Chapter 27

2.3K 116 38
                                    


Sorry for the late update!

NAPAKAMOT ako sa aking ulo nang marinig ko na naman ang boses ni Froilan na minamadali ako. Nagsusuot ako ng bra nang bigla siyang pumasok sa kwarto ko. Parehong nanlaki ang mga mata namin.

“Ano ba!” singhal ko.

Nalapatan ng nakakalokong ngisi ang kaniyang mukha. Imbes na lumabas ay nagtuloy-tuloy pa siya papasok. Umirap ako at hinayaan na lang siya.

“Ang kulit mo, ha! Maghintay ka sa labas, huwag mo ‘kong madaliin!”

Pumili ako ng dress na maisusuot sa aking cabinet. Pinili ko iyong kulay yellow na casual dress na binili ko ilang buwan na ang nakalipas. Kasabay ng pagkuha ko nito mula sa cabinet ay naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Froilan mula sa likod.

“Ano ba, Froilan. Magbibihis na ‘ko,” saway ko.

“Hmm?” He sniffed on my neck. “Sige, magpa-late na lang pala tayo. Quickie tayo, ten minutes—“

Agad ko siyang siniko. Napalayo siya dahil doon at nagsimulang tumawa. Kinurot ko siya sa tiyan na ikinahinto ng tawa niya.

“Puro ka kalokohan! Lumabas ka na nga! Magbibihis na ‘ko!” halos sigawan ko siya.

Tumaas ang kilay niya at walang hiya-hiyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. His eyes went darker again. He was looking at me like he was ready to feast on me anytime soon.

“Ito naman…” Umupo siya sa kama ko at tuwang-tuwa akong tiningala, animo’y isa akong magandang tanawin na hindi siya magsasawang titigan. “Nakita ko na ‘yan lahat. You have nothing to hide anymore.”

I rolled my eyes again and decided to just ignore him. Isinuot ko na lang nang mabilisan ang dress. Inabot ko ang zipper sa likod upang maisara pero hindi kaya. Tumalikod ako kay Froilan.

“Pa-zipper nga,” utos ko.

Tiningnan ko siya sa peripheral vision ko at nakita kong tumayo siya. Agad kong naramdaman ang mabagal niyang pag-zipper na para bang nang-aasar pa. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Napasinghap na lamang ako nang bigla niya akong halikan sa leeg.

Hinapit niya pa ako palapit sa kaniya. A soft moan came from my mouth when I felt his bulge pressing against my butt. His hands immediately went up until it reach my boobs.

“Let’s have a quickie, Amor. Please?”

Mariin akong napapikit sa mapang-akit niyang boses at sa ipinararamdam ng mga paghawak niya sa akin. I was about to give in, but Tita Rosanna’s stern face suddenly popped in my head!

We really needed to get going!

“Later na lang pag-uwi natin.” Kahit ayaw ko ay napilitan akong kumawala sa mga braso niya. “Let’s go.”

Halos magmaktol siya pero wala na ring nagawa, lalo na noong nakita akong nagsasapatos na.

*****

Nakatanaw ako sa bintana habang nagda-drive si Froilan. We’re off to Tita Rosanna’s residence. It’s her 55th birthday and I already made a promise that I’d come. She was also the one who told me to bring Froilan. Naikwento kasi sa kaniya nina Ajah at Trisha Nicole ang tungkol dito. Aniya’y gusto niyang makilala ito.

“Amour, do you think they’ll like me?”

Kasalukuyan kaming nakahinto dahil sa traffic. Nilingon ko si Froilan nang itanong niya iyon.

“Oo naman. They’re nice, don’t worry. Tita Rosanna looks a bit stern, but she’s good.”

Napabuntong hininga siya. Kahit na sinabi ko iyon ay mukha pa rin siyang kinakabahan. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na ipakikilala ko siya sa tanging natitirang mga kamag-anak ko.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon