MARIIN kong tinakpan ang bibig ko at hindi na gumalaw pa. Hinayaan ko na lang muna ang nagalaw kong coffee table dahil baka makagawa muli ako ng ingay."Saan nanggaling 'yong tunog na 'yon?" rinig ko pang tanong ng isang pulis.
"Uhm, I don't know! B-Baka sa kusina," sagot ni Ate Rizza.
"Puwede ba, kung hahalughugin ninyo ang bahay namin, bilisan ninyo," masungit na saad ni Tita Claudia. "Don't you know that you're disturbing us? We still have a lot of things to do."
"Pasensya na po sa abala, Mrs. Vallescas. Huli na po naming titingnan ang kusina at aalis na kami."
Unti-unti kong narinig ang papalayo nilang mga hakbang. Napahawak ako sa aking dibdib dahil tila ako nakahinga nang maluwag. Naibuga ko na rin sa wakas ang naipon kong hininga.
Nang makaalis ang mga pulis ay agad akong sinundo ni Ate Rizza. Froilan hugged me immediately. I felt scared for him earlier, but it seemed like he felt more scared for me. Hindi naman na raw nang-usisa pa ang mga pulis at agad nang umalis nang makumbinsi na hindi ako itinatago ng mga Vallescas.
Hapon nang dumating ang mga Marqueza upang kamustahin ang lagay naming lahat. Nahihiya ako sa kanila ngunit hindi ko naman nararamdaman ang panghuhusga mula sa kanila.
Sa mga kaibigan nina Tito Enrico at Tita Claudia, sina Quillon at Ciello Marqueza ang lubos daw nilang pinagkakatiwalaan tungkol sa nangyayari ngayon. Naikwento na nila ako sa mga ito at naniniwala naman daw ang mga ito sa akin at handa pang tumulong.
"For sure, the Salvatorres will not stop until they found the suspect," ani Mr. Marqueza. "Hindi papatalo ang mga 'yon."
"Yeah. We must not forget how evil their family is," pagsingit ni Mrs. Marqueza. "Lalong-lalo na 'yang si Ysmael? Naku, hindi ba nga't ang usap-usapan ay pinapatay niya 'yong mga napagbintangang suspects sa pagkamatay ng mga magulang niya noon? E hindi naman pala ang mga 'yon ang salarin."
Wala akong ibang magawa kundi makinig lang sa mga pinagkukwentuhan nila. Nalilibang din naman kasi ako. Si Froilan ay nasa tabi ko at nakaakbay sa akin.
"Oo nga. He is so impulsive. Parang palaging nagmamadali na malutas ang kaso kaya sige lang nang sige. Palibhasa, lahat na lang ay nadadala niya sa koneksyon at kapangyarihan," komento ni Tito Enrico.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa ibang direksyon. Para tuloy mas lalo akong kinakabahan. The Salvatorres were known for being dangerous and very powerful. Like they could do whatever they wanted by just the use of their power.
Baka nga kapag nahuli ako ay imbes na ikulong ako, papatayin na lang ako. Sasabihin na nanlaban sa mga pulis kaya napatay.
Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Wala sa sarili akong napayakap kay Froilan. Nagbaba siya ng tingin ng sa akin.
"You okay, baby?" marahan niyang tanong.Hindi ako sumagot at mas hinigpitan lang ang yakap sa kaniya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon sa amin ni Tita Claudia.
"Let's go to our room?" tanong pa ni Froilan.
Tumango na lamang ako dahil hindi na naman mapakali ang isip ko.
*****
Mag-a-alas sais ng gabi nang lumabas ako ng kwarto. Si Froilan ay kanina pa bumaba. Narito pa rin ang mga Marqueza at dito na sila magha-hapunan. Palapit ako sa dining area nang matanaw ko sina Reenon at Froilan sa patio. Lalapit sana ako ngunit natigilan nang marinig ang pinag-uusapan nila.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Reenon.
Nagkibit balikat si Froilan. "Hide Amor until everyone forgets about the case."
"Habang buhay na lang siyang magtatago rito, ganoon ba?"
Hindi agad nakasagot si Froilan. Parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan siyang tahimik na nafu-frustrate.
"And I don't think na titigil ang mga Salvatorre sa paghahanap sa kaniya. Also, what if they find out that you're an accessory to the crime? That you helped Amor to get away from it? Pati ikaw ay makukulong."
"Mas gugustuhin ko pang makulong, Reenon. Huwag lang si Amor. I can't let her go to jail--"
"So paano nga? Alangan namang akuin mo 'yong nagawa niya? Na sasabihin mo na ikaw ang pumatay sa Braxton na 'yon para lang maisalba siya?"
Kumunot ang noo ko. Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Froilan ngunit blangko lang ang mukha niya. Hindi niya sinagot si Reenon at nag-iwas na lamang ng tingin dito.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at unti-unting umatras. Kasabay ng pag-atras ko ang sunod-sunod na putok ng baril na nanggagaling sa labas. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatakip sa magkabilang tainga.
"What the fuck is that?!"
Napatayo sina Froilan at Reenon. Nagulat pa ang huli nang makita akong nasa likod lang nila. Froilan immediately pulled me down.
"Anong nangyayari?!" tanong ko.
Nagkakagulo na ang mga tao sa mansyon at nagsipagdapaan dahil tuloy-tuloy ang pagpapaulan ng bala sa labas. Naririnig ko rin ang pagkausap ng isang bodyguard sa walkie talkie nito, marahil kinakausap ang mga tauhan sa labas.
"Those fucking Salvatorres!" I heard Tito Enrico.
Hinila ako ni Froilan at sumunod sa amin si Reenon. Si Tito Enrico ay hindi na magkamayaw sa kamamando sa mga tauhan. Tita Claudia and Reenon's parents were in the dining room. When they saw us, they immediately gathered us.
"Stay here. Kami na ang bahala sa nangyayari sa labas. We won't let them get in," sabi ni Tito Quillon.
"No! Don't you dare go outside, Quillon!"
Hindi pinakinggan ni Tito Quillon si Tita Ciello. Nagdire-diretso ito patungong double doors at nakita ko pa na inabutan ito ng baril ng isa sa mga tauhan nila. Tito Enrico followed him outside.
"Froilan Enrico! What do you think you're doing!" galit na tawag ni Tita Claudia sa asawa.
"Stay here. Froilan and Reenon, stay with them. Umakyat na muna kayo sa taas."
Kahit halos magwala sina Tita Ciello at Tita Claudia ay wala na rin silang nagawa. Sa study room kami pumasok at hindi na masyadong malakas sa pandinig namin ang putok ng mga baril. Nanginginig ang mga kamay ko at napakagat ako sa mga daliri ko dahil sa nararamdamang takot.
Froilan looked so angry. His jaw was clenching and his hands were in a tight fist. It seemed like he wanted to do something, but he didn't know how.
"Ano ba naman itong nangyayari sa atin!" malakas na palahaw ni Tita Claudia.
I bowed my head and silently cried.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
For You, Amor
Ficción General"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...