UMALIS din si Froilan alas nuebe ng gabing iyon. Kahit pilit ko mang itanggi, alam ko sa sarili kong sumaya ako kahit papaano nang makasama at makakwentuhan ko siya. Nawala rin ang ngiti sa mukha ko nang maalala ang mga agam-agam ko.He was nice, no doubt. He was a real gentleman, a man with both sense of humor and substance. He was every girl's dream... but... I think that I was getting a bit impulsive. Hindi ko gusto iyon. Hindi ko pa muna siya dapat pagkatiwalaan. Hindi porket nagbahagi na kami ng mga bagay-bagay sa isa't-isa ay kilala ko na talaga siya.
Mahirap magtiwala. I didn't want to get hurt at the end.
Kaya naman pagkatapos noong araw na iyon, walang nagbago sa pakikitungo ko kay Froilan. Palagi niya pa rin akong kinakausap at kinukulit pero malamig pa rin ako sa kaniya. Hindi naman porket medyo nagkakilanlan na kami ay ayos na. Hangga't maaari ay hindi ko pa rin dapat ilapit ang sarili ko sa kaniya. Natatakot ako na baka kung saan na magtungo ito. Ako ang dehado kapag nagkataon.
"Saan ka kakain ng lunch? Sabay na tayo! I know a good resto at España," Froilan said after our Comm Skills class.
I gave him a blank stare. He was just smiling sweetly at me.
"I will go to the library right away after eating." Sinikop ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng room.
Sumunod siya sa akin. Tamad akong napairap sa kawalan nang makitang pinagtitinginan na naman kami ng mga babaeng patay na patay sa kaniya.
"Huwag ka ngang masyadong madikit," saway ko.
Binalewala niya ang sinabi ko at kinulit lang muli ako tungkol sa lunch.
"E 'di hindi tayo magtatagal sa pagkain. Babalik rin agad tayo rito pagkatapos kumain para makapunta ka ng library. Besides, I also have a major at one-thirty."
"Malayo pa ang España," tamad kong sagot.
"May sasakyan naman ako. Mabilis lang tayo makakarating."
"Traffic."
Tumawa siya. Sumimangot ako at idiniretso na lang nang mabuti ang tingin sa paglalakad.
"Mon amour, I know you're smart and always think advance, but don't overthink."
He caressed my chin. I looked at him sharply. He just smiled.
"Just trust me."
Gaya nga ng sinabi niya, mabilis lang kaming nakarating ng España dahil hindi naman ito kalayuan. Wala ring traffic. Nang makarating kami roon sa restaurant na sinasabi niya, agad kaming um-order. I didn't like wasting time. Like I said, I needed to go to the library to study.
"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng klase mo?" tanong niya habang kumakain kami.
"Uuwi agad ako. I need to study."
Malapit na kasi iyong Midterm exams namin kaya kailangan ko nang magsimulang mag-review ng mga notes.
"Can I come?"
Mula sa pagkain ay umangat ang tingin ko sa kaniya. Umiinom siya sa Iced Tea niya habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.
"Mag-aaral nga ako."
"Ako rin. I'm not gonna bother you, I promise. Mag-aaral lang din ako roon."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit kailangang sa apartment ko pa? Wala ka bang bahay?"
Tumawa siya. Napabuntong hininga na lamang ako nang marinig ko na naman ang ganda ng pagtawa niya.
"I just want to be with you, Amor. But I promise, hindi kita guguluhin habang nag-aaral ka." He even made a cross on his chest.
Umirap ako. "Fine."
Amor, ano ba talaga? Sabi mo hindi mo pa rin siya pagkakatiwalaan? E, bakit ang bilis mong pumapayag sa mga gusto niya?
Inilingan ko na lamang ang mga naiisip ko dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I was like pushing Froilan away, but also needing him at the same time. It was frustrating.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Napatingin ako sa cellphone niyang nakapatong sa lamesa nang mag-ring iyon. I saw a name "Ingrid". My eyebrow rose up. Was that Ingrid the flirt from our school? The one who was always bullying me, too?
He cleared his throat. I transferred my eyes on him. He was staring at me like he was trying to read my mind. Hindi niya sinagot ang tawag at pinatay ang cellphone. Tumaas ang kilay ko at ibinalik na lamang ang atensyon sa pagkain.
"I don't like using phone while eating," I uttered.
"Oh." Tumikhim muli siya. "Sorry." Mabilis niyang dinampot ang cellphone niya at itinago iyon sa bulsa niya.
Ramdam ko pa rin ang tingin niya pero hindi ko na siya tiningnan. May mga tanong na nabubuo sa isipan ko pero ayokong itanong. Baka kung ano pang isipin niya.
"That's Ingrid Suarez. You know her, right? Uh... hindi naman kami friends pero 'yong Daddy ko at tatay niya ay matalik na magkaibigan. Kaya pinipilit ako nila Daddy na makipaglapit sa kaniya kahit ayaw ko naman sa kaniya."
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Tinanong ko ba?" pambabara ko.
Natameme siya. Maya-maya'y bahagya siyang napanguso na akala mo'y napagalitan.
"I just feel the need to tell you. You deserve to know everything about me." He gave me small smile. "May karapatan ka dahil nililigawan kita."
Wala sa oras kong nalunok ang kinakain kong hindi ko pa gaanong nangunguya. Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Whatever," iyon na lamang ang nasabi ko.
Nang matapos kaming kumain ay agad kong inilabas ang wallet ko upang bayaran ang kinain ko. Agad na hinawakan ni Froilan ang kamay ko. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"It's on me," he said.
Sumimangot ako at binawi ang kamay ko.
"No. We both should pay. Half-half."
He groaned dramatically.
"Oh, come on, Amor. Ako 'yong lalaki rito at nanliligaw ako," katwiran niya.
"And so? Being a man doesn't mean that you always have to provide for everything. Kung kaya niyo, kaya rin namin." I rolled my eyes.
Nakakainis. Hindi ko alam na kailangan pa naming pagtalunan ito. It was so petty! And can everyone fucking stop that kind of thinking? It's making women look so dependent on men when they should not. It's toxic.
Napanganga siya sa sinabi ko at hindi na nakapagsalita pa. Wala na rin siyang nagawa nang maglagay ako ng kalahati ng bayad sa bill namin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...