NAKARAMDAM ako ng marahang paghaplos sa likod ko kaya nilingon at tiningala ko ang taong iyon. Isang tipid na ngiti mula kay Mommy ang natanggap ko. Hindi ako nakangiti pabalik. Alam niya na kung bakit."Why don't you take a rest for a while, son?" she asked carefully.
Bumuntong hininga ako at muling tumitig sa harap. "Maya-maya na lang po."
Hindi na siya namilit pa. Isang beses niya pang hinaplos ang aking likod bago ko siya naramdamang naglakad palayo. Muli kong inabala ang sarili sa pagtitig sa isang bagay na nasa harapan naming lahat.
Blangkong tingin lamang ang kaya kong ibigay. Sa tingin ko'y lahat ng emosyon na meron ako ay nasaid na. Wala na akong mailalabas pa. Nakakapagod na.
"P're." May tumapik naman ngayon sa aking balikat.
Umupo si Reenon sa tabi ko at tinitigan din ang nasa harap.
"Ang daming media sa labas. Nagpupumilit pumasok. They wanna interview you and the Carbonels." He sighed.
"Wala akong pakialam sa mga gagong 'yon. Alam naman na nila kung anong nangyari."
Napailing-iling siya at napahinga nang malalim.
"Huwag kang mag-alala, Froilan. I'm sure this will be the last time that the media will bug you."
Napalunok ako at mabagal na napatango. Nang maalala ko ang lahat ay mariin na lamang akong napapikit at napahilot sa sentido.
"Nakakagago lang na kailangan pang umabot sa ganito ang lahat para lang tumigil ang mga punyetang 'yan," saad ko, may diin ang tono.
Umigiting ang panga ko at bahagyang tumalim ang tingin nang muli akong magdilat ng mga mata. Narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga ni Reenon sa tabi ko.
Maya-maya, napalingon ako sa likod nang makarinig ako ng kumosyon. Hinaharang ng mga security namin ang mga taong kasalukuyang pumapasok. Nagtagis ang bagang ko at dahan-dahang napatayo. Si Reenon ay agad ding napatayo mula sa kaniyang kinauupuan at inawat ako nang humakbang ako.
"Who says that you're all allowed to go here?" narinig ko ang matapang na tanong ni Mommy.
Hinawakan siya ni Daddy at dinala sa likod nito. Si Daddy ngayon ang humarap sa mga taong iyon.
"I'm sorry. We don't want any trouble. We're just here to--"
"Ang kakapal ng mga mukha ninyo!"
Naputol ang sinasabi ni Ysmael Salvatorre nang pumailanlang ang galit na boses ng Tita ni Amor. Si Ysmael, ang asawa nito, ang kapatid na si Fleury Contejo, at ang dalawa pa nilang kasama na hindi pamilyar sa akin ay nakarating na sa gitna. Natigil sila nang tumayo ang mga Carbonel.
Tita Rosanna immediately went to their group to throw a slap on Ysmael Salvatorre's face. Her children stopped and held her right away.
"You have no respect at all! All of you!" patuloy ang palahaw ni Tita Rosanna. "Amor took her own life because of you and you still have the audacity to show your faces at her wake?!"
Lumapit ako at minabuti nang pumagitna. Hawak si Tita Rosanna ng mga anak niya habang pinakakalma. She was now crying. I, on the other hand, suppressed my emotions and remained calm.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglapit nina Tito Arsen sa mga Salvatorre. Sumunod sina Mommy sa kanila.
"Calm down, Tita," pag-aalu ko sa Tita ni Amor. "It's okay. We will send them out."
"We mean no harm, Arsen," rinig kong mahinang saad ni Fleury Contejo. "We aren't happy about what happened. Nakikiramay kami."
"Hindi naman namin inakala na magagawang magpakamatay ni Amor para lamang matakasan ang kasalanan niya--"
BINABASA MO ANG
For You, Amor
Fiction générale"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...