NAMAMANGHA kong pinanonood ang mga makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan. Strong arms enveloped my body from behind. Froilan kissed my temple as I was still being fascinated with the fireworks."Happy New Year, mon amour..."
Galing sa pagtingala sa langit ay hindi nawala ang ngiti ko nang nilingon siya.
"Happy New Year!" maligaya kong bati.
There was a different gleam in his eyes as he looked at me tenderly. I didn't know if it's because of the colorful lights from above or I was just imagining things. He gave me a warm smile before his lips found mine.
Sandali lang ang halik niya kaya halos mapanguso ako sa disappointment. Humigpit ang yakap niya sa akin.
"To more years with you," marahang aniya.
My heart skipped. Parang hinaplos ng mainit na palad ang aking puso. Hindi ako kailanman nag-expect o nag-isip na aabot kami ng ilang taon. Ayoko kasi ng nag-eexpect. Ayokong umasa. Ayokong ma-disappoint. Ang marinig ngayon mula sa kaniya na gusto niyang umabot kami ng ilang taon na magkasama ay nagdudulot sa akin ng parehong kasiyahan at pangamba.
Months pa lang kami sa relasyong ito. Not even half a year. Could we really make it through the years? Could he stand being with me knowing that I was a bit complicated because of my disorder? What if he gets tired of me? What if gets tried understanding me?
Madaming tanong sa isipan ko. Madaming pangamba. Ngunit alam kong hindi naman iyon masasagot lahat ngayon. Malalaman ko lamang ang mga sagot sa bawat paglipas ng panahon.
Kaya hahayaan ko na muna kami ni Froilan. Walang makakapagsabi kung kami pa rin ba hanggang dulo. Kaya useless din kung isasatinig ko ang mga tanong sa aking isipan.
In-enjoy namin ang selebrasyon ng bagong taon sa Santorini. Madaming tao roon na nagse-celebrate din. May mga nagkakantahan pa at mga nagtutugtugan. Kami ni Froilan ay nagpasyang kumain at uminom ng wine sa isang restaurant doon.
Bukas ng hapon ay babalik na kami sa Pilipinas. Mabuti na lamang at nabisita na namin kahapon ang iilang magagandang puntahan dito sa Greece gaya ng Delphi Theatre, Parthenon, at iba pa. We had so much fun. The places were majestic that it was really an experience I would treasure forever.
Habang kumakain kami ay tumawag ang Ate Rizza ni Froilan sa kaniya through FaceTime. Napapunas ako sa aking bibig at bahagyang na-conscious sa itsura.
"Happy New Year, Ate!" masayang salubong ni Froilan sa kapatid.
"Happy New Year!" Ate Rizza's sweet and girly voice surrounded my ears. "Where's Amor?"
Napalunok ako at napainom ng tubig. Itinapat sa akin ni Froilan ang screen ng cellphone at doon ko nakita si Ate Rizza na nakangiti at mukhang nagsasaya rin sa kanila.
"Hi! Happy New Year!"
Ngumiti ako at kumaway. "Happy New Year, Ate Rizza!"
"Kamusta kayo riyan?"
"Ayos naman kami. It's fun here."
Maikli siyang tumawa siya. "First time naming hindi nakasama si Froilan ng New Year kaya dapat nag-eenjoy talaga kayo riyan."
"We really are, Ate," sabat ni Froilan at itinapat na sa mukha niya ang cellphone. "Ang ganda rito! We should come here for vacation next time. Anyway, where's Mom and Dad?"
Hindi ko narinig ang sagot ni Rizza ngunit naririnig ko ang pagkilos niya at ang mga kaluskos sa paligid. Maya-maya ay narinig ko ang iilang mga boses na mukhang nagkakasiyahan.

BINABASA MO ANG
For You, Amor
General Fiction"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...