Chapter 19

2.2K 128 51
                                    


BINUKSAN ko ang pinto ng unit ko at sumalubong sa akin ang madilim na tingin ni Froilan. Nanatili akong nakahawak sa pinto at hindi malaman kung bubuksan ba ito nang maluwag o hindi. Lalong sumeryoso ang mukha niya.

"Ano, hindi mo 'ko papapasukin?"

I almost shivered by the hard tone of his voice. I was used to his playful light tone that hearing him talking so serious scared me a bit. Idagdag pa ang madilim niyang ekspresyon na para bang hindi mo puwedeng biruin.

Tumabi ako at nilakihan ang bukas ng pinto. Kahit gusto kong iburyo ang sarili ko sa pag-iisip ay alam kong wala akong takas sa kaniya. Lalo na dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang inaakto ko.

"Akala ko ba uuwi ka na?" tanong ko at humalukipkip.

Umupo siya sa sofa habang ako ay nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. Tiningnan niya ang distansyang namamagitan sa amin na para bang isa iyong kaaway.

"I already got home, but I went back here because you're not answering my calls!" mariing aniya.

Kahit ramdam ko sa bawat himaymay aking pagkatao ang galit niya ay hindi ako nagpatinag. My poker face remained.

"Dahil lang do'n, bumalik ka pa talaga rito--"

"Of course! Malay ko kung may nangyari na sa 'yo rito kaya hindi mo sinasagot ang tawag ko!" His voice thundered.

Hindi ako nakapagsalita. Para akong naputulan ng dila. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung sasabayan ko ba ang galit niya. Ang dami-dami ko pa ring iniisip. Ginugulo ng ex niya ang utak ko!

"Tangina," he hissed. Napahilamos siya sa kaniyang mukha bago muling tumingin sa akin. "Ano na naman bang problema, Amor?"

I looked away. His gorgeous ex, the way he looked at her like he was still affected, and my insecurities as a human being crumbled in my chest. It was like a perfect combination of the things that could make me bleed. It all mixed up just to hurt me real bad.

And I hated myself for feeling this. Dati naman ay wala akong pakialam sa mga bagay-bagay pero ngayon, pagdating kay Froilan ay para bang nadidikdik ang pagiging bato ko.

"Wala." Nagsimula akong maglakad pabalik sa kwarto ko. "Ayos lang ako rito, no need to worry. Umuwi ka na--"

"Iyan ka na naman!"

Napabalik ako ng tingin sa kaniya. Nakatayo na siya at kung hindi lang siguro ako huminto sa paglalakad ay baka hindi ko rin naituloy ang pagpasok sa kwarto dahil hihilahin niya ako pabalik.

His jaw was clenching and his brows were furrowed. He opened his mouth to say something, but pursed his lips eventually as if controlling his growing irritation.

"Ano ba? Are we always gonna be like this, Amor? That every time I'm trying to talk about our problems, you'll turn your back on me? Paano natin maaayos kung palaging ganiyan?"

Kumunot ang noo ko. "E sinabi ko na ngang walang problema, 'di ba? Ikaw lang naman ang nag-iisip na meron."

"Anong wala? Ginawa mo pa 'kong tanga? At hindi ako manhid, ramdam ko kung may problema tayo o wala!"

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili kaming nakatingin lang sa isa't-isa ng ilang segundo, parehong namumuo ang tensyon sa mga mata. Maya-maya'y nagpakawala siya ng hininga kasabay ng mariing pagpikit. Magaan siyang humakbang palapit sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.

He gently held my elbows like he didn't give out a storm earlier. I could feel his apology and calmness piercing through my skin as he caressed me. He slightly crouched to trap my vision in his eyes.

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon