Chapter 9

2.1K 126 19
                                    


NAHINTO ako sa paglalakad nang makita ko si Froilan at Ingrid na magkausap sa isang tabi malapit sa locker area. Mukha silang may pinagtatalunan. Kahit ayaw kong makinig dahil wala naman ako dapat pakialam, wala akong magagawa dahil kailangan kong pumunta sa locker ko upang ilagay ang mga librong dala ko.

"I just needed to tell them na tayo na para tumigil na sila sa pangungulit."

"You just made it worst, Ingrid! Hindi ka ba nag-iisip? Bakit ako, nagagawa kong sabihin kina Daddy na wala namang namamagitan sa atin? Ikaw, hindi mo kaya?"

Naglakad ako papunta sa locker. Agad silang tumahimik dahil sa presensya ko. Hindi ko sila tiningnan at ipinasok ko lang ang mga libro ko sa loob ng locker.

"A-Amor," rinig kong tawag ni Froilan.

Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng mga gamit sa locker ko.

"Froilan, bakit ka ba nakikipaglapit sa weirdo na 'yan?" maarteng tanong ng hitad.

"Shut up, Ingrid!" sigaw ni Froilan.

Narinig ko na lamang ang nagdadabog na pag-alis ni Ingrid. Marahas na nagpakawala ng hininga si Froilan bago mas lumapit sa akin.

"I know you heard that. It's true, though. Walang namamagitan sa amin ni Ingrid. She told her parents that we have a relationship which is not true. Paulit-ulit ko nang sinabi sa kanila na hindi ko siya gusto."

Tamad akong bumuntong hininga at isinarado na ang locker ko.

"Hindi ko tinatanong," sabi ko at tinalikuran na siya.

Narinig ko ang malakas niyang pagpapakawala ng hininga na tila nainis. Sumunod siya sa akin.

"Wala ka ba talagang pakialam?" medyo inis niyang tanong sa akin.

Diretso lang ang tingin at paglalakad ko.

"Dapat ba may pakialam ako?"

"Well, yes?"

Umiling-iling ako. "Do whatever you want, I don't care."

Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makapasok ako sa room ng susunod kong subject. Naiwan si Froilan doon na nakayuko.

Wala naman talaga akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Lalo na rito sa school. Nasanay na akong mag-isa. Nasanay na akong hindi pinapansin ang mga bagay-bagay. Pero simula nang makilala ko si Froilan, ginulo niya na rin ang isipan ko. Itanggi ko man sa kaniya, hindi ko naman maitatanggi sa sarili ko na nagkakaroon na nga ako ng pakialam sa kaniya at sa mga ginagawa niya.

At naiinis ako dahil doon. Hindi naman ako ganito dati. Magmula lang noong manligaw siya ay nagkaganito na. I didn't want to admit to him that I was already starting to appreciate his presence. I didn't want to admit that he was slowly becoming important to me.

It was scary. I shouldn't feel this way. It needed to stop right away. Ayokong kung saan pa tumungo itong nararamdaman ko.

Nang sumapit ang lunch ay nakita ko na naman si Froilan. Iiwas na sana ako ngunit napalingon siya sa direksyon ko. Agad siyang lumapit sa akin.

"Lunch tayo?" yaya niya.

Agad akong umiling.

"Kumain na ako," pagsisinungaling ko. "Pupunta akong library."

Sarkastikong tumaas ang kilay niya. Tumingin siya sa kabuoan ng cafeteria.

"Library ba 'to?"

Napanganga ako at hindi agad nakasagot ngunit mabilis din namang nakaisip ng palusot.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon