Chapter 36

2.2K 122 55
                                    


MAHIGPIT ang hawak ni Froilan sa manibela habang patuloy sa pagda-drive. Sinulyapan ko siya at hindi nagbabago ang kaniyang itsura. He looked so angry and frustrated at the same time. His jaw was clenching and his ears were a bit red -- one proof that he was really tensed. The veins in his arms were protruding so bad.

Nabibingi ako sa katahimikan. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko'y sinasakal ako dahil para akong pinuputulan ng hininga sa hindi kakomportablehan. The air in between us was a hard, heavy rock that seemed resting above my shoulders. It felt so heavily uncomfortable.

Muli akong napatingin sa bintana at pinamunoan ng luha sa mga mata. Everything started to pile up in my chest -- the frustration, the fright, anger, and every fucking thing in our situation right now! I didn't know what to do. Hindi ko alam kung dapat na ba akong makampante na nakatakas ako. Paano kung malaman ng mga awtoridad na ako ang salarin?

Like I've said, Braxton Salvatorre is Ysmael Salvatorre's son. He's the Manila Mayor's son! Kaya hindi siya basta-basta kung sino. Makapangyarihan ang pamilya nila at hindi imposibleng mahanap ako agad!

"Stop crying," Froilan said when he heard me crying again.

Nang hindi tumigil ang paghikbi ko ay narinig ko ang marahas niyang pagpapakawala ng hininga.

"Amor, tumahan ka na. Naririndi na ako." Rinig na rinig ko ang pinipigilan niyang inis.

Suminghot ako at pinunasan ang luhaan kong mukha. Akala ko'y titigil na ang paghikbi ko ngunit nang maalala kong muli ang pagtatangka sa akin ni Braxton ay muli akong naiyak.

"I said, fucking stop crying! Ano ba!" sigaw ni Froilan at biglang inihinto ang sasakyan sa isang tabi.

Isiniksik ko ang sarili ko sa pinakadulo ng passenger seat at pilit itinago mula sa kaniya ang pag-iyak. Narinig ko ang pagsuntok niya sa manibela at ang iilang mura sa kawalan. Siguro'y dahil sa galit, frustration, gulat, o panlulumo. Hindi ko alam.

Nagpatuloy ang tahimik kong pag-iyak ngunit pinipilit kong patahanin ang sarili. Baka mainis na sa akin nang tuluyan si Froilan at iwan na lang ako basta rito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon.

Sandaling natahimik ang pagitan namin. Ang tanging naririnig ko ay ang iilan kong hikbi at ang mararahas na buga ng hininga niya. Naramdaman ko ang paggalaw niya. Akala ko'y magpapatuloy na siya sa pagda-drive ngunit muling nadagdagan ang luha sa mga mata ko nang maramdaman ko ang mainit niyang yakap.

"I'm sorry..." he gently said. "Sorry, Amor. S-Sorry."

I tightly closed my eyes when I felt him kissed my head. A sob escaped from my mouth again. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at pinaghahalikan ako.

"Sshh... H-Hindi na, hindi na," alu niya. "Sorry. Tahan na."

His warm and regretful embrace touched not only my body, but also my heart. His lips kissed my pain away. His tender caress was like telling me that he'd never leave me -- that he'll stay no matter what; that he'd be willing to be with me no matter how rough the road would be.

"I love you... I'm sorry," ulit niya.

Tumahan ako sa marahan niyang pag-aalu at pagpapakalma. Nanatili siyang nakayakap sa akin habang pinag-uusapan namin ang nangyari. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga natandaan kong pangyayari: iyong paglalakad ko sa eskinita at pagtatakip sa ilong at bibig ko, pati na iyong nagkaroon ako ng malay at tinatanggal na ni Braxton ang mga butones ng blouse ko.

I loathed Braxton for what he tried to do to me, but I wasn't happy that he died in my hands. Hindi ako ang may gawa pero parang ganoon na rin dahil itsura at katawan ko iyon. Kung isa man sa mga alters ko ang nakagawa no'n, ako at ako pa rin ang may kasalanan. That was why I felt so guilty. It felt like it was all my fault.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon