni Phyrus Velleres," he said before sitting at the other end of the couch.
"Ay, oo! Super duper fan niya ako! Grabe naman kasi 'yang isang 'yan! Sinalo na yata lahat! Magaling kumanta, magaling sumayaw, guwapo, tapos mabait at gentleman din! Sinong hindi hahanga sa kaniya?"
"Ako," mahinang aniya.
"Huh? Ayaw mo sa kaniya?"
Maliit siyang ngumiti at tiningnan si Phyrus sa TV bago nagsalita.
"Hindi naman. He's a great artist, but I'm just not really a fan."
Tinitigan ko siya at blangko lamang ang mga mata niya. There was also something in his voice that I couldn't fathom.
"Hmm..." Napatingin ako sa kisame na tila nag-iisip. "Bakit parang may galit ka sa kaniya?"
Napatingin siya sa akin. Mahina siyang natawa at napailing-iling.
"Hindi naman galit. It's just that... my ex-girlfriend cheated on me with him, so..." Nagkibit balikat siya.
Napasinghap ako at halos dambahin siya nang lumapit ako. Napasiksik siya sa pinakadulo ng couch.
"Totoo?!" hindi makapaniwala ko pang tanong.
Tumango-tango siya.
"Hala! Sino ba 'yong ex mo? Baka kilala ko kasi lahat naman ng naging girlfriend ni Phyrus, naibalita, e."
"Uhm... as far as I know, their relationship was never broadcasted. They both didn't confirm it to the public."
"Oh, okay. Pero sino nga 'yong ex mo na 'yon!"
Napabuntong hininga siya. "Hadlee Vera."
Nanlaki muli ang mga mata ko. "OMG! The model?"
Tumango siya. Napatili ako.
"Yeah, I remember her being linked to Phyrus before! Pero hindi naman nila sinabi na may relasyon sila. Friends lang daw sila."
Sarkastikong napangisi si Froilan at napailing.
"Of course. Cheaters will never let everyone know that they cheated."
Napanguso ako at nalungkot sa sinabi niya. He had a point, though. I just didn't know if my beloved Phyrus was aware that Hadlee was a cheating bitch. I knew Phyrus Velleres. He was an honorable and kind-hearted man. He will never fool someone.
"Oh, well. It's already in the past and I've moved on." He smiled at me.
"Yeah. And you already have Amor."
"Uh-huh. I love her the most. The past doesn't matter anymore.
I giggled. "Dapat lang, 'no!"
*****
Theresse overtook my body for an hour. She also got the chance to meet Froilan's family. Sabi ni Froilan ay tuwang-tuwa raw sina Tita Claudia kay Theresse dahil sa pagiging medyo kalog nito. Mabuti na lang at hindi naman sila nawirdohan.
"Bakit kaya wala pa si Rizza? It's already seven PM. She should be home now."
I heard Tita Claudia said. Oo nga. 6 PM palagi iyon dumadating dito galing trabaho, e.
"Froilan, did your sister message you? I can't contact her."
"No," sagot ni Froilan sa tabi ko. "Have you tried calling her bodyguards?"
"Not yet."
"Ako na lang ang tatawag."
Dinukot ni Froilan ang cellphone niya mula sa bulsa ng kaniyang short. Bago pa man siya maka-dial doon ay narinig na namin ang pag-ring ng cellphone ni Tita Claudia.
"Hello? O, Edwin, nasaan na ba--what?!"
Pareho kaming napatingin sa gawi ni Tita Claudia. Her face was now coated by worry. Tears started forming in her eyes. Napatayo si Froilan.
"No! What do you mean she got shot?!"
Umawang ang bibig ko kasabay ng paglakas ng iyak ni Tita Claudia.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...