HINAWAKAN agad ni Froilan ang kamay ko nang makababa kami ng kaniyang sasakyan. Today was a Sunday and he said that he wanted to date me. I had nothing to do and there was no really so much work from school, so I agreed. Malapit na rin kasi ang Christmas break namin kaya siguro wala nang masyadong ipinapagawa ang mga prof.Nang makapasok kami sa mall ay nakita kong medyo maraming tao. Hinila ako ni Froilan sa isang kilalang clothing line na parehong pamababae at panlalaki ang mga ibinebenta. Kahit pumipili siya ng t-shirt ay hawak niya pa rin ang kamay ko na para akong mawawalang bata.
Lumingon-lingon ako ngunit nag-iingat pa rin sa mga bagay na madadapuan ng mata. Mahirap na…
Nagtagal ang tingin ko sa isang magandang babae na tinitingnan ang isang dress. She looked so classy with her fitted silk dress and heels. Her skin was flawless and the way she carried herself was so admirable.
Wala sa sarili akong napababa ng tingin sa aking suot. I was wearing a maong skirt with a tucked-in long sleeved white top. It was fitted and the neckline was in a V shape. I was also wearing a pair of white Vans.
I looked like a teen when I wasn’t anymore. 20 years old na ako pero ang mga damitan ko ay para pa ring pang-teenager. What if I change my style? Something more mature and womanly like that woman.
Pero… hindi naman ako maganda. Hindi bagay sa akin ‘yong ganoon. Huwag na lang.
“Wala ka bang gustong bilhin?”
Napabalik ako ng tingin kay Froilan nang magtanong siya. Umiling lamang ako. Humakbang na siya habang hawak pa rin ako ngunit natigilan. Natigilan din tuloy ako sa paglalakad. Tumaas ang kilay ko at nakitang may tinitingnan siya.
When I followed his line of vision, I realized that he was staring at the woman I just admired a while ago. His hold of me loosened.
“Tara, sa ibang shop naman tayo.” Muling humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinila na ako.
“Hindi mo ba bibilhin ‘yan?” tanong ko sa hawak niyang t-shirt. Mukha kasing papunta na siya sa cashier kanina.
“Hindi ko pala trip.”
Nagtagal ang tingin ko sa mukha niya. Ganoon pa rin naman pero parang may iba. He looked a bit bothered.
Nang papalabas na kami ng shop ay may tumawag sa kaniya, dahilan kung bakit natigilan kami sa paglalakad. Nakita ko ‘yong magandang babae na nakangiti sa aming pareho. Walang nagawa si Froilan kundi lumingon kahit mukhang napipilitan.
“Hadlee,” Froilan uttered her name.
Her smile grew bigger. “Hi! How are you?”
“I’m fine,” his voice was cold. Nanibago tuloy ako.
“That’s good to hear!” Lumipat ang tingin nito sa akin at agad na naglahad ng kamay. “Hi, I’m Hadlee Vera. You’re his girlfriend?”
Tinanggap ko ang kamay niya. Bago ko pa maipakilala ang sarili ay naunahan na ako ni Froilan.
“Yeah. This is Amor, Hadlee.”
“Oh!” Mas lalong lumaki ang ngiti nito. “Bagay kayo! She’s so pretty.”
Muntik na akong sumimangot. Plastik. Alam naming pare-pareho na hindi ako maganda.
Silence lingered. The awkwardness sashayed its way in between us that made me feel so irritated. I could almost hear the deafening noise from the crickets as if now was their right moment to shine.
Mabuti na lamang ay nagsalita si Froilan kundi ay baka gumawa na ng trono ang mga kuliglig sa pagitan naming tatlo.
“We need to go, Hadlee.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...