MARARAHAN ang bawat paglapat ng mga kubyertos ko sa babasaging plato. Ilang araw na ako rito kina Froilan at palagi namang tahimik ang hapag sa tuwing kumakain kami ngunit naiilang pa rin ako. Nahihiya rin ako. Pakiramdam ko ay isa lang akong naligaw na pusa rito.“Kumain ka pa, hija,” malamyos na saad ni Tita Claudia sabay ngiti.
Noong isang araw ay tinawag ko siyang “Ma’am”. Kumunot ang noo niya at sinabihan akong Tita ang itawag ko sa kaniya. Para pa nga siyang nagtampo dahil bakit kay Tito Enrico ay Tito ang tawag ko tapos sa kaniya ay Ma’am.
Ngumiti ako sa kaniya nang tipid. Magaan ang mga tingin nila sa akin na para bang isa akong babasagin. Hindi ko naman nararamdaman na hindi ako welcome dito pero syempre, nahihiya pa rin talaga ako. Hindi ko maiwasang isipin na binibigyan ko pa sila ng alalahanin. Ang tingin ko sa sarili ko ay isang pabigat.
Palagi lang din akong tahimik at madalas lang na nasa kwarto ni Froilan. Ate Rizza was always talking to me about random stuff. I could feel that she was trying make my stay here more comfortable. She was nice and very friendly. Si Chaz naman, minsan ay sumasali rin sa usapan lalo na sa tuwing tinatawag ni Froilan.
Nasabi na sa kanila ni Froilan ang dahilan ng pamamalagi namin dito, pati na ang tungkol sa sakit ko. Hindi ko sila nakitaan ng panghuhusga at pangmamaliit sa tuwing titingin sila sa akin. Normal lang. Para bang wala akong nagawang kasalanan. Para bang wala akong disorder.
I didn’t know if I should just feel grateful because they were never treating me like an outsider or feel worse about myself because I feel like I didn’t deserve their kindness. They are just so kind I couldn’t help but to be guiltier. Hindi nila deserve na magkaroon ng isang pabigat sa kanilang pamilya.
“Doctora Mampusti is already on her way, Amor,” imporma sa akin ni Froilan nang sumapit ang hapon.
Tumango ako. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong makausap ang doktor ko kaya agad siyang nag-set ng appointment. Naalala kong hindi ako nakabisita rito nitong nakaraang buwan at kailangan ko talagang makausap ito ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari kay Braxton ay parang lumalala ang anxiety ko. Kailangan kong marinig ang mga payo niya.
“You know you can always talk to Mom. She’s very willing to listen,” magaang ani Froilan at tinabihan ako sa sofa.
Agad na sinakop ng mga braso niya ang baywang ko. Hinaplos ko ang braso niya.
“A-Alam ko naman ‘yon. Hindi pa lang ako ganoong… k-kakomportable.”
Nakakaintindi siyang napatango at nanahimik na. Nang dumating si Dra. Alexa Mampusti ay nagbatian pa muna sila ni Tita Claudia. Magkakilala pala ang dalawa dahil sa parehong linya ng trabaho. Nang magtama ang mga mata namin ni Doctora ay matagal niya akong pinagmasdan bago siya ngumiti at niyakap ako.
Iginiya kami ni Tita Claudia sa patio sa may hardin. Mayroong dalawang upuan at pabilog na lamesa roon. Payapa rin ang simoy ng hangin kaya medyo nakaka-relax. Dinalhan kami ni Froilan ng juice at cake.
“Thank you, hijo,” si Doctora.
Ngumiti sa kaniya si Froilan bago nagbaling sa akin. Ramdam kong ayaw niya akong iwan dito. Siguro iniisip niya na baka bigla na lang akong mag-breakdown sa pag-uusap namin ni Dra. Mampusti.
“I’m fine here,” I assured him.
Si Doctora ay may nanunuksong tingin sa amin. Malisyosa siyang ngumisi sa akin nang umalis na si Froilan.
“You didn’t tell me that you have a boyfriend. At anak pa ng dati kong katrabaho.” She chuckled. “Small world.”
Bumuntong hininga ako. Parang pumasok at lumabas lang din sa tainga ko ang sinabi niya. Hindi ako makapag-concentrate dahil ang dami kong iniisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/212840503-288-k547619.jpg)
BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...